This is my first time to publish a story here on wattpad. I hope you will like it. Gusto ko lang magshare and to know kung may makakarelate ba sa ganitong story.
Thank you in advance :)
---------------------------
Lahat ng tao ay nagmamahal. Hindi nga lang lahat ay mapalad sa larangan ng pag-ibig. Swerte ka kung yung taong mahal mo ay mahal ka din. Nakakalungkot mang isipin pero kadalasan eh yung taong mahal mo ay iba ang mahal. Magulo. Masakit. Mahirap ipaliwanag kung bakit sa dinami dami ng tao eh siya pa. Sana para mas madali eh yung taong mahal ka na lang ang mahalin mo, kaya lang hindi eh. Halos pilitin mo na ang sarili mo na ibaling na lang ang pagmamahal mo sa iba kaya lang you end up finding yourself hurting the one who loves you kasi ang totoo hindi mo maloloko ang sarili mo na SIYA pa rin talaga ang mahal mo.
Isa ako sa mga taong hindi pinalad na mahalin ng taong mahal ko. Isa na siguro sa dahilan ay dahil hindi niya alam. Pero naisip ko kung ipapaalam ko naman sa kanya eh malabo pa din na magustuhan niya ako.
Matalino, mabait, joker, down to earth, matangkad at head turner. Kung tutuusin hindi naman talaga siya sobrang gwapo kagaya ng mga artista. Malaki ang mata niya pero ito ang pinakanagustuhan ko sa kanya. Karamihan kasi ng nacrucrushan ko eh malalaki ang mata. Yun kasi ang una kong tinitingnan. Magaling siyang maggitara. Siya ang lead guitarist ng banda nila. Haiy para sakin itinuturing ko siyang PERFECT GUY. Halos lahat nga ng magkagusto sakin eh hindi ko napipigilang ikumpara sa kanya. Alam kong mali pero siya talaga ang hanap ng puso ko.
Ang tawag ko sa kanya ay 10 years. Bakit? Kasi 8 years old pa lang ako ng magkagusto na sakanya at ngayon ay 18 years old na ako. Tuwing bakasyon at Christmas vacation lang kami nagkikita hindi kasi sila dito sa Pilipinas nakatira. At kagaya ng mga araw ng pag-uwi niya ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing umuuwi sila ay nagugustuhan ko siya tapos kapag naalis na sila ay nawawala na kasi hindi ko naman na siya nakikita. Ganito palagi ang nangyayari sakin sa loob ng sampung taon. Akala ko nung una na wala lang yun kasi pwede ba yun gusto mo lang kapag nandiyan tapos kapag wala na wala ka na din nararamdaman? Pinilit kong gawing positibo ang nararamdaman ko at gawin na lang siyang inspirasiyon. Dumaan ang panahon hanggang sa isang araw narealize ko na lang na mahal ko siya. Na gusto ko na siya ang makasama ko sa habambuhay. Na siya yung lalaking pinapangarap ko.
Dun na nagsimula akong masaktan. Masakit kasi bakit ganun? Posible ba talagang mahalin mo ang isang tao na halos hindi ka naman napapansin? Nagkikita kami at nagkakasama kapag bakasyon at Christmas pero hindi kami Close. Feeling ko nga hindi kami friends merely acquaintances lang talaga. Grabe nakakafrustrate yung ganitong set up. Yung para ka nang baliw? Makita mo lang siya sobrang napapangiti ka na. Kapag naririnig ko ang mga corny niyang jokes eh natawa ako ng palihim para hindi niya mapansin. Grabe kung alam lang niya kung gaano ako nahulog sa kanya. Yung tipong sa sobrang lalim eh hindi ko na ata kayang umahon. Ito ata yung sinasabi nilang minamahal sa malayo na kahit hindi ka niya mapansin basta Makita mo siya ay Masaya ka na.
Sa sampung taon na iyon ay dumating ang mga panahon na sobrang nasasaktan ako, syempre hindi niya alam yun. Umiyak pa nga ako nung highschool ng malaman ko na may girlfriend na siya. Grabe ang O.A ko! Bakit ako nasaktan ng ganun? Minsan nagagalit na sakin yung mga kaibigan ko at sinasabi na ang t*nga ko daw kasi bakit ko siya iniiyakan. Kahit naman ako sa sarili ko hindi ko din maiintindihan. Alam ko naman ang tama at dapat gawin pero iba talaga kapag puso mo ang nagdikta. Mahal ko kaya nasasaktan ako.

BINABASA MO ANG
10 Years
Teen FictionPosible ba talagang magmahal ng taong hindi ka manlang napapansin. Well this story will somehow prove na totoo at pwede.