❤4:Pangungulila sa mga anak❤

229 4 0
                                    

Amihan's POV
"Lira..Mira..Anak..Hadia..Saan kayo tumungo?".Tanong ko sa aking sarili.

Sobra ang pangungulila ko sa kanila,Alam kong pinapatunayan ni Lira ang kanyang tungkulin.

"Idea Amihan,Wala pa rin sila Mira at Lira.".Nag-aalalang balita sa 'akin ni Pirena,Hindi namin alam kung saan at kanino namin hahanapin si Lira at Mira.

"May naisip akong paraan.".

"Ano,Amihan?".

"Ang mga Mulawin,Maari tayong humingi ng tulong sa kanila.".

"Amihan,Wala sa akin ang plauta,Ngunit alam ko ang daan patungo roon,Dahil kami mismo ni Lira ang tumulong sa mga Mulawin na talunin ang Minokawa.".Sambit ni Pirena,Alam niya ang patungo roon?Hindi ko batid ito,Kaya pala't hindi sumipot si Lira at Pirena noong lumipas na panahon.

"Pirena?Saan natin ito maaring hanapin?.".

"Sa mundo ng mga tao,Amihan.".Sa mundo ng mga tao?Doon naninirahan ang mga Mulawin.

"Ang susi?.".Tanong sa akin ni Pirena,Ngunit hindi na ako ang may hawak nito.

"Wala sa akin,May posibilidad na na 'kay Alena ito.".Tugon ko kay Pirena

"Tara na!.".At sabay kaming naglaho ni Pirena.

Sa Punong Bulwagan ng Lireo❤

Third Person's POV
Nakarating na sa Punong Bulwagan sina Pirena at Amihan,Madali din nilang nahanap si Hara Alena na nakaupo sa kanyang trono.

"Alena,Maari ba naming kausapin ka saglit?.".Tanong ni Pirena,Dahan-dahang bumaba si Alena galing sa kanyang trono,Walang kahit anong ideya kung ano ang kaylangan nilang pag-usapan.

"Mga kawal,Aquil,Muros at Hitano,Iwan niyo muna kaming magkakapatid.".Utos ni Alena sa kanyang mga kawal.

Matapos ang tinuran ni Alena sa kanyang mga kawal,Hindi nagdalawang-isip si Amihan at nagsalita na agad ito.

"Maari ba naming mahiram ang susi ng Puno ng Asnamon?.".Diretsong sambit ni Amihan.

"Magtutungo kayo sa Mundo ng mga Tao?,Anong gagawin niyo roon?Manganganib lamang ang buhay niyo.".Nag-aalalang tanong ng bunso na si Danaya.

Huminga ng malalim si Pirena.

"Nawawala si Mira at Lira.".Diretso na sinabi ni Pirena,Agad naman napatayo si Alena at Danaya.

"Anong ibig mo sabihin?,Nakatakas ang dalawang diwani?Mga Ashtadi (Pasaway).!,Mag-intay kayo rito".Tugon ni Alena sa kanyang mga kapatid.

Noong naghanap si Alena,Wala siyang nakitang susi ng Asnamon.

'Hindi maaring mawala ang susi rito,Mga ashtadi!Nanganganib si Mira at Lira'.Napaisip si Sang'gre Alena at bumalik na sya sa kanyang mga kapatid.

"Nasaan,Alena?".Nagmamadaling tanong ni Amihan.

"Wala ito sa aking silid.".Hindi nag-alinglangan si Alena na sagutin ang tanong ni Amihan.

"Tanak Kreshna!".Sigaw ni Pirena.

'Alam ko na,May isa pang paraan upang malaman ang totoo'.Napaisip si Amihan.

Bigla nalamang naglaho si Amihan at nagtungo sa silid ni Imaw.

"Pinunong Imaw,Maari niyo ba kaming tulungan?".Pagmamakaawa ni Amihan.

"Ano iyon,Sang'gre Amihan?".Tugon ni Imaw kay Amihan.

"Sumama nalamang kayo sa akin,Mahalaga ang sasabihin namin sa iyo.".Sambit ni Amihan at kumapit sa kanya si Imaw,Naglaho at nagtungo sila kina Pirena.

Cursed Diwatas From EncantadiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon