Wish Upon A Star

14 1 0
                                    

"KEENAAAAAAAA!!! NAKNG TOKNENENG KANG BATA KA! DISE SIETE KANA HINDI KANA BATA! HALIKA DITOOOOOOOO!!" sigaw ng matandang nars na si Kuya Harold. Nagtatago sa ilalim ng lababo sa Female CR si Keena Pablo na ikechemo therapy na sana ngunit pagod na sya. Bahala ka jan kuya Harold. Pagod na si accoe. sabi ni Keena sa sarili nya. Nang maramdaman ni Keena na tahimik na ang hallway, dahan dahan syang lumabas, nang, "HULI KA!" panggulat ni Tristan na pasyente din sa Hospital na tinutuluyan ni Keena sa loob ng labing limang taon. "POTAHAMNIDANG LETCHE KA TRISTAAAAAAAAAAN!!" galit na sigaw ni Keena habang sinasapak si Tristan. Puro ilag si Tristan ngunit may mga sapak na di nya kayang ilagan. "Aray---oy--*ilag*-- hoyyy--tama na----arayyyy" sabi ni Tristan. "kasalanan mo yan, magdusa ka peste ka!" gigil na sambit ni Keena. She gritted her teeth with angst , walked out, fists clenched and made her way to the chemotherapy room. Galit na binuksan ni Keena ang pinto sa silid at nagulat ang mga nars doon. "keena! halika na, napagod si Kuya Harold kakahanap sayo" sabi ni Niana. Ang Assistant Nurse ni Kuya Harold. Tahimik na pumasok si Keena sa maliit na silid at humiga. Sinimulan na ni Nurse Niana ang proseso at unti unting pumipikit ang mga mata ni Keena.
- 8:17 PM, ROOM 201A, ROBINS MEDICAL CENTER -
Ilang taon na ba ako kalbo? Hays. Ang pangit ko talaga. Wala nang magkakagusto sa akin. Yung chibing Elijah Montefalco nalang ang nakakatiis sa akin tumabi matulog. Hays :'<, sabi ni Keena sa isipan nya habang tinititigan ang sarili sa salamin. *tok tok* napalinga si Keena sa pintuan ng CR. Bago lumabas si keena ay naghugas sya ng kamay at lumabas na sa CR. Binuksan nya ang pintuan ng Kwarto nya at pagkakita nyang si Tristan ay umatras sya at sinara ng malakas ang pintuan. "KEEHANA ADRIANNA SAN JUAN PABLO BUKSAN MO ANG PINTUAN MO!" sigaw ng binata. Pumintig ang tenga ng dalaga at nagalit. Ayaw na ayaw nya ang pangalang Keehana Adrianna. Kinamumuhian nya ito. Dabog nyang binuksan ang pinto at sinampal si Tristan. Ngunit nagulat sya nang bigla syang hinalikan ni Tristan sa labi. Nanlaki ang singkit nyang mata, nanlambot ang mga kamay at tuhod nya. Di man nya nakikita pero alam nyang namumula ang mga pisngi nya. Napaatras si Keena papasok sa ward nya. Patuloy parin si Tristan sa paghalik nya at sinara ang pinto at nilock ito. Biglang pinutol ni Tristan ang halik at naghahabol ng hininga. Pati si Keena ay naghahabol rin ng hininga. Hindi sya makahinga ng maayos, pinagpapawisan kahit 15° ang temperature ng Aircon. Inalalayan ni Tristan si Keena sa higaan nya para makaupo ito. "B-bakit m-mo gi-ginawa yu-yun?" nauutal  na tanong ni Keena. Tinignan lamang sya ng binata. "Hindi ba obvious?" sagot ng binata. Natahimik ang dalaga, alam  na nya ang sagot. Sa loob ng 15 na taon, sabay silang lumaki ng binata. Inabandona na kasi si Keena ng mga magulang nya. Si Kuya harold ang tinuturing nyang Ama ngayon. "Kalbo ako Tristan. Sing payat na ako ng kawayan. Bakit ako?" tanong ng dalaga. "Kase ikaw ay ikaw" simpleng sagot ng binata. "Sumama ka sa akin sa roof top, mag star gazing tayo" sabi ng binata sa dalaga. Tumango ito at lumabas sila. Paglabas nila ay nakasalubong  nila si kuya Harold at nurse Niana. Nagulat ang dalawa at tinuro ang isa't isa. "Tristan? keena? tris......tan? huuuuuuh O.O kee.....naaaaaa?" puno ng malisya  na tugon ni Nurse Niana. "Niana." suway ni kuya Harold sa dalagang Nurse. "Ay sorry kuya."sagot ng nars. "Kuya Harold, pupunta lang kami ni Keena  sa rooftop, magsstar gazing kami." paalam  ng binata. Tumango lamang ang matanda at pinayagan ang dalawa. Inalalayan ng binata si Keena kahit ayaw nito. Chivalry is not dead. Ika nga ng binata.
——————————————————
Pagkarating ng dalawa sa roof top ay namangha si Keena. Sa tanang buhay  nya ay ni hindi pa nya Naranasan ang ganito. Nabigla ang dalaga ng bigla syang niyakap ng binata. Hinilig ng binata ang ulo ng dalaga sa dibdib nya. Hindi nalang umalma ang dalaga at inenjoy nalang ang moment na iyon. "Ay, may dala akong banig tsaka apat  unan. Halika, higa ka. Ay teka, ilalatag  ko muna." sabi ng binata. Tumango ang dalaga at hinintay na matapos ang ginagawa ng binata. Pagkatapos ay humiga sila. "Ang ganda ng langit" napapaos  na sabi ng dalaga. "Kasing ganda mo" sabi ng binata. May dumaang bulalakaw at nagulat ang dalaga. "Uy may shooting star na dumaan" sabi ng dalaga at humiling. "Ano hiniling mo?" tanong ni Tristan. "Secret hehe" sagot ng binata. Napa haha nalang si Tristan.
Hindi na sana matapos  gabing ito.
Yan ang hiling nya.
"Tristan?"
"Oo?"
"Mahal kita"
"Mahal din kita" at pumikit  ang dalaga.
"Keena, tara na, lumalamig na" gising nya kay Keena. Ngunit hindi gumising  ang dalaga. "Huy Keena. Wag kang magbiro" nagsimula  nang  mag-alala si Tristan. Niyuyugyog nya  ang dalaga  ngunit wala talaga. "Keena? Keena. Keehana Adrianna. Huy gising na sabi" nagsisimula nang bumuo ng luha  ang mata ng binata. Pinkiramdaman  niya ang pintig  ng puso ng dalaga.
Ngunit wala syang marinig.
Hinanap nya ang pulso ni Keena.
"Keena? Keena!!" iyak ng binata.
He scooped Keena in his arms and ran down to the ER. "Pahinging stretcher!!" Sigaw nya. Nagpanic na ang mga nurse. Hinarang ng mga nurse si Tristan at sinabihang bawal  sya sa ER.
"Gel. CLEAR!" sigaw ng doktor. Inulit  ito ng doktor ng tatlong beses ngunit wala na talaga. Straight na ang Line.
Lumabas ang doktor at nilapitan  si Tristan. "Tristan?" sabi ng doktor. Tumayo  ang binata at hinintay  ang sagot ng doktor. "I'm very sorry."
Tatlong salita ngunit  parang pinatay na rin sya. Unti unting tumutulo ang luha ng binata.
Bakit moko iniwan? Bakit  ngayon pa?
sabi ng binata sa isipan nya.
Umiyak  lang sya ng umiyak hanggang sa nailibing na si Keena.
Makalipas ang dalawang araw, binisita ni Tristan si Keena.

Keehana Adrianna S. Pablo
February 17, 2000 - July 18, 2017
Forever in my heart,
-TMDR

Hi darling. Namimiss na kita. Nagdala ako ng flowers para sayo. Mahal kita  kahit nasaan  ka man ngayon.
Nasa isip ng binata. Nilapag nya ang bulaklak, nagdasal sandali at umalis

Kaya siguro nya ako sinamahan nung gabi na yun. Salamat Keena, salamat  sa birthday gift mo sa akin. When you wish upon a star nga naman.
——————————————————
"Sometimes when we love, we love too much. And when we're hurt, we're hurt too much."

Wish Upon A StarWhere stories live. Discover now