A/N: Entry ko 'to sa 'The Voice Wattpad' nung sumali ako. Enjoy. :) For better feeling, play the song on the multimedia section. Thanks. :)
*******************************************************************
“Okay ka lang?” Alam kong hindi iyon ang tamang tanong na angkop sa ganitong sitwasyon pero wala na rin akong maisip na ibang paraan para malaman kung anong nararamdaman nya.
She gave a painful smile as an answer then stepped out of the car.
I’m keeping an eye on her for almost three weeks. She barely ate or talked in those days.. and she’s always asleep. Her MP3 player’s always on and her earphone’s always in her both ear. Threatened to her state, I would sneak into her bedroom every day only to check if she’s still breathing.
Lumabas ako sa kotse para sundan sya papunta sa loob ng bahay nila. Parang lutang ang utak nya habang naglalakad sa pasilyo at inunahan ko pa syang magbukas ng pintuan para lang hindi mahinto ang kung ano mang iniisip nya. Pinaupo ko sya sa sofa at nakatanggap naman ako ng ngiti nang pagpapasalamat.
I know she’s in so much pain that she can’t even express it herself and I wanted to help. Gusto ko syang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Lagi kong sinasabi sa kanya na kung may kailangan sya o gusto nya ng kausap, nandito lang ako pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nagsasalita.
Kapag tinitignan ko sya sa mga mata nya, agad akong lumilingon sa kung saan dahil hindi ko matagalan kung anong nakikita ko sa mga ito. Wala akong kahit anong makitang buhay sa mga mata nya.. para syang taong walang kaluluwa.
“May gusto ka bang kainin?”
Umiling sya.
Ayokong magbanggit ng kahit ano mang may kinalaman sa nangyari sa kanya dahil natatakot ako na baka sa isang salita ko lang, kumawala ang lahat ng nararamdaman nya. Sino may sabing katawan lang ang namamatay? She’s a living proof that a soul can die before a body could. All I have to do was to bring her back here, with me. Pero paano? Paano ko huhugutin ang kaluluwa ng isang taong isinama ang sarili nya sa pagkamatay ng bestfriend ko?
I held her hand and squeezed it tight. “I’ll always be here.”
Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko. Maya-maya, naramdaman ko na lang na unti-unting nababasa ang polong suot ko.
Ganito lang kami parati. Basta na lang syang umiiyak nang walang pasintabi.
“Bakit?” Sambit nya sa pagitan ng mga luhang kumakawala mula sa walang buhay nyang mga mata.
Gusto ko rin yang itanong sa’yo. Alam kong masakit para sa’yo ang pagkawala nya pero naisip mo rin ba na nasasaktan din ako? Pareho lang tayong nawalan pero bakit? Bakit mo sinosolo lahat ng sakit? Parati kong sinasabi sa’yo na nandito lang ako at magtutulugan tayo para makaahon sa kinasasadlakan natin, pero bakit hindi ka nakikinig?
Hindi ako umaasang makalimutan mo sya at wala rin akong plano para subukan syang palitan sa buhay mo dahil alam kong wala nang makakapalit sa pwesto nya. Gusto ko lang mapagtanto mong hindi pa ito ang katapusan. Namatay sya dahil sinagip ka nya pero hindi mo ba naisip kung bakit nya ginawa iyon? Hindi mo ba naisip kung bakit ka nya itinulak sa gilid ng kalsada noong araw na nag-away kayo at tinalikuran mo sya?
Gusto ka nyang mabuhay kahit na ang kapalit nito ay ang kanya?
Pero anong ginagawa mo? Pinapatay mo ang sarili mo sa pag-iisip na sana ikaw na lang ang nasagasaan ng humaharurot na kotse na yon at hindi sya.
Makasarili ka.
Iniisip mo na ikaw lang ang nasasaktan.
Imbis na sabihin ko lahat ito sa kanya, itinago ko na lang sa sarili ko. Hindi ko sya kayang saktan sa ganitong paraan.