--Pabili nga po--

802 35 21
                                    

--Pabili nga po--



"Waaah~~! Shone bat ba kasi nagGF ka kaagad eh mahal mo din naman pala si Nam T^T may scrapbook ka bang ginawa kung saan nakalagay yung mga stolen shots mo sa kanya eh isusuko mo din pala siya. Huhuh nakakaiyak naman oh! Shet lang TT__TT"

   
    Nakakaiyak naman tong "crazy little thing called love" kahit ilang beses ko na tong napanood naiiyak pa din ako dito sa part kung saan umamin si Nam taposnahulog siya sa pool. Si Shone naman may GF na pala. Tapos yung Luha ko nagiging ulan na dahil dun sa lintek na scrapbook ni Shone na puro pictures ni Nam. Huhuh nakakaiyak talaga >.<


"Pabili nga po"


    Ay shemay! kainis naman oh! Kung kelan nasa magandang part na ako dun pa magkakaroon ng istorbo. Tss hayaan ko na nga lang mamaya aalis din yan. Kita ng nasa iyakan session pa ako saka mang iistorbo?! Ano to bastusan?!  Bahala ka sa buhay mo! Antayin mong lumabas yung nanay ko muahhaha.


" Pabili po~~!"


    Ayts hayaan mo aalis din yan! Bahala sya! Ayokong lumabas ng ganito, mukhang basang sisiw kaya ako.


"Tao po! Pabili nga po! Tao po! Pabili!"

   
    Ayts! Nakakainis talaga kung saan nasa magandang nakakaiyak na part na ako saka bibili eh.

"Ma! May tao! may nabili!"

    Sigaw ko sa nanay ko na nagsasampay ng damit sa taas.

"Ikaw na magbenta dyan tutal nandyan ka na! Malapit ka lang hindi mo pang magawang tumayo dyan sa higaan mo!"

    Sigaw din naman ng nanay ko. Tsk nanonood pa ako eh.

"Nanonood po ako!"

"Aba! Ikaw pagsasampayin ko dito!"


"Ayts! Eto na nga po! sabi ko nga tatayo na ako!"


    Tsk kung bakit ba kasi malapit yung kwarto ko sa tindahan namin eh. Lagi tuloy akong naiistorbo kapag may nabili kainis lang.


    Tumayo na nga ako sa aking pagkakahiga, nagpunas ng luha na aking feel na feel kanina sa pag iyak at saka dumiretso sa aming tindahan which is sa labas lang naman ng kwarto ko.

   
    Ayts! Kaya ayokong magtindahan kami eh kasi naman ako lagi yung naaatasan na magtinda kasi ako yung malapit. Hindi naman sa tamad ako, well oh sige na nga isama na natin yung pagiging tamad ko pero ang pinaka ayaw ko kasi yung maiistorbo ako sa panonood ko at pagbabasa.

   
    Kayo ba masisiyahan kapag nasa may magandang part ka na ng pinapanood mo o binabasa saka may taong sisigaw ng "PABILI NGA PO" sige nga hindi ka ba maiinis sa ganun.

   
    Tsk...kaya nga sinusungitan ko lahat ng nabili sa akin eh buti na nga lang hindi sila nagagalit kasi kung nagkataon panigurado mawawalan kami ng mga nabili hahaXD kasalanan ko pa. Baon ko din ang nakasalalay dun.


"Hi Aling NIna! kamusta naman yung pinapanood mo? haha ilang balde na ba yung napuno mo kakaiyak dun?"


    Tsk..etong Jano lang na to pala. Epal talaga to lagi lagi na lang niyang pinapakinggan yung mga sinasabi ko habang nanonod ako sa kwarto. Ganun na ba talaga kalakas yung boses ko kapag nanonood o nagbabasa kaya naman naririnig ng mga nabili? tss.


"Ha-ha-ha nakakatawa Jano! grabe natawa talaga ako. Hindi mo ba alam na masamang mag-evesdropping saka FYI lang ah mukha ba akong ALING sa lagay na to?!"


"Haha eto naman hindi ka na mabiro kaya ka pumapanget nyan eh, lagi ka kasing nakasimangot."


"Che! ano ba kasing bibilhin mo at nag aantay na yung bebe Shone ko dun"


"Ouch naman! Bebe mo na pala yung Shone na yun? eh mas gwapo pa ako dun eh"


"Asa much naman kuko ka lang nun eh! Ang panget mo kaya!"


"Ako pa panget eh crush mo nga ako dati sabi ng mama mo"


"Ho--hoy! Dati yun no! Gwapo ka pa kasi dati eh ngayon mukha ka ng dugyot!"


"May dugyot bang maputi, gwapo at mabango kahit na pawis na pawis? Kung ganun naman yung definition ng dugyot well tatanggapin ko sya with pleasure" sabi nya habang nakangiti ng nakakaloko


"Tss. ano ba kasing bibilhin mo huh?! Nag aantay na yung Mario Maurer ko dun sa kwarto ko eh!"


"Hayss eto na nga po sasabihin ko na. Pabili nga po ng isang coke ALING NINA"

   
    Pagkasabi nya nun inabot na nya sa akin yung bayad kaya naman kinuha ko na at naglabas na din ng coke sa ref.


" Oh eto na yung coke mo! Ma-ulcer ka nyan kakainom ng softdrinks eh kakatapos mo lang magbasketball"


"Bakit concern ka ba sa akin?"


    Putek eto na naman yung nakakaloko niyang ngiti at titig! Hindi nya ba ako titigilan sa mga ganyan nya! Nakakainis ah >//<


"Ulol! asa naman no! Tsk eto na nga yung sukli mo"

    Nilahad ko yung kamay ko para makuha nya yung sukli pero ayts!! nakakainis talaga sya >////<

    Hawakan ba naman yung kamay ko! Manyak talaga to!

"Hoy! Hindi kasama yung kamay ko sa sukli mo kaya pwede ba bitawan mo yung kamay ko."


"Alam mo, ang lambot pa din ng kamay mo. Halatang hindi naggawa ng gawaing bahay eh"


"Eh kasi prinsesa ako dito sa amin"


"Ay ganun, prinsesa ka lang pala dito. Gusto mo bang maging reyna? Naghahanap kasi ako ng magiging reyna ng puso ko"


    0///0 shemay ! nantitrip na naman to! kainis talaga >////<

"Ti--tigilan mo nga ako sa mga trip mo!"


"Hahhaa ang cute mo talagang magblush Nina. Hindi ko alam kinikilig ka pa din sa mga simpleng banat ko na yun. Sabihin mo nga"


    Bigla siyang lumapit sa akin.

    Shet buti nalang talaga may harang yung tinadahan namin kaya medyo may block sa pagitan ng mukha namin. Naku kung hindi for sure kitang kita nya na namumula na ako ng sobra.


"Ano ba kasi yun?!"


"May gusto ka pa din ba sa akin?"

    Bulong nya sa akin.

    Waaaaaaaaaah! Shone save me! Ilayo mo sa akin tong lalaking to! Kinikilig ay este naiinis na kasi ako >///< ang kapal kasi ng mukha eh!


"Haha spell ASA! may Shone na ako no! At kung hindi mo kilala yun siya lang naman si MArio Maurer my love!"


"Ouch naman pinagpalit mo na ba talaga ako. Tss sige na nga mamaya na lang kita kukulitin at nakakasigurado ako na wala na yung Shone na yun mamaya hahaXD Bye Aling NIna!"


"Bwis*t wag ka ng bumalik! Tsk mang aasar ka lang naman mamaya eh"


"Hoy anak! Sino na naman ba yung sinungitan mo?"


"Wala po yun, si Jano lang yun. Nang aasar na naman kasi eh =__="

One Shots :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon