Budol

21 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bintana. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Saglit na paghikab, kasabay ng pag unat ng katawan. Antok akong tumayo sa aking higaan, at saglit na tiningnan ang orasan sa gilid ng aking kama. Alasais na pala ng umaga. Nagtungo ako sa cr para saglit na maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit at nagsuot ng sapatos. Nakangiti akong lumabas ng bahay, excited na kong makita siya.


Dalawang minuto na lang ang natitira at lalabas na din ang hinihintay ko. Inayos ko ang magulo kong buhok, at nagpapogi ng konti. At nang makita kong dahan dahang nagbubukas ang pintuan ng bahay nila, ay nag stretching ako kunyari. Pero sa loob loob ko, gusto ko ngumiti ng wagas dahil nabuo nanaman niya ang araw ko.


Nakajogging pants siya, at nakajacket. Suot niya ang kulay puting earphone niya. Mahaba ang itim na buhok, syempre maganda siya sa mga mata ko, hindi gaanong katangkaran, pero hindi naman nababase ang pagmamahal sa kung gaano katangkad ang tao, hindi ba? Singkit ang itim na mga mata niya. Yun bang kapag nagtatagpo ang mga mata namin, pakiramdam ko nanghihina ako. Hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing malapit siya. Pero ewan ko ba, kasi kahit na ganon masaya ako sa tuwing nakikita ko siya.


Natigil lang ang pagmumuni muni ko ng mapansin kong mabagal na siyang tumatakbo palayo sakin. Kaya, sumunod na din akong tumakbo sa likod niya. Kaklase ko siya noong highschool, at matagal ko na siyang gusto. Hanggang ngayon ngang college na kami ay patay na patay pa rin ako sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung paano ko aaminin sa kanya ang nararamdaman ko.


Lumiko siya sa kanan, kaya lumiko din ako. Ilang hakbang pa at huminto siya sa pagtakbo, kaya huminto ako at nag isip ng ibang gagawin nang sa ganon ay hindi niya ako mahalata na sinusundan ko siya. Tinanggal niya ang isang earphone niya at lumingon kung saan ako nakatayo. Kaya dali dali akong yumuko at nagpanggap na nagsisintas ng sapatos. Nang maramdaman kong tumatakbo na ulit siya, ay tumayo na ako at nag umpisa na ulit tumakbo. Haay Kelly, kailan ko kaya masasabi sayo na gusto kita?


Ang ganda niya pa rin kahit pawisan na. Hindi pa nakakasawang titigan. Nakita kong nasa labas ang kaibigan niya, kumaway ito sa kanya. Huminto siya sa pagtakbo at huminto sa harapan ng bahay kung saan niya nakita ang kaibigan niya. At para hindi mahalata, nilagpasan ko sila. Nag-usap sila pero hindi ko na narinig ang pinag usapan nila.


"Kelly, si Brent oh." tinuro ni Green ang kakalagpas lang na si Brent.


"Oh, si Brent nga yon. Anong meron sa kanya?" takang tanong ni Kelly.


"Alam mo bang matagal nang patay na patay yon sayo? Nung highschool pa bes!" nakangiting sabi nito.


"Si Brent? May gusto sakin? Totoo ba yan?" tanong ni Kelly.


"Ano ba bes, ikaw lang ata ang hindi nakakaalam!" asar na sabi nito.


"Hay nako, ewan ko sayo. Mauna na nga ako. See you later!" paalam ni Kelly bago tuluyang tumakbo paalis.


Nakaupo ako sa labas ng bahay ng makita ko si Kelly, habang tumatakbo at papalapit sakin. Parang nawala ang pagod ko. Pinunasan ko ang pawis na tumulo saking mukha. Uminom ako ng tubig na kinuha ko sa loob bahay. Hinihintay ko talaga siya. Pagkarating niya ay umupo siya sa harap ng bahay niya. Nakita niya ako, pero hindi naman kami nag uusap. Wala kasi akong lakas ng loob para kausapin siya.

Budol (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon