Chapter 14 The Chase

6 1 0
                                    

Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa labas. Ilang araw na siyang nakakulong at bantay sarado sa silid niya. Isang linggo dapat ang parusa niya dahil sa dinala niyang kapahamakan sa mga tao ng tabing dagat. Ngunit dahil sa pagsasanay niya sa Misyona ay bumaba iyon sa apat na araw.

Ayon sa Punong Helento, siya ang may kakagagawan ng malakas na hangin. Isa iyon sa mga lihim niyang abilidad. Maaari daw dahil iyong sa pagkagulat o masayang emosyon.

Aaminin niyang pareho niyang naramdaman ang mga iyon ng gamitin niya ang bagong kapangyarihan sa dagat.

"Hindi mo maaaring basta-bastang gamitin ang mga lakas mo lalo't hindi ka pa sanay, anak." Pasesermon ng ama niya. Lagi itong bumibisita pagkatapos ng nagpaghuhugas.

"Tama na yan, mahal ko. Ang mahalaga ay buhay at ligtas ang anak natin. Malaki ang utang natin sa bisirong iyon. Hindi siya maaaring mawalan ng katungkulan." Suhestyon ng Ina niya. Na kasama nito noong gabi.

"Mawawalan ng katungkulan si Jichael?? Bakit?" Hindi mapapaniwala niyang sabi.

"Hindi pa naman iyong ang huling desisyon. Mabuti nalang at tumulong si Lehandro sa paghuhukom sa pamangkin niya." Kwento ng Ama niya.

Napakalaki ng gulong ginawa niya. Hindi niya alam na umabot na ikaapat na paghuhugas ang kaibigan. Nanlabo ang mata niya nang isipin niyang maaari silang hindi magkita.

Mula pagkabata palang ay magkaibigan na sila. Ito sa lahat ang una at pinakamalapit niyang bisiro.

"Gagawin naming lahat upang hindi matanggal si Jichael na bisiro mo. Siya lang ang kaisa-isang taong alam kong isasakripsyon ang lahat para saiyo, Nessa." Inangat ng Ina kanyang mukha at pinanasan ang mga luha roon. "Pangako iyon." Dagdag nito sabay halik sa nood niya.

Mayamaya naman ay sumali na ang ama niya sa yakapan.

Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi na niyang kayang magkulong roon. Nguni't kanina umaga nang pilitin niyang lumabas ay inawat siya ng iba niyang bisiro.

"Tama na, Nessa. Ipinapahamak mo lang si Jichael. Alam naming espesyal siya saiyo ngunit kailangan mong manatili rito." Pigil ni Zydella.

"Anong ipinapahamak? Natatandaan mo bang nailigtas ko siya napipinto niyang kamatayan nang hatulan siya." Sagot niya.

"Alam ko yun, Nessa. Ngunit alam ko ring may nabuksan kayong sumpa dahil ginawa niya sa dalampasigan. Kung niligtas ka niya sa kamatayan roon at niligatas mo siya rito ay patas na kayo." Malungkot siyang tinitigan nito.

"Zyde, naman ang layo naman ng narating ng usapan natin. Gusto ko lang naman siya makita." Pakiusap niya.

"Hindi iyon maaari. Alam mong hindi ka pwedeng lumabas dito hanggang bukas." Umiwas ito ng tingin.

Bumaling naman siya sa kambal niyang bisiro upang humingi ng tulong.

"Payagan mo na siya Zydella. Kawawa naman ang Prinsesa." Sabat ni Rleo.

"Oo nga Zydella." Pag-aayon ni Vleo.

"Kita mo pati sina Rleo at Vleo pumayag na." Balik niya sa kaisa isang kaibigang babae.

"Hindi mo naiintindihan eh. Ikakapahamak nga-"

"Ano ba kasi ang hindi naiintindihan, Zydella? Ipaliwanag mo kasi ng mabuti para maintindihan ko. Kasi kahit anong pag-iintindi ang gawin mo ay isa lang ang nakikita ko. Isa ka sa hadlang samin ni Jichael." Naiinis niyang singit sa paulit ulit nitong paliwanag.

Hindi lingid sa kanya na tinatangi ng kaibigan rin nito ang lalaking nagligtas sa kanya, ilang araw nang nakakalipas.

Katahimikan ang bumalot sa kanila. Siya ang unang bumasag roon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ageless DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon