CHAPTER FIFTY-SEVEN: Ghosts From The Past

121K 2K 197
                                    

"Nathan, apo, 'wag kang masyadong magulo dun, ha? Mag-behave ka." sabi ni Mamskie kay Nathan na nakaupo na sa loob ng sasakyan ni Ethan.

"Nadala mo na ba 'yung mga paborito mong laruan?" tanong naman ni Dadskie.

"Opo. Nandito na sa bag ko." sagot naman ni Nathan saka pinakita ang maliit n'yang bagpack. My parents kissed and hugged him before turning to me.

"Mag-ingat kayong dalawa." sabi ni Mamskie sa 'kin. Sandali s'yang nagdalawang-isip bago nagsalita uli. "Mag-enjoy rin kayo."

Napangiti ako. I knew that took a lot of effort for her to say.

Nang sabihin ko sa kanilang gustong dalhin ni Ethan si Nathan sa bahay n'ya ay hindi pa sila pumayag noong una. Tatlong araw rin kasing mananatili doon si Nathan. Baka daw hindi na ibalik ni Ethan ang bata sa amin. Baka daw itakas n'ya. Sabi ko naman sa kanila na hindi 'yun gagawin ni Ethan. Isa s'yang abogado at alam n'ya na kapag ginawa n'ya 'yun ay makakasuhan s'ya ng kidnapping. He wouldn't sabotage his own reputation.

Nang si Nathan na ang nakiusap sa kanila na pumunta sa bahay ni Ethan ay napilitan na silang pumayag. May isang kondisyon nga lang sila. Iyon ay ang sumama ako.

I didn't want to come. Ang dahilan ay gusto kong bigyan ng panahon si Ethan at Nathan na silang dalawa lang ang magkasama. They have to have some more father- and-son moments. Ang presensya ko ay makakasira lang sa mga ganoong pagkakataon.

Pero iniiwasan mo rin si Ethan.

Well, that too. Mula noong gabi na naghalikan kami ay may nag-iba na sa relasyon namin ni Ethan. Kapag bumibisita s'ya sa 'min ay may dala na s'yang bulaklak para sa 'kin. Agad ko naman 'yung tinatago para hindi makita ng mga magulang ko. Sigurado akong may sasabihin na naman silang masama tungkol kay Ethan at malamang ay ipagtatanggol ko si Ethan. Mag-aaway lang kami.

It's not that I have forgotten everything Ethan did in the past. Pero alam ko na kaya ko na s'yang patawarin. I see how he is a good father to Nathan. Para sa 'kin, sapat na 'yun para makita ko s'ya bilang mabuting tao.

People make mistakes, and I, for one, am not blameless. Pareho kami ni Ethan na nakagawa ng mga pagkakamali sa nakaraan. Those mistakes wrecked our lives. Pero may pagkakataon na ngayon para ayusin ang lahat, para bumawi sa mga nangyari. That is through loving Nathan.

"Tatawagan ko po kayo kapag nakarating na kami dun." sabi ko kay Mamskie.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Ethan at pumasok na ako ng sasakyan.

"Mister Salvador...Ethan." tawag ni Mamskie. Ethan turned to her, surprised. Pati ako ay napatingin kay Mamskie mula sa bintana. It was the first time Mamskie talked to Ethan ever since he came to visit.

"Alagaan mo sila. Please."

Tumango lang si Ethan. Mukhang gulat pa rin s'ya sa nangyayari.

"Salamat." Hindi nakangiti si Mamskie pero hindi na rin s'ya nakasimangot kay Ethan.

Parang may natibag na kung anong pader sa pagitan nilang dalawa. It wasn't big, but it was something.

Gumaan ang dibdib ko dahil doon.









Huminto sa harap ng gate ng bahay ni Ethan ang sasakyan. May isang may edad na babae at isang batang babae ang naghihintay sa labas ng bahay.

"What the..." Narinig kong sambit ni Ethan. Nang tingnan ko s'ya ay nakatingin s'ya sa dalawang nakatayo sa may gate. Agad s'yang lumabas ng sasakyan.

"Nathan, stay here." sabi ko sa anak ko bago ko sinundan si Ethan.

"Anong nangyari?" Narinig kong tanong ni Ethan habang papalapit sa dalawa. Tumakbo ang bata papunta sa kanya.

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon