Written by: gooddaymel
Prompt by: maywardism
Prompt: 'first babysitting together'
~~~●●●~~~
"Maybe sometimes love needs a second chance...
...because it wasn't ready the first time around."
-Anonymous~~~●●●~~~
Ding dong! Ding dong!Makailang ulit nang pinindot ni Maymay ang doorbell ngunit wala pa ring nagbubukas ng gate.
"Hala! Nasa'n na ba mga tao dito uy?" Bulong niya sa sarili.
Kaninang umaga ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang best friend na si Kaish. Humihingi ang huli ng pabor na alagaan niya pansamantala si Freya. Ang apat na buwang gulang nitong anak na siya ring inaanak niya.
Ring! Ring! Ring!
"Hello?" Aantok-antok pang sagot ni Maymay sa kanyang cellphone.
"Hello? Maymay? Tulog ka pa? Maymay? MAYMAY!" Aligagang bungad naman ng nasa kabilang linya.
Mabilis niyang inilayo sandali ang cellphone sa tainga sa lakas ng boses nito.
"Hoy Kaish ano ba? Kalma! Ang aga-aga bakit naghihihiyaw ka? Kagigising ko lang...actually nagising ako sa tawag mo. Bakit ba? May problema ba?"
Mabilis pa sa alas kwatrong sumagot ito. "Bes I need help! Huhu! Free ka ba today?"
Ibinalik niya ang mukha mula sa pagkakasalampak sa kanyang unan. Humigit kumulang ay alam na niya ang sasabihin ng kabigan.
"What is it?" Tanong ding sagot niya sa tanong nito.
"Pwede bang pakibantayan mo muna si Freya ngayon please? May emergency kasi sa resort sa Batangas eh. Hindi na kaya ng mga tao namin dun na i-handle so kailangan namin pumunta mismo ni Dism. Medyo big time yung customer na nagreklamo eh. Nag-demand na kausapin ang may-ari." Paliwanag ng kaibigan.
Nangunot ang noo niya sa narinig. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ring nagising ang kanyang diwa. "Hah? Bakit daw? Anong nangyari?"
"I don't really know the specifics yet. Ang alam ko lang that customer lost something really valuable sa room na nirentahan niya sa resort. Alahas yata."
"Problema nga yan."
"Hindi pa yun eh. Alam mo ba kung sino yung customer na yun?" Tila naiiyak na turan ni Kaish.
"Who?"
"Yung bunso lang naman ng mga De Salvo!" Bulalas nito. "My gahd kaya naloloka na 'ko dito!"
"Hah? Wait si Dashiel? Ay patay na!" Ang tanging nasabi na lamang niya nang mapaproseso ang mga sinabi ng kaibigan.
Ang pamilya De Salvo ay kilala bilang isa sa pinakamayayaman at pinaka- makapangyarihang angkan sa Batangas. Alam na alam niya yun dahil sa isa sa mga sangay ng Lipa Bank na pagmamay-ari ng mga ito sila nag-OJT ni Kaish bilang mga accounting clerk noong sila'y nasa kolehiyo pa lamang.
"Di ba? Di ba? Of all people! Yung barumbadong anak pa ni Mr. De Salvo ang nataon na manakawan sa resort namin! Jusko talaga!" Muli, nanlulumong pahayag ng kaibigan niya.
"Hey calm down. Hindi pa natin alam ang buong pangyayari. And anyway if worst comes to worst, honorableng tao naman si Mr. Martin De Salvo kaya for sure he will cast a fair judgement over this." Ang tinutukoy niya ay ang ama ni Dashiel at siyang punong tagapangasiwa ng lahat ng ari-arian ng mga De Salvo.