Chapter 14 (Forehead Kiss)

40 3 0
                                    

Ihahatid ko na sana si Becky sa bahay nina Maryorose pero mukhang tulog na ata lahat ng tao dun nakakahiya naman kung e- estorbuhin ko sila... Pero bahala na nga, di ako nagpa awat at kumatok na talaga ako pagkatapos kong pindutin ang doorbell total naman close friends ang family namin ni Maryrose at alam kong kilala ako ng mga to at sana kilala din nila si Becky.

Maya maya lang ay maylumabas na babae sa pintuan, baka kasambahay nila to..

"Nandito po ba si Maryrose?" -sabi ko pero di ko muna binaba si Becky baka magtaka si Manang

"Wala pa nga siya dito eh, alam mo ba kung nasan yung batang yun? (habang tumitingin sa loob ng sasakyan ko) Sobrang lalim na ng gabi.. nag aalala na ako sa kanya, kanina pa ako naghihintay. Si Rebbeca ba yan?"- halatang nag aalala na nga si Manang kay maryrose at nagtataka din dahil kasama ko si Becky and yes! Kilala niya pala si Rebbecky eh!!!

"ah opo.... pwede ko bang iwan muna dito si Rebbeca? ihahatid ko po kasi sana siya kaya lang di ko po alam address niya at si Maryrose lang po ang alam kong ka close niya na as in close na close po.. :D"- sabi tas pa smile smile pa... kasi naman eh!!!

"Oo naman! Lagi silang nag o overnight dito sa bahay pwedeng pwede siyang matulog dito at ano bang nangyari sa kanya at nasan si Maryrose?" -Manang

O nga nasan si Maryrose? san naman yun dinala ni Brian, takte!

"Nalasing po kasi tong si Becky tsaka si Maryrose naman baka nandun pa po sa bahay ni Aby"- palusot ko kay manang ayokong mag alala siya masyado kay Maryrose eh..

"Eh si Maryrose ba lasing din?"-manang

"di po.. pero naka inom lang :D wag po kayong mag alala pauwi na siguro yun..

Binuhat ko si Becky papasok sa bahay nina Maryrose at dinala ko siya sa kwarto habang si manang naman ay nasa kusina nagtitimpla ng kape kasi nga ayaw niya matulog hanggat wala pa si Maryrose magkakape daw muna siya..

Dinala ko si Becky sa kwarto na tinutukoy ni manang na lagi nilang tinutulogang magbarkada everytime na dito sila natutulog... Ibinababa ko na siya sa kama at tatalikod na sana ako para umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Austin..." -she whispered huskyly :D alam niya pala pangalan ko eh!

"Bakit?" -I asked tas humarap na ako sa kanya

"Bat ang yabang mo? bat ang sungit mo? sang lupalop ka ba galing at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng karamdaman?" - tas tumawa na siya!!!

"Ano ibig mong sabihin?" -nagtatakang tanong ko sa kanya.. seryoso ba to? loka loka.. ano namang ginawa ko sa kanya?

"wala wala.. umuwi ka na nga sa inyo Brian! Ang kulit mo." -binitawan niya ako tas sinipa pa niya mukha ko.. urgh... tong babaeng to talaga oh. WORST GIRL EVER!!! TINAWAG NA NAMAN NIYA AKONG BRIAN!! 

sa galit ko nag walk out na lang ako..

*************************************************************

(Maryrose POV)

Ang sakt sakit ng ulo ko pero okey lang kasama ko naman ang matagal ko ng gustong makasama sa buong buhay ko. Simula ng nakilala ko si Brian dahil kay Becky kasi pinakilala ako ni Becky kay Brian. .simula ng nakilala ko siya nagbago na ugali ko, di na ako masyadong maarte sa mga bagay bagay di na ako masungit at higit sa lahat always smiling ako.. Ganito pala pag may inspirasyon. Handa kang magbago para sa ltaong gusto mo.

Nakasakay kami ngayon sa kotse at di po ako ang nagda drive di din si Brian kundi ang Driver ko.. Hinatid namin si Brian sa bahay nila at pagdating namin dun.

"Thank you sa paghatid sakin Maryrose ah!" tas tinapik tapik pa niya balikat ko. Tapik lang siya pero kakaiba eh.. kinokontrol niya lahat ng galaw ko ewan ko ba..

"Wala yun..!" - sabi ko kay Brian tas niyakap ko siya.. I grabbed the opportunity to hugged him. Ayokong masayang ang panahon at araw gagraduate na kami baka di na kami magkita next year. Ayokong mangyari yun dahil hindi ko kakayanin. Di ko alam kong ipagtatapat ko ba ang feelings ko o hindi kasi alam niyo na, babae ako eh! Dapat kasi lalaki pero ang hirap, si Becky ang gusto niya at alam ko yun pero natututunan naman ang pagmamahal diba?

"Okay ka lang?" tinignana ako ni Brian.. di ko namalayan na napaluha na pala ako....

"Ah oo!" -sabi ko tas pinahid ko na ang luha sa mukha ko..

"Hindi alam kong hindi ka okey.... May problema ka ba?" - tanong niya sakin, halatang concern pero ayoko magsinungaling sa kanya ayoko ko din magtapat sa kanya.

"Kasi........ kasi.... gusto kasi kita eh! Alam mo naman yun dba? halata naman dba?"-sabi ko at bigla na lang akong napaluha sa sinabi ko,.

"Sorry talaga Maryrose kung di ko masagot ang tanong mo, pero wag kang mag alala sasagutin ko yan sa tamang panahon... bigyan mo muna ako ng time para makapag isip. Pwede ba yun?" -mas napaluha ako sa sinabi niya, ang tanga ko! Bat ako umibig sa taong di ako gusto? Nakakainis ka kupido bat may mga taong mahirap intindihin? Tsaka mahirap ba akong magustuhan? di naman ako masamang tao eh... bat ganto?

Napansin ni Brian na umiyak na ako ng todo akala ko magwa walk out siya kasi tsaka ayoko ko din namang isipin niya na pinipilit ko siyang mahalin ako pero hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinahid ang mga luha ko with his thumb and then he kissed my forehead. And I know what it means!

 A kiss on the forehead means you're really special to him, and a little bit more, it's almost a sign of respect, rather than kissing you on the lips, like he's saving that for later when he feels ready.

I know that he respects my feelings for him at nirerespeto ko din ang gusto niya. Siguro nga di pa ngayon ang time, baka bukas, sa makalawa, baka next year, MAGUGUSTUHAN rin niya ako :D

After niya akong hinalikan sa forehead tumalikod na ako at pumasok na sasakyan at umalis na and then I recieve a text from Austin  

"Maryrose si Rebecky dun ko muna pinatulog sa inyo di ko kasi alam kong san siya nakatira tsaka umuwi ka na sa inyo dahil nag aalala na si Manang sayo. Text me back kung may ginawang masama sayo si Brian!"

loko lokong Austin :D hahahahahhahaha...

.

.

.

.

.

.

.

.

**************************************

Beng!!! thank you mga readers :D kinilig ba kayo kay Maryrose at Brian if yes Vote na! hahahaha.. :D oks lang ba tong chapter na to? Suggest naman jn!

Officially Yours (Austin M. and Becky G.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon