Ang Sakit Pala

457 2 0
                                    




Marami akong gustong sabihin ngunit mas pinili ko na lang na hindi kumibo.
Mas pinili ko na lang na sarilihin ang lahat.
Ang magbulagbulagan.
Na kunwari'y hindi ko nakikita ang iyong mga ngiti na siya ang dahilan.
Mas pinili ko na lang na maging manhid.
Na walang pakiramdam.
Na kunwari'y di ako nasasaktan.

Ayokong magtanong ngunit madami akong gustong malaman.
Pero hindi na lang, kasi takot akong mawalan.
Takot akong maiwan.

Gustong gusto kong umiyak at ilabas lahat ng sakit at pagkadurog.
Ngunit mas pinili ko na lang na ngumiti para sayo.
Para masabi mo pa ring masaya ako.

Pero, ang sakit pala.
Ang sakit pala na isinantabi mo ang lahat para sa kanya ngunit alam mong kahit kailan ay hindi niya 'yun sayo magagawa.
Ang sakit pala.
Ang sakit pala na gawin mo ang lahat para sa ikakasaya niya ngunit hindi pa rin sapat.
Kasi alam mong mayroon pa rin siyang hinahanap.
Mayroon pa rin siyang inaantay.
Ang taong unang nakapagpasaya sa kanya.
Ang taong unang minahal niya .
At ang taong unang nanakit sa kanya.
Tapos dumating lang ako.
Sumulpot , para punan ang lahat ng kanyang lungkot.
Dumating lang ako nung mga panahong nasira kayo.
Nung mga panahong umiiyak ka sapagkat wala siya sa tabi mo.
Nung mga panahong wala kang masabihan ng problema mo.
Dumating lang ako.
Sumingit lang ako sa inyong dalawa.
Pero ang totoo,
nasa gilid lang naman talaga ako sa salitang 'Kayo'
Na pwede mo ring ituring na pampagulo.

Pero bakit ang sakit?
Ang sakit makita ng iyong pananabik.
Pananabik sa muli niyang pagbabalik.
Pansin ko yun, mahal.
Pansin ko lahat.
Ang kasiyahan sa iyong mukha sa tuwing nakakausap mo siya.
Ang liwanag sa iyong mga mata sa tuwing nakikita mo siya.
Lahat ng naidudulot niyang saya sa iyo ay hindi ko mapapantayan.
Kasi hindi ko naman alam kung mayroon ba akong nilulugaran o ako'y pansamantala lang?
Kasi nandiyan ka pa sa lugar niyong dalawa.
At ako, nandirito.
Pinagmamasdan ka.
Pinagmamasdan ang iyong mga mata na hinahanap siya.
Ang sakit pala.
Pero masaya ako.
Masaya akong nariyan na siya sa tabi mo.
Ang taong unang nakapagpasaya sayo.
Ang taong unang minahal mo.
At ang taong unang nanakit sayo.

Pero mahal, nandito lang ako.
Sa lugar na nasimulan nating dalawa.
Pagmamasdan lang kita habang masaya ka sa kanya.
Kahit ang sakit sakit pala.
Sinira mo na ako.
Sirang sira na ako.
At ikaw lang ang muling makakabuo.

Ang sakit sakit mahal ko.
Pero masaya ako.
Masaya akong naging parte ng buhay mo.
Hindi ako nagsisisi na sinamahan kita noong nga panahong wala siya.
Masaya ako na kamay mo ang hawak ko noong nangungulila ka sa kanya.
Masaya ako na ako ang sinandalan mo.
Kahit panandalian lang.
Dahil nandiyan na siya ulit.
Ako ang bumuo sa pirapiraso mong puso at ang kapalit nito'y pagkadurog naman ng akin.

Ang sakit sakit pala.
Ang sakit palang abangan ka rito.
Pero mahal, lumingon ka lang.
Nandito lang ako.
Hindi ako aalis sa mundong minsan na nating binuo.
Magiging masaya lang ako para sayo.
At mahal, pangako.
Kapag sinaktan ka niya ulit,
hindi ako magdadalawang isip na hawakang muli ang kamay mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon