Dear Classmate.
copyright © 2014
all rights reserved
written by nuttellove--------------------
Dear Classmate,
tanda mo pa ba nung unang araw ng klase natin dati? ako kasi, oo. Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. ang araw na kung saan una tayong nagkakilala.
Unang araw ng klase natin, medyo nahihiya pa ako kasi tranferee lang ako sa school na yon. Ikaw ang unang nagpakilala sakin. tinabihan mo ako sa upuan ko. pinipilit mo pa nga ako na maging magkaibigan tayo pero ayokong pumayag kasi hindi pa tayo masyadong magkakilala noon.
Lagi mo akong binibigyan ng paborito mong chocolate, lagi mo akong kinukulit noon, sinasabi mo sakin na hindi ka naman masama, na gusto mo lang magkaroon ng bagong kaibigan.
naaalala mo pa ba nung araw na pinagtanggol mo ako noon sa mga nang bu-bully sakin? binulungan mo ako at sinabing: "dito lang ako at hinding hindi kita iiwan. andito lang ako para sayo." dun ko napatunayan na mabait ka pala. akala ko kasi noon, masasama lahat ng ugali ng mga nag aaral sa school na yon.
Simula noong araw na yon, lagi na tayong magkasama. saba tayo langing pumasok sa school, kumain, at umuwi.
Naaalala mo pa ba nung nagkaroon tayo ng bagong kaklase? si Felise? sya yung magandang babae na umupo sa tabi mo noon. gaya ng dati, nakipag kaibigan ka ulit sa kanya.
maganda si felise. maputi, matangkad, sexy at matalino. halos lahat yata ng mga kaklase natin dati, may gusto sa kanya.
araw araw na nga kayo nun magkasama. nakakalimutan mo na ako. kayo na ang laging magkasama pumasok, kumain at umuwi. parang madali lang sayo na palitan ako bilang kaibigan mo.
nalipat ka na rin ng upuan noon. nagkalayo tayo ng upuan at kayo na ang naging magkatabi. halos sa lahat ng pinagagawa saatin, kayo na ang laging magkapartner.
hindi ko alam, pero parang may nararamdaman akong kakaiba dito sa dibdib ko. para akong nasasaktan kapag nakikita ko kayong magkasama. Doon ko nalaman na inlove na pala ako sayo.
hindi ko nga alam kung may gusto ka ba kay felise noon o magkaibigan lang talaga ang turingan nyo.
dumating ang araw na JS prom natin. si felise ang kadate mo noon, at ako naman ay si marky, ang naging kaibigan ko nung mga panahon na hindi tayo nagkakasama.
nakita kita, papalapit sa direction ko. ang akala ko, isasayaw mo ako, pero hindi pala. si Felise na nasa likod ko. hiningi mo ang kamay nya, at nginitian mo lang ako.
umaasa ako na maisasayaw mo ako nung gabing iyon. pero hindi. ni hindi mo man lang ako napansin. isang ngiti lang ang pinakita mo sakin. umuwi nalang ako. alam ko naman wala akong mapapala.
naaalala mo pa ba yung araw pagkatapos ng JS prom natin? ako, oo. tandang tanda ko yung araw na yon. ang araw kung kailan nalaman ko na kayong dalawa na pala ni felise.
Hindi ko man lang nabalitaan na nanligaw ka pala sa kanya, Josh. ang sakit pala. akala ko dati, puro sarap lang ang pagmamahal. hindi pala. gustuhin mo man o hindi, masasaktan at masasaktan ka.
lumipas ang mga araw, patagal ng patagal ang relasyon nyo hanggang sa dumating ang araw ng ating pagtatapos. ang pagtatapos ng ating pagaaral sa high school at sana, pagtatapos narin ng mga nararamdaman ko para sayo.
hiniling ko sa mga panahon na yon na sana mawala na ang nararamdaman ko para sayo dahil alam kong wala kang nararamdaman para sakin.
Nagkatinginan tayo. nakita kitang papalapit ka sa direction ko. parang deja vu. naalala ko nanaman yung araw na iyon. noong JS prom natin. akala ko hindi ako yung lalapitan mo. pero mali ako.
niyakap mo ako. ang sabi mo sakin "Congratulations Selene! graduate na tayo!" napag isip isip ko, kaya kaya kitang kalimutan?
lumipas ang mga taon, at eto, nagkatrabaho na tayo, naging isa akong architect at sa pag kakaalam ko, naging engineer ka naman. ang alam ko noon, ay kayo parin ni felise.
naaalala mo pa ba nung araw na pumunta ka sa harap ng bahay ko? nakita ko ang mugto mong mga mata. iyak ka ng iyak noon.
niyakap mo ako at sinabi sakin "ang sakit sakit. niloko nya ako ng matagal na panahon." parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko noon. bumalik na siguro ang nararamdaman ko sayo 5 taon na ang nakakalipas.
akala ko, magkakaroon ng pagkakataon na maging magkaibigan ulit tayo at maging tayo, pero mali ako.
2 araw ang nakalipas, nalaman ko nalang sa mga kaibigan mo na wala ka na. nagpakamatay ka raw dahil hindi mo kinaya ang sakit.
Nadurog ang puso ko nang malaman ko ang balitang iyon. mas masakit pa kesa sa naramdaman ko nung high school palang tayo. dumoble lahat ng sakit na naramdaman ko.
sayo ko unang naramdaman ang pagmamahal. sayo ako unang umasa at nasaktan. ang sabi mo sakin "dito lang ako at hinding hindi kita iiwan. andito lang ako para sayo."
pero bakit ganun? Sinira mo ang pangako mo. sabi mo hindi mo ako iiwan, pero iniwan mo ko. akala ko ba nandyan ka lang para sakin?
hanggang ngayon natatandaan ko pa ang lahat mula sa simula nuong nagkakilala tayo. simula noong naging magkaklase tayo.
kahit maraming taon na ang lumipas, kahit maputi na ang buhok ko at inaatake na ng rayuma, ikaw at ikaw parin ang laman ng puso ko Josh. hinding hindi kita makakalimutan.
nagmamahal,
Selene
--------------------------
BINABASA MO ANG
Dear Classmate
Short StoryDear Classmate.(one shot) Copyright © 2014. all rights reserved. written by nuttellove. Purely fictional