Cassiopeia's POV
'Hinahanap ng mga Sang'gre ang mga diwani'.Mapanganib ang pinasok ng mga diwani,Ngunit isa itong pagsubok sa kanilang magiging tungkulin sa Encantadia.
Ngunit kapakanan ang nakasalalay dito,Sa kanilang kapalaran ang desisyon ng kanilang buhay.
Nag-aalala ang mga Sang'gre,Nararapat lamang na bawiin ko ang sumpa kay Ether.
❤Nagtungo si Cassiopeia kay Ether❤
Third Person's POV
"Ether!Magpakita ka sa 'kin!!".Inis at galit lamang ang nararamdaman ni Cassiopeia.Alam niyang nagkamali siya,Hindi niya pinigilan ang dalawang diwani sa kanilang balak.
Maya-maya ay lumabas na si Ether,Mula sa ahas,Nagpalit anyo ito sa pagiging taong ahas.
"Ano ang kaylangan mo,BATHALUMANG Cassiopeia.".
Sarkastikong pagdidiin ni Ether.Habang si Cassiopeia ay naiinis,Si Ether naman ay tumatawa habang sila'y nagpapaikot-ikot at nakatutok ang mga armas sa isa't-isa.
"Bawiin mo ang sumpa sa mg diwani,Pati na 'rin sa ibang mga enkantado!!".Sambit ni Cassiopeia at inihagis niya ang kanyang kabilan kay Ether,Ngunit nasalo ito ni Ether at kusang bumalik kay Cassiopeia ang kabilan.
"At bakit ko gagawin yan,Cassiopeia?Sila ang pumili ng kanilang kapalaran,At bilang kaaway,Mas mabuti na 'rin na walang sagabal sa akin.".Sagot ni Ether habang nakangisi pa 'rin.
"Pashnea!!.".Sambit ni Cassiopeia at ipinalit ang kanyang kabilan sa espada ng kabilan.
Nagsimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang Bathaluman.
Nang mahuli ni Cassiopeia si Ether ay agad nyang tinutok ang Espada ng Kabilan sa leeg ni Ether.
Nasa likod ni Ether si Cassiopeia na sumasakal sa kanya sa pamamagitan ng espada.
Napaisip ang masamang Bathaluman,Maya-maya ay umatake ito.
Inapakan ng Bathaluman ang kanang paa ni Cassiopeia,At siniko din ito ni Ether sa mukha,Napaatras na lang si Cassiopeia ngunit nanatili siya nakatayo.
"Inuulit ko,Ether,Tatanggalin mo ang sumpa o magsasanib pwersa kami nina Emre at Haliya.".Taas-noong sinabi ni Cassiopeia,Walang anumang alinlangang nakita sa mukha niya.
'Tignan nalang natin kung makakayanan niyo pang kalabanin ang susunod na magiging kasanib namin ni Arde'.Napangisi si Ether sa kanyang inisip.
"Sa muli nating pagkikita,Cassiopeia!
HAHAHA!".Sarkastikong tumatawa si Ether habang sinasambit ang mga salitang iyon,Maya-maya ay naglaho si Ether."Ether!Bumalik ka dito!Pashnea!".
"Ether!!".
Tuluyang bumalik si Cassiopeia sa Devas,Tinutukoy kung ano ang susunod na mangyayari sa Encantadia.
Maya-maya'y may narinig ang Bathaluman na mensahe,Mensahe na galing sa balintataw ni Imaw.
"Cassiopeia,Kami'y humihingi ng iyong tulong,Kaylangan ka namin dito sa Lireo,Avisala Eshma.".
Mensahe na galing kay Amihan,Na ipinadala sa pamamagitan ng balintataw ni Pinunong Imaw.Hindi na nagdalawang-isip pa si Cassiopeia,Nagtungo agad siya sa Lireo.
Alam niyang humihingi ng tulong ang mga Sang'gre na hanapin ang mga nawawalang mga diwani.
Noong dumating si Cassiopeia doon,Agad bumungad sa kanya ang mga Sang'gre at si Pinunong Imaw.
--
Bitin ba?Sorry,Every chapters are based on the Chapter Title,Kung tapos na ang story about the title,Its time to end it.Abangan ang susunod na mangyayari.
Not Edited
Diwatang_Lira
BINABASA MO ANG
Cursed Diwatas From Encantadia
FantasySumpa ang kalaban. Buhay ng iba ang ililigtas. Lira, si Lira ang isang diwani/Sang'gre sa Encantadia, noon ay hindi gumagamit ng kahit anumang armas sa kadahilanang ito ang ginamit sa pagpaslang sa kanyang ina, si Hara Amihan. Si Lira ay makapangyar...