Worth Waiting For [One-Shot]

26 2 4
                                    

Ako si Aila.

A fourth year high school student, mid-year na.

Maraming nagbago, nagiba, nawala, napalitan, pero meron ding consistent, nangyari ang mga yun sa loob ng three and a half years sa high school.

May dalawa akong close na lalaki yung isa love ko pero di kami kasi nga bawal pa ako :)

Yung isa si Joaqui/Wacky haha Joaquin kasi first name nya, yan yung bespren ko

Yung isa pa, si Jackson yan naman yung bespren ko rin pero may other feelings pa ako sakanya bukod sa friendship, para bang

LOVE

Bawal pa ako magbf e, mutual na rin feelings namin ni Jackson, alam din ni Joaqui yun magkakaibigan kame e

Sinabe rin sakin ni Jackson na...

"Mahal na mahal kita Aila, mag-iintay ako para sayo."

Until one day...

Pinayagan na ako ng mga magulang ko na magkabf, ang saya nga e, sasabihin ko sa kanilang dalawa, pero nalalayo na samin si Jackson, nagkatropa kasi

Dumating din yung araw na...

Nalaman kong

May gf na si Jackson.

Halos gumuho na ang mundo para sakin, para bang naramdaman ko yung puso ko minu-minutong sinasaksak at baon na baon.

Iyak ako ng iyak noon.

Di na nga kami nagsasamang tatlo e, dalawa na lang kami ni Joaqui, ayun si Jackson, kasama nya palagi gf nya.

Hirap akong magmove-on talaga, eto namang si Joaqui, hindi nya ako matiis, kasi parang magkapatid na kami. Inoffer nya ang sarili nya bilang isang rebound para sakin.

Ayaw daw nyang nakikitang nagkakaganun ako.

Tinanggap ko sya, bilang boyfriend o rebound. Ayaw daw muna nya magpakilala sa parents ko, he said he'll wait for me to love him back.

Nung una akala ko bilang magkapatid lang ang tingin nya sakin. Hindi pala.

Hanggang sa lumipas ang tatlong buwan...

Hindi pa rin ako makapag-move-on.

Lagi ko syang naaalala, pati yung mga sinabe nya na, mahal nya ako, iintayin nya ako. Pero wala e.

Napunta sa ganito :'(

Iyak na lang ako ng iyak, at nasusungitan ko na si Joaqui na madalas.

Kaya nakipagbreak na lang ako kay Joaqui, nakakaramdam ako ng awa kasi patuloy lang syang masasaktan lalo na't pag nakikita nyang minamahal ko pa rin si Jackson at patuloy lang syang aasa na mamahalin ko rin sya.

Kaya bumalik kami sa pagiging magkaibigan ni Joaqui.

Di nya ako iniwan kailanman.

Hanggang sa...

Friend Anniversary naming tatlong magbebespren, dun kami sa Coffee and Cupcakes Shop kape kape lang haha

Nag usap-usap kaming tatlo, yung mga happy days namin dati. Flashbacks :)

Sinimulan naman ni Joaqui ang usapan tungkol sa lovelife ni Jackson

Nanahimik sya saglit na nakatungo at sinabe

"Di ko kaya magtagal sakanya, sinasaktan ko lang siya."

-Jackson

"Bakit naman?"

Nagsabay kami ni Joaqui sa tanong na yan at nagkatinginan saglit

"May mahal akong iba."

-Jackson

Pagkasabi nya nun, tumingin sya sakin, tingin na totoo at seryoso. Napatingin naman sakanya si Joaqui.

Nagsalita sya uli

"Joaqui, I think it's about time na, sabihin na natin ang totoo kay Aya."

-Jackson

Tumungo saglit si Joaqui, para bang malalim ang iniisip. At tumingin sakin...

"Aya, ganto kasi yan, napagusapan namin ni Jackson na, Magbespren kami at di kami dapat magkagusto sa iisang babae, dahil may possibility na magaway kami dahil dun. Yun ay ayaw naman naming mangyari, at kung sino man ang nauna, sya ang may karapat dapat na mahalin iyon at ipaubaya na lang ng isa."

-Joaqui

Nalilito na ako, pero patuloy pa rin ako sa kape at cupcake ko, medyo nagiging mainit at awkward na dito.

"Kaya dumating ang araw na tinanong ko si Joaqui kung may gusto at napupusuang syang babae, derecho nyang sinagot ang pangalan mo Aila."

-Jackson

"Ayaw nyang magaway kami kaya ginawa nya ang makakaya nya para kalimutan ka, umiwas sya sa atin at sumama sa ibang tropa, nakipagclose sa babae. Ginawa nya yun para magpaubaya sa akin, hinayaan ka nya sa akin. Dahil ako nauna sayo."

-Joaqui

May unang luha, pumatak dere-derecho saakin. Di ko mapigilan ang pagpatak.

"Siguro ngayon, alam mo na kung sino talaga ang mahal ko."

-Jackson

"Mahal ka nya Aila, mahal mo rin sya diba? Kayo ang karapat dapat. Sorry kung di ko agad sinabe sayo, dahil hinahangad kong mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo."

-Joaqui

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Di ko na alam ang sasabihin ko.

Pinunasan ni Jackson ang luha ko at sinabe

"Wag ka na umiyak. Smile ka na. Pwede na ba akong manligaw?"

-Jackson

"Court first my parents."

-Me

*Smiles*

-After 1 month...

Kame na ni Jackson, legally. Balik kami sa tatlong sama-sama, at ayun si Joaqui, simula na sya sa kanyang "Gf hunt" may mga nagiging close na rin sya.

Happy happy lang!

Kasi, Graduating na kami!

Everything is really...

Worth Waiting For!

haaaaay

Sa

WAKAS!

-

a/n: Hello po ^_^ Nagustuhan nyo po ba? Leave a comment naman po. Let me know. :)

Btw, this story is based on my dream, bad dream sya. Kaya ginawa ko medyo good ending. Haha

--

So, thanks for reading! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth Waiting For [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon