Kwento sa Pagong 2 (Magkabilang Mundo)

94 0 1
                                    

Hello, si Andrew nga pala to...

Meron lang ulit akong gustong ikwento sa pagong...

Tara date tayo, treat kita kain tayo sa labas, parang gusto kong manuod ng sine ngayon, tara gusto ko ng ice cream, gabi na pala ihatid na kita sa inyo baka kung mapaano ka pa, picture naman tayo, halika nga rito yakapin kita. Ilan lang yan sa mga salitang gusto kong sabihin sayo pero di ko masabi kasi di ko naman kayang gawin. Kase sobrang layo mo sa akin haaaay... LDR, oo long distance relationship.

Sabi ng iba mahirap daw yan, oo mahirap nga, malungkot, masakit, lalo na kapag isinasampal sa mukha mo na malayo sya sayo. Na hindi mo manlang mahawakan ang mga kamay ng taong mahal mo, Na tanging cellphone at internet lang ang inyong tulay  para magkausap. Ang lungkot no.

Umaga rito at gabi naman dyan magkabila ang ating mundo, makapag usap lang kailangan pang magpuyat ng isa. Pero kahit puyat Masaya ako na marinig ang mala anghel na tinig mo. Nakikipagpalitan ng iba’t ibang kwento na nangyari sa mga araw na nakalipas.

Kasi sa LDR ang paguusap ay parang ginto na napakahalaga, hindi ito isang bagay lang ginagawa ng basta basta , at lalong hindi isang bagay na tinetake for granted lang tulad ng ibang mga Gawain. Kase sa tuwing nag uusap tayo, parang nawawala lahat ng nakaharang sa ating daan at parang magkalapit lang tayo at gumagalaw lang sa iisang mundo,iisang mundo na tayo lang ang may likha.

Ang nakakalungkot lang doon ay kapag ibababa mo na ang telepono, dahil sa pagbaba natin ng telepono alam kong babalik tayo sa sarili nating mga buhay. Babalik nanaman tayo sa mundong puro ako, parang walang ikaw, parang walang tayo. Dahil ramdam ko nanamang tayo ay magkalayo.

Yung mga oras na laging bukang bibig ko ang mga salitang kung malapit lang sana ako, kung nandito ka lang sana, kung magkasama lang sana tayo edi sana magagawa natin yung mga bagay na gusto nating magawa ng magkasama.

Alam mo nagseselos at naiinggit ako, naiinggit ako sa mga taong nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ka. Buti pa sila kahit na anong oras maaari ka nilang puntahan, kausapin at yakagin kung saan saan. Samantalang ako tuwing ipipikit ko lang ang aking mga mata, tsaka lang ako magkakaroon ng chansa na makasama ka. Sa sobrang lungkot kung minsan gusto ko nalang manatili sa panaginip, sa panaginip kung saan Masaya ang mga pangyayari , sa panaginip kung saan hawak ko ang kamay ng taong mahal ko, naglalakad ng Masaya at walang pangamba, tinginan ng mata sa mata, palitan ng mga masasayang salita sa isat isa walang  distansyang bumubukod, pisikal na presensya’y di na problema, damang dama ko ang pagmamahal mo at ganun ka rin sa akin.

Pero hindi ako pwedeng manatili sa panaginip, hindi ako pwedeng maging duwag, kailangan kong maging matibay di lang para sa akin, kundi para rin sayo, para rin sa atin. Tulad ko alam kong nahihirapan at nalulungkot ka na rin, pero sana tulad ko kahit ganito pa ang ating sitwasyon, kapit ka lang at wag kang bibitiw, kaya natin yan, distansya lang yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwento sa Pagong 2 (Magkabilang Mundo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon