Chapter #3

15 0 0
                                    

Pumunta na kami nina Troy,at Elexia sa sinasabi niyang lugar. Malapit ito sa gubat na nasa likod ng university.May pinindot si Elexia sa bandang puno kaya bumukas ang isang sikretong lagusan papunta sa kung saan kami pupunta. Nakarating kami sa isang secret hideout ng mga estudyante kung saan nag mi meeting meeting sila tungkol sa isang traidor na nang e spy sa aming lahat at ni re report sa Black Rose University (BRU). Isang estudyante daw ng BRU ang nag kukunyari na estudyante sa school namin at ang hinala nila ay si Michael.Ang famous at heartrub sa Academy namin.Nagbigay din ng ibang suspect si Jeff kaya agad nilang sinilip ang background ng iba pang suspects.

Jeff's POV
Hahahaha! Nakatatawa silang panoorin habang nagdududa kay Michael.Isa lng naman akong spy ng BRU at kailangan ko yung gawin dahil papatayin nila ako.Ginagawa ko lang naman ang aking tungkulin bilang isang masamang bihag.Isa isa ko silang papatayin ng palihim.Hahahaha humanda silang lahat lalo na ang baguhan sa Campus na nagngangalang Jack.Hahahahaha.

Jack's POV
Ayoko nang makisali sa gulo nila kaya iniwan ko na sina Elexia at Troy sumunod sa akin si Troy kasunod naman si Elexia at tinanong ako kung bakit.

"Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin?Isa akong halimaw..." (umiiyak habang sumisigaw).

Kinalma ako ni Troy kaya tumigil na ako.

Pinaliwanag niya kung bakit kami napili bilang mga makapangyarihang tao.At sinabi niya na lahat kami ay may purpose at kami daw ay magiging tagapagligtas ng daigdig.

Tinanong ko kung anong pinakakahulugan niya sa salitang "tagapagligtas ng daigdig"?

"Tayo ay biniyayaa ng God of elements ng mga iba't ibang kakayahan at kapangyarihan dahil tayo daw ang mga magiging sandata ng ating mundong kinatatayuan.Pinaliwanag sakin ng mga ninuno ko ang lahat ng mangyayari.Nakapaglakbay ang kaluluwa ko kung saan nanduon ang mga ninuno ko.Alam kong magiging kaibigan kita at may araw din na mamamatay ako. At malapit na iyon.Alam ko lahat ng mangyayari dahil sinabi na sakin ng mga ninuno ko iyon.Kaya sana maniwala ka sa lahat ng sinabi ko".Paliwanag ni Troy.

Hindi na ako makapag salita kaya pumunta na lang ako sa dorm at iniwan sina Troy at Elexia.Napaiyak ako dahil pakiramdam ko ay ako lahat ang may kasalanan.Pumasok si Troy sa room namin at kinausap ako.

"Huwag kang mabahala,hindi ikaw ang may kasalanan.Sadyang may mga naka takdang pangyayari para sa atin."

Gagawa ako ng plano para mailigtas siya sa oras na hindi na niya kaya.Kailangan kong maging alerto at mapag masid sa paligid.The enemy is somewhere out here spying and always watching us...

Universidad De Fantasia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon