C H A P T E R T H R E E

10 2 0
                                    

Amanda's POV

Ngayong araw na 'to, naramdaman ko na parang kailangan kong pumasok sa trabaho. Tinatamad kasi ako lalo na't malakas ang ulan. Mas masarap na humiga, yakapin ang malambot kong unan, magtago sa kumot, at mag-surf sa internet.

Pero may nagsasabi saakin na kailangan kong pumasok. Kaya sinipag ako. Badtrip naman eh!

Nang maayos na ang lahat, sinimulan ko na ang paglakad papunta sa shop. Wala si Sophia, nauna na. Mas masipag ata siya kesa saakin.

Tatawid sana ako sa kabilang street nang may biglang bumusina na magarang kotse saakin.

"Hala? Nabuang na" Mahinang banggit ko. Naka-stop light naman tapos nasa pedestrian lane ako. Bakit niya ako bubusinahan? Baka gusto niyang patayin ko siya?

Lumabas yung driver ng sasakyan at laking gulat ko na si Clark yung nandoon.

"Amanda! Sakay ka na!" Malawak na ngiti ang binigay niya saakin.

"Okay lang. Malapit na lang naman--!"

"Halika na. Delikado sa daan, madulas tsaka madilim. Umuulan oh!" Saka niya ako dinala sa loob ng kotse niya. Wala naman akong magagawa kundi sumunod.

"Thanks Clark" I gave him a smile as I put my earphones on.

Ang awkward ng atmosphere. Ni wala nga akong planong mag-open ng topic. Konting minuto na lang, nasa shop na kami.

"Di mo ba talaga ako maalala?"

Nagulat ako sa tanong niya. What does he mean by that? Magkakilala ba kami?

"Ano--?"

"Ako yung crush mo nung Grade 2 tayo."

Kahit medyo nakakaloko yung sagot niya saakin, pinilit ko talagang alalahanin yung sinasabi niyang kalokohan. Ni hindi ko nga siya mamukhaan eh.

Pero isa lang ang alam ko, tiningnan ko nang mabuti yung scar niya sa mukha, "Clark?! Di nga?!"

"Hell yeah"

"Omg. Buti naalala mo pa ako! Galing mo huh!"

"Of course. Ako pa ba? Talagang tiningnan mo pa yung peklat ko. Porket ikaw dahilan nun?"

"Sorry about that!" I chuckled as he messed my hair.

"Mangangalabit ka pa kasi, sa mukha pa" Sabi niya sabay iling. Nangongonsensya na siya ngayon?

"Tapos kung irapan mo ako. Para namang wala tayong pinagsamahan."

"Sorry naman! Di kasi kita namukhaan! Pangit ka noon eh."

He smiled brightly, "so gwapo na ako ngayon? Amanda huh? May crush ka siguro saakin 'no?"

"Baka ikaw? Kung maka-banat ka sakin kahapon, todo ah! May pinaabot ka pa sa'kin. Tsk tsk. Clark ha, mga galawan mo!" Tumawa kaming pareho.

Pero huminto siya ng pagtawa at tumingin saakin, "wala eh. Ang lakas talaga ng tama ko sa'yo."

I cleared my throat. Wow. Didn't expect that to happen. Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba?

"Andito na ata tayo. Thanks for the ride." Nasabi ko na lamang at agad nang lumabas ng kotse. Dumiretso na agad ako sa shop at kinalimutan ang mga nangyari.

"Morning Amanda!" Bati saakin ni Alicia.

"Morning Clark! Hihi" Sabi naman nitong malanding Raphael na 'to. Ako naunang pumasok, tapos siya binati. Nakakatuwa naman po pala.

"Hoy. Kayong dalawa, sabihin niyo nga saamin, may namamagitan ba sainyo huh?" Singit ni Sharlotte.

Nagkatinginan kami ni Clark at ngumiti na lang siya saakin. "Sana nga meron" I looked at him, shocked. Ganun din naman yung mga katrabaho ko.

Your Beloved MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon