Prologue

13 2 1
                                    

(AN: paki play yung song na I wanna grow old with you by Westlife while reading this.)

Napakaganda ng musika.
Musika na sinasabayan ng kanta ng koro ng simbahan.
Musika na nilaan lamang sa espesyal na araw na ito.
Espesyal na araw para sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Musika ng aming pag-iibigan.

Tumingin ako sa lalaki na naghihintay sa altar habang naglalakad ako patungo sa aking paroroonan.

Bakas sa kanyang mukha ang labis na saya na sya ring ipinapakita ng kanyang mga mata.

Mga matang masarap tingnan.
Mga matang nagpapakita ng emosyon.

Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin sya sa akin.

Parang isang pelikula na kung saan ako ang bida at sya ang leading man.
Pelikula ng aming buhay.

Biglang bumalik sa aking alaala ang mga masasayang sandali na aming pinagsamahan.

Mga sandaling kami ay masaya na nagmamahalan at parehong nangangarap.

Di ko akalain na darating ang araw na ito.
Ang araw na pareho naming pinangarap na dalawa.
Araw na magsusumpaan sa harap ng Poong Maykapal.
Ang araw na matagal kong hinintay.

Akala ko lang pala....

*******************

Sana basahin nyo po.
Vote and comment po.
Kamsa.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon