a poem dedicated to all the moms
08/06/17Wala ng hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina
Sa kalinga, malasakit at aruga niya
Sigurado na, na waging wagi ka
Napaka swerte mo, kung ikaw ay may isang inaDinala at iningatan sa tiyan ng may siyam na buwan
Nang ikaw ay lumabas na at nasilayan
Ngiti nya'y sadyang walang mapaglagyan
Hirap at pagod ay tila nawawala sa tuwing nakikita kang andyanSa iyong paglaki, unti unti ng tumitigas ang iyong ulo
Kapag ikaw ay nagagalit, tumataas na ang iyong tono
Bata, bata, ano ng nangyayari sa iyo?
Hindi ba ang ina mo ang syang kaharap mo?Galangin, mahalin at arugain
Ito ang ilan sa mga dapat mong gawin
Sa ina mong nagpapakahirap para ikaw ay mapakain
Kung ikaw man ay magkasala, sana ay humingi ng paumanhinSa pagdaan ng mga panahon siya ay sadyang tatanda
Manghihina na ang mga tuhod at lalabo na ang mga mata
Bata, bata, hawakan ang kanyang kamay at magpasalamat sa kanyaSige na, iparamdam mong mahal mo siya at nagpapasalamat ka sa kanya na siya ang iyong ina
Gawin mo ito, hanggang sa huli niyang paghinga at sabihin sa kanya "salamat, ina."-smsb.