Kabanata Isa

62 1 0
                                    

“ GUSTO KO TALAGA NG GWAPO!”, narinig ko habang naglalakad sa corridor ng fifth floor ng school ko. Napatingin ako dun sa babae na nagsalita.

Hindi siya gaanong kaganda pero cute siya at nakakatawa yung sinabi niya. Sino bang sisigaw na gusto nila ng gwapo ng ganon kalakas? Malakas pa sa iniisip mo. Lahat nga ng tao sa paligid napatingin sa kanya nun. Tingin ko hindi niya naman 'yon napansin kasi tawa lang siya ng tawa.

Pagkatapos diretso na siya naglakad kasama ng mga kaibigan niya papunta sa Dome.

Hindi ko matanggal sa isip ko 'yong babae kanina lalo na 'yong mga ngiti niya. Sinubukan ko i-kwento sa mga mates ko na palagay ko na “love at first sight” ako, kaso nagdalawang isip ako kasi baka natuwa lang talaga ako doon sa babae.

Nang sumunod na araw hinanap ng mga mata ko yung babae. Nakita ko siya na naglalakad mag-isa papunta sa ATM (Automatic Tubig Machine). Dahil nga curious ako sa kanya sinubukan ko tignan ang I.D. niya, napansin ko yung design, yung bago naming I.D. Ibig sabihin first year palang siya, at ako third year na ako. Pareho kami ng course for sure kasi fifth floor ito, Accountancy. Pakiramdam ko tuloy stalker na niya ako kasi sinundan ko rin siya papunta sa classroom niya – N513. Nakita ko siya na tumatawa ulit kasama ang mga kaibigan niya. Ang sarap tignan ng tawa niya, hindi ko namalayan naka ngiti na pala ako at dahan dahan lang ako naglalakad.

Pagkatapos nun hindi ko na siya nakita ulit. Hindi naman ako makapunta sa room niya kasi baka may makapansin sakin, hindi ko rin naman magagawa kasi masyado akong busy sa mga homeworks namin. Ang mga professor naman din kasi naging masipag bigla.

gusto ko talaga ng gwapo” yung boses niya naririnig ko pa rin sa isip ko. Ano kayang pangalan niya? Pwede ko kaya siyang maging kaibigan? Gusto ko talaga siya makilala. Parang stalker naman ako nito. (>.<)

Dahil hindi na talaga siya matanggal sa isip ko, nag-decide ako na i-post sa Overheard @ PUP ang storya ko.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kenn Castillo

BSA 3 – 2

February 16

Gusto ko sana i-share ang overheard na’to dahil memorable talaga siya sakin.

Naglalakad ako kasama ang tropa ko sa corridor ng west wing sa fifth floor ng may sumigaw na babae at napatingin lahat ng tao sa kanya pero tingin ko hindi niya napansin na napatingin lahat sa kanya dahil busy siyang tumawa.

Ang tanging sinambit niya lamang ay “GUSTO KO TALAGA NG GWAPO.”

^___^ Yun lang.

Posted a few seconds ago

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Well mejo corny pero pampatanggal narin ng sobrang pagiisip since wala naman ako kasi pang sinabihan na iba.

Maya maya lang may nag comment na.

Aleah Fey

HAHAHAHHAHHAHHA, parang kilala ko to.

2 seconds ago

I frozed. I opened her profile and saw her Display Picture. She’s the girl! Siya yung babae na nag sabi nun. Cinlick ko yung tab at binasa ang mga comment. Marami naring nag like.

Ronald Cruz

Malamang ikaw yan gaga! Ayie!!!!

2 minutes ago

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Overheard at PUP (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon