*** authors note: hindi ito maganda, wala lang natuwa lang akong gumawa..
Habang naka tulala ako ngayon sa tapat ng laptop ko dito sa condo di ko mapigilang mag isip. Mag isip ng mga bagay bagay na nagawa o hindi ko pa nagagawa. Napaka dami ding pumapasok sa isipan ko na tungkol sa kanya. Ano nga ba ang nangyari sa amin? Bakit humantong kami sa ganito? Magiging katulad pa kaya kami ng dati?
Ilan lang yang mga yan sa mga tumatakbo sa isipan ko ngayon. Miss ko na siya, sobrang daming trabaho mabuti sana kung kasama ko siya.. haaay.
Ako nga pala si Slater Young. Big Winner of Pinoy Big Brother Unlimited. Mahirap maging big winner kasi kailangan mong i'please yung mga tao sa paligid mo, lalo na sa twitter. Hindi man halata pero marami akong nakaLT nung nasa loob pa ako ng PBB house. Kahit ako nagulat na meron pala akong ka love team. At nakakagulat din kung paano sila magalit kaya nga nag iingat na ako sa bawat tweet ko eh.
Sabi nila napaka swerte daw ng babaeng mamahalin ko. Sabi nila yun, paano naman magiging maswerte yun eh yung taong mahal ko ngayon hindi ko mabigyan ng panahon at hindi ko man lang maipagtanggol.. Napa isip na naman ako kung my nagawa na ba ako para sa kanya? haiz
*******
Nagbabasa ako ng mga tweets sa timeline ko. Bigla kong nakita ang tweet ni Tin.
@acpatrimonio: e-wood with @victorsilayan :D
Pagkakita ko nun, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko kilala kung sino si victor hindi ko pa kasi siya nakikita sa personal basta ang alam ko lang lagi silang magkasama o di kaya ay lagi silang magkatweet ni tintin.
"woooooooooooooooooooooooooooooooooooooo" ang sakit lang..
********
Teka ano bang oras na.? 1:00 pm na pala nag eemote pa ako dito. Ngayon ko lang naalala my workshop nga pala kami mamaya at magkikita kami ni Tin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. :(
"Ano bang kailangan kong gawin?"
*knock* *knock* *knock*
"Pasok po.."
"ay sir ngayon na po ako mag lilinis ng condo niyo, aalis po kasi ako bukas eh"
"Ah ganun po ba, sige po. maliligo lang po ako manang, my workshop kasi."
*******
Habang naliligo ako my narinig akong kanta. Si manang talaga napaka hilig mag music, parang bagets lang. hahaha.maya maya napatigil ako sa narinig kong kanta.
You know that I love you
I know that you feel the same way too
Baby I want too
Show my affection like you do
mahal ko siya, alam ko mahal niya rin ako.. pero hanggang ngayon ba ganun pa rin?
But there's a feeling, a feeling I can't understand
It's not the right time for this kind of romance
Tell me if you fell it too
Someday I'll make it up to you
maybe hindi nga ito ang tamang panahon, pero kelan?
Chorus:
So hear me say
I wanna give you everything you want, everything you need
All the love in the world that I can bring
Let's take it slow
I don't wanna see you cry when we realize that we made a wrong decision in our lives
This isn't the perfect time for everything
So just believe, that true love waits
true love waits? pero kaya ko pa bang maghintay?
When were together
You know that I can feel the fire
It's a matter of controlling our desire
tuwing magkasama tayo gusto ko ng sabihin sayo naa mahal na mahal kita.
Let's make it special
When until the right time comes
When that happens
Our love will never be the same
This is how I respect you
I know that we can pull this through
Rep. chorus
I want this friendship to last forever
My love will let me last than ever
Repeat chorus 2x
Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin. Nagmadali na akong maligo at nag madaling pumunta sa workshop.
Nasa kagitnaan kami ng workshop ng tinawag ako ng mentor namin. Sinabi niya saken na kumanta daw ako ngayon at kung anong unang pumasok sa isip ko, yun daw ang kantahin ko. And guess what? Yung kanta kanina yung una kong naisip, kaya yun ang kakantahin ko.
Pero bago ako kumanta tinanong muna ako ng mentor namin kung kanino ko idededicate yung kanta. Noong una ayoko pa sana, pero naisip ko paano kami magiging ok kung ako mismo natatakot. Kaya sinabi ko na kung para kanino yun. Para kay Tin. :)
Pagkatapos kong kumanta pumunta ako sa harap ni Tin.
"Tin-Tin hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo, pero eto ako nasa harapan mo.. teka eto na talaga, alam mo namang mahal kita diba? At sinabi mo sa akin dati na ganun din ang nararamdaman mo.. pero hindi ko alam kung ganun pa rin hanggang ngayon, Sorry kasi ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin ito, natatakot kasi ako para sayo, ayokong kung ano ano ang sinasabi nila about sayo, kaya nga umiiwas akong itweet ka di ba? Pero ngayon bahala na muna sila, ngayon gusto ko lang malaman mo na handa akong ipagtanggol ka sa kanila ok lang kung magalit sila sakin atleast nasabi ko na sa lahat na mahal kita. mahal kita oo mahal na mahal kita na ok lang sa akin na maraming magalit basta masunod ko lang yung sinasabi ng puso ko.
"Anna Christine Patrimonio can you be my girl?"
***
after that moment.. :D
my 1st tweet for this day..
@thatguyslater with the girl i love @acpatrimonio :"> (insert pic yung sa kimmy dora :p)
Lagi nating sinasabi na true love waits, pero hanggang kelan natin kayang maghintay? Diba hindi natin alam, hanggang sa hindi natin namamalayan nawala na pala yung hinihintay natin, kaya kung ako sa inyo gawin niyo na yung alam niyong tama, para hindi kayo mag sisisi sa bandang huli.. :D
“The most important thing in life is to learn how to give out love, and to let it come in.”