TRUE & INSPIRED STORY OF A GIRL :)
Kaya ko to isinulat dahil baka maranasan niyo ang naranasan ko. Para malaman niyo na “Time is GOLD”, magsaya tayo , isatabi natin ang awayan. Kung ano ang nagpapasaya sa atin gawin natin sa mabuting paraan. Huwag sayangin ang oras . Huwag kayong gagawa ng masama na ika sisi niyo sa huli!
At baka magaya kayo sa akin. :3
Hindi ko alam na sa lahat na nabasa ko na kwento, palabas at iba pa, mararanasan ko din pala ang naranasan nila, akala ko na Impossibleng mangyari.
Hi! Ako nga pala si Kizh Villafuente, simpleng babae, may halong kaugalian ang pamilya yung tipong masaya at medyo magulong pamilya. Bunsong anak sa pitong magkakapatid.
At ako naman si Jace Prangos, mahirap lang kami, nakitira ako sa tita ko, dahil complicated ang pamilya ko, sabi nila gwapo, matalino, mabait at masipag daw ako na lalaki. Haha iwan ko sa kanila.
AT ITO ANG LOVE STORY NAMIN NG BESTFRIEND KO :)
(ok!! guys sorry sa paghintay, cgh start na tayo!)
Nung grade school palang kami ni Jace ,ako Grade 4-Orange at si Jace naman Grade 6-Yellow. Palagi siyang mainitin ang ulo sa akin, iwan ko kung bakit? Dahil new student ako sa B.E School ,syempre first day of school namin, snack time may limang lalaki na nakatitig sa akin yung apat naka smile sa akin except ni Jace, hindi ko lang sila pinansin at biglang may sumigaw sabi Kizh tumabi ka at babatuhin ka, umilag lang ako at ayon si Jace ang tumapon ng bato sa akin. Iwan ko talaga kung bakit ganun siya. Dahil malapit lang ang room naming sa room nila hindi ko maiwasan na tumingin kay Jace, kasi feeling ko na tumitingin din siya sa akin. Science time ng may nagpaabot ng sulat sa akin, iwan ko kung ano yun hindi ko kasi maintindihan, kaya tinapon ko nalang, may nagpaabot nanaman hindi ko parin maintindihan kaya nagtanong ako kung sinong nagbigay ng sulat, sabi nila galing daw sa Grade 6-Yellow , kaya napatingin ako at sila lahat nakatingin din sa akin at tinuturo nila si Jace at ang ibig sabihin ng sulat ay “HI”, parang may hindi ako alam, kaya baliwala ko lang ang sulat.
Mga ilang buwan naging close friend ko si Jace, kaso lang maraming nagkaka gusto sa kanya, hindi ko maiwasan na magselos dahil nun pala inlove ako sa kuya BFF ko. Pinilit ko siyang hindi pansinin, bunga na hindi ko siya pinansin, may gulo sa classroom nila at sangkot siya sa gulo nayun. Dama player ako at nasa office kami nakita ko siya may pasa sa mukha at ganun din ang matalik niyang kaibigan na si Dante hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero sabi nila na ang tutuong nangyari ay gusto daw ako ni Dante at nun nagalit si Jace sa kanya, bakit daw siya trinaydor?
Pero mga ilang araw ding lumipas nagbati din sila. At ako naman ang may problema, hindi ko alam kung bakit nagagalit si Mae Ann sa akin, nun pala may gusto siya kay Jace, alam din ni Mae Ann na gusto ko si Jace, palagi siyang nag-flirt kay Jace, at ang sweet nila.
Ieh kahit ngayon, hindi ko alam kung bati na kami.
Bumati si Jace sa akin at nag-alok na ihahatid niya ako sa bahay namin, pero hindi ako pumayag dahil baka makita siya ng Daddy ko at kung ano pa ang gawin sa kanya. Sa paglalakad ko parang hindi ako komportable, parang may sumusunod sa akin, pero pag-lingon ko wala naman. Nung nasa balkonahi ako may nakita akong lalaki na umupo dala dala ang bisiklita niya, bumaba ako at si Jace pala, nagtanong ako sa kanya kung anong ginagawa niya dito, sabi niya wala, si Lloyd daw may hinahanap na babae , at sabi ko naman na “AAHH” ,pero umalis din sila kaagad. Hindi pa nagka Girlfriend si Jace ever since, kaya gusto ko na ako ang kanyang first gf at siya naman ang first bf ko, dahil mga bata pa kami hindi naming tinuloy,hahaha iwan ko kung nangligaw ba si Jace sa akin nakalimutan ko kasi ieh..
Nag desisyon ang pamilya ko na bumalik sa probensya at dun mag tapos ng pag-aaral,nung araw ng graduation ni Jace hindi ako nakapunta, at nung araw na babalik na kami sa probensya hindi ako nagpaalam sa kanya. Pilit ko siyang kinalimutan at hindi ko magawa.