Epilogue : The last MAGIC

27 2 0
                                    

<\ THE8's POV />

"Minghao!!"

"Oh Hyung?!"

"Ang cool mo talaga sa stage kanina!!"

"Hahaha talaga Hyung?! Salamat po" sabi ko at nakipag-high five kay Junhui Hyung

Kakatapos lang kase ng performance ko na naglaro nanaman ako ng wushu sa harap ng mga fans, na talagang gustong gusto nila.

Lumapit na agad ang mga PA para punasan ang mga pawis ko at muli nanaman akong ayusan at mag retouch sa make up na nabura na. May nag-aabot ng bote ng tubig at agad naman akong uminom.

Ganito naman talaga pagbuhay artista tama? Nagtatrabaho kang may nagtatrabaho rin para sayo.

Malayong malayo sa buhay noong bata pa ako. Malayong malayo sa buhay noong estudyante pa lang rin ako. Malayong malayo sa buhay ng isang fan. Malayong malayo sa buhay ng normal na tao. At higit sa lahat malayong malayo noong nasa katawan pa ako noon ni Jas.

"HIP HOP TEAM ANO NA? KAYO NA NEXT PLEASE MATATAPOS NA ANG VCR DOUBLE TIME TAYO!!" sigaw nung staff naming babae

Sunod na dyan ang Performance Team kaya naka-standby na kami dito. Buti pa kami kalma.

"Balita ko pumunta kayong Magic Mountain ni Jisoo Hyung kanina ah" si Junhui Hyung pala tong katabi ko

"Ah? Opo Hyung hehehehe" napakamot ako sa batok ko

"Ayaw pala sumama ah..." yung tono ng pananalita ni Hyung, parang ano...

"Si Joshua Hyung ang nagyaya saken-"

"At may nakilala pa raw kayong babae dun sa tuktok... Carat pa... at ikaw ang bias...."

"Kinuwento talaga ni Hyung lahat?"

"Kung hindi ko pa pipilitin na magsalita di ko malalaman..."

"Sorry na Hyung" ang plastik ng ngiti ko, tinignan na lang ako ni Jun Hyung

Matapos ang ilang performances natapos na ang gabi para sa mga Philippine Carats. Oras na para magpaalam sa kanila. At habang kumakaway ako sa mga fans, bakit parang hinahanap ko sya? Imposible namang narito sya diba? Sya na mismo nagsabi na, hindi sya pupunta.

Pagbalik naming dressing room, nag ayos na kami. Eto balik nanaman sa dati. Makakapagpahinga na kami wohoo!

Habang nasa parking lot kami at pasakay na ng mga vans, may mga sigawan mula sa labas. Anong oras na ah? Mga Carats na nagfa-fanchant. Mga Carats na nasa labas ata ng parking lot para salubungin kami pauwi. Nakakatuwa naman.

Habang nasa loob ng van, sakto na nasa may bintana ako at katabi ko nga pala si Jisoo Hyung at Han Hyung sa kabila nya.

"Hao, wala ka namang binabalak na masama tama ba ako?" tanong ni Hyung

"Po? Ako? Wala ah!" pagtanggi ko

"Sigurado ka? Parang alam ko binabalak mo Hao..." natatawa si Hyung

"Wag ka na lang po maingay ah..." bulong ko

Eto na umaandar na yung Van, eto na palabas na kami ng parking lot at handa na akong salubungin ang mga Carats na ito.

"SEVENTEEN! SARANGHAE! SEVENTEEN! SARANGHAE!"

Pag-cheer nila ng makalabas na nga kami.

"AAAAAAAHHHHH MIIIINGHAAAAOOO OPPPAAAA!!! AAAAAAhhhhh!!!" lumakas na ang sigaw dahil binuksan ko ang bintanang katabi ko at kinawayan sila

Pero alam nyo ba....

Alam kong napaka-imposible....pero

Sa dinami rami ng taong naroon, malinaw kong nakita si Jas. Oo, nakita ko si Jas. Walang halong biro. May hawak syang banner na may pangalang 'The8' na pagkalaki laki.

Nagtagpo pa nga ata ang mga mata namin ng dalawang segundo dahil mabilis ang mga nangyari.

Muli ko ng sinara ang bintana at napangiti ako ng malaki.

"Ehem... Happy sya oh!" napalingon ako kay Joshua Hyung "Nakita mo sya?"

"Sino?"

"Asus, Hao. Ako pa ba paglilihiman mo? So nakita mo nga sya?"

"Po? Hi-hindi ah!!"

"Bakit ganyan ka kung makangiti?"

"Wala toh Hyung naku! Tigilan nyo na nga po akooo!"

"Si Minghao umiibig na~"

at hindi na nga ako tinigilan ni Hyung sa kakaasar. Pinabayaan ko na lang.

Pero sa loob loob ko rin, masaya ako. Masaya ako dahil nga sa kanya ngayon, kaya ako napapangiti ng ganito.









"There is a reason why this things happening to us again, because we both now believe in Magic..." si Jun Hyung na hawak ang phone nya at may binabasa sa harap ko. Kasalukuyang nasa dorm na kami ngayon "Hao ano tong pinost mo?" tanong ni Hyung at hinarap ang phone nya sa mukha ko

"Picture ko Hyung..." sagot ko na lang

"Hindi! Yung caption mo pala, san galing toh ha?"

"Wala lang yan Hyung. Gawa gawa ko po"

"May pinararatingan ka ba nito?" napatigil ako sa tanong

"Wa-wala po ah! Wag nyo na nga po yang pansinin!!!"

"Ang lalim kase eh, parang may meaning behind..."

"Hahahaha goodluck Hyung sa pag-alam ng meaning behind na sinasabi mo po" nakakatawa naman tong si Hyung, parang batang naliligaw

"MGA BATA!! LAPIT DITO DALIII!" sigaw ni Cheol Hyung mula sa labas, at agad na rin kaming lumabas nga mula sa kwarto

"Ano nanaman yan Hyung? Nagluluto pa po ako oh!" pagrereklamo ni Gyu na may hawak na sandok at naka-apron pa

"May sched na tayo para sa susunod na buwan... at mukhang magugustuhan nyo ito" ngumiti ng nakakaloko si Hyung sa amin

"Cheol dalian mo na, mamaya niloloko mo nanaman kami eh, makukuyog ka talaga sa amin sinasabi ko na sayo" pagbabanta ni Han Hyung

"May Exchage Students Project ang Korea at Pilipinas next month. Yung nga estudyante mula sa Pilipinas itu-tour rito sa Seoul at ang Seventeen ang napili para mapakilala ang K-pop Culture sa kanila..." pinakita na ni Cheol Hyung ang kanina nya pang hawak na papel sa amin "Heto ang mga pangalan ng mga estudyante para sa project na ito mula sa Philippines"

Dali dali akong napatingin sa papel na yun at... oo naroon nga ang pangalan ni Jash at ni Jas.

"OH? MINGHAO!! SI JAS BA ITO?" sigaw ni Joshua Hyung at napatingin sa akin ang lahat

"SINO SI JAS?" sabay sabay na tanong nila. Napabuntong hininga na lang ako at napasapo sa noo ko.

Mukhang alam ko na ang susunod na mga mangyayari....





-Wakas

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon