Chapter 8

3.8K 90 2
                                    

Hindi na siya mapakali habang nasa hapagkainan sila ni Mario at nasa kanilang dalawa ang mga mata ng mga magulang at mga kapatid niya. Sobrang tahimik mas ma-ingay pa yata ang cementeryo. At hindi niya gusto ang nangyayari kasi pag sobrang tahimik dalawa lang iyan ayaw nila o nahihiya lang magsalita. Napatingin naman siya sa kakambal niya, kumakain pa rin ito at doon lang din mismo sa pagkain ito nakatingin kaya agad niya itong sinipa sa ilalim nang mesa. Tumingin naman ito sa kanya at pinanlakihan niya ito ng mata para sabihing

Hello kambal tulungan mo ako. Pero nunka tumawa lang ito. Nang magsalita ang kapatid kung si Jade.

"So Ate Tamarra at Kuya Mario. Kailan ang kasal niyo?" Tanong nito sa amin. Dahil don naibuga ko ang kinakain ko sa kakambal ko na nasaharapan ko lang.  Mabuti at mabilis itong nakatayo.

"Kadiri ka. Sa akin pa talaga" Inirapan ako ni Tessie at tumayo ito para maka paglinis kasi may mga dumikit ditong kanin. Tinignan ko naman nang masama ang kapatid ko. Abat kay bata-bata pa lang sumasabat na. Pinandilatan ko rin ito pero hindi yata natakot at nagkibit balikat lang ito sa akin.

"Oo nga hijo kailan mo papakasalan si Tamarra?" Tanong nang mommy ko dito. Tinignan ko naman naman si Mario at nakita ko ang pagkabigla nito sa tanong nang nanay ko.

Tumikhim ako para mapabaling sa akin ang mga matang nakatingin kay Mario. "Matagal pa po ma. Hindi naman po kami nagmamadali." sabay ngiti ko pero sa isipan ko hindi ko talaga alam. Dahil unang-una wala naman kaming relasyon ni Mario. Sex lang yata ang meron sa amin. Nang maisip ko iyon ay may pait akong naramdaman.

Nakita ko rin ang tatay ko na tumayo at pumasok sa kusina at pagbalik niya ay may dala na itong itak. Sa sobrang bigla ko napatayo ako at lumapit kay tatay. Baka kasi kung ano na ang mangyari ma itak si Mario at atakihin na naman si Tatay sa sakit nito.

"Papakasalan mo ba ang anak ko o tatagain kita." Itinaas pa nang tatay ko ang itak at akmang itataga na kay Mario mabuti nalang talaga malayo nang kunti si Mario sa tatay niya.

"Tay, ano ba yan bitawan niyo po iyang itak baka makasakit kayo nang ibang tao at isa pa po itay baka atakihin na naman kayo sa puso. Alalahanin niyo na kakalabas niyo lang sa hospital."

"Manahimik ka, Tamarra. Hindi ako papayag na hanggang fuck body ka lamg nang lalaking ito." itinuro naman ni tatay ang itak kay Mario. Nang biglang nagsalita ang kapatid niyang si Jade.

"Aba si Tatay maypagka mellinial na pala." tumawa pa ito kaya tinignan niyang masama ang kapatid. Sakto namang dumating si Tessie.

"Anong nangyayari dito?" naguguluhang tanong nito sa amin.

"Danilo ano bayan. Tinatakot mo naman ang mga bata. Huminahon ka nga." saway ng nanay niya sa tatay niyang nagaalboruto na.

"Tatanongin ko ikaw. Papakasalan mo ba ang anak kung si Tamarra?" Tanong ni tatay dito. Napatingin naman kami mas lalo na ako na naghihintay sa sagot nito pero walang lumabas mula sa bibig nito kundi.

"I'm sorry" tumalikod sa kanila si Mario. Hindi ko alam pero gumuho na ang mundo niya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Nahihiya siya sa mga magulang niya. Napakagat labi nalang siya at hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya nang tahimik nang maramdaman niya ang isang yakap na alam niyang hindi siya huhusgahan. Ang kanyang kakambal. Kaya napayakap nalang siya dito.

"It's okay. Magiging okay din ang lahat kambal."bulong ni Tessie sa kanya kaya mas lalo siyang naiyak dahil minsan lang siya kung yakapin nito. Dahil minsan kung malungkot siya ay sa ina siya lumapit.

"Jade pagbumalik ang lalaking iyon dito. Huwag na huwag mong papapasukin. Ikaw naman Tamarra wag na wag ka na rin magpapakita sa lalaking iyon. Wag ka ngang umiyak dahil hindi ka namin ginawa kayong lahat para lang umiyak. Madami pa jang iba. Yung kaya kang ipaglaban at panagutan ka hindi iyung lalaking takot sa itak." lumapit sa kanya ang kanyang tatay at mahigpit siyang niyakap na tinanggap naman niya. 


2 MONTHS LATER

"Oo na nga. Ito na malapit napo ako." napabuntung hininga naman siya habang papasok sa isang hotel kung saan ang boss niya ngayon. Bat naman kasi siya pa ang inutusan na ihatid ang business proposal nito ni hindi nga niya kilala.

"Miss ganda saan po kayo?" tanong nang lalaki sa kanya na may ngiti sa labi infairness gwapo si manong guard at naka pogi Points ito sa kanya kaya ngumiti siya dito nang pagkatamis-tamis dahil lang naman tinawag siya nitong miss ganda. Maganda naman talaga siya.

"ihahatid ko lang po itong business proposal nang boss ko sa may ari ng kompanyang ito." nang biglang may lumapit sa kanilang babae at may kung aning ibinulong dito.

"Sorry po, Ma'am Tamarra. Pwede napo kayong pumasok." naguguluhan man ay tumango nalang siya at nagtuloy-tuloy papuntang elevetor. Nakaramdam naman siya nang pagka-asiwa dahil sa mga titig na pinupukol sa kanya ng mga tao may iba rin na yumuyuko na para siyang isang reyna. Ang weird. Nang makarating siya sa tamang floor ay agad niyang tinungo ang nag-iisang pinto doon ang sabi kasi nang boss niya nagiisa lang daw ang pinto at wala din itong Secretary kaya pumasok nalang siya. Ang weird naman ng kung sino man ang business partner nang boss niya.

Inayos muna niya ang kanyang suot at huminga nang tatlong besses at kumatok din nang pangatlong beses pero wala naman siyang narinig. Kakatok na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at para siyang tinuklaw ng ahas sa kanyang nakita. Nakita lang naman niya ang lalaking tinakbuhan siya. Tatalikod na sana siya ng bigla siyang hinila ni Mario pa pasok nang office nito at wala siyang magawa kundi ang sumunod dahil sa hawak nito ang braso ko.

Tsk.

My Mini Heart Attack (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon