Day 12: 'Day For An Intense Atmosphere'

7 0 0
                                    

Luke's POV

Pumasok ako ngayon nang maaga, kami lang ni Raze ang pumapasok nang ganto kaaga, 2 hours bago magsimula ang klase nasa school na ko.

"Ang aga mo talaga pumasok, Anong oras ka ba nagigising?"

Napalingon ako sa bagong dating na si Nicole, gantong oras dapat nandito na si Raze pero wala pa rin siya.

"Hindi mo man lang ba ko kakausapin?" Nicole

Damn! She's so annoying, hindi ba niya makuha na ayoko siyang kausapin.

Tumabi siya sakin at nararamdaman kong nakatitig lang siya sakin ngayon.

"Stop staring at me. It's disturbing, Don't even bother talking to me"

Nagsidatingan na yung mga classmates ko pero si Raze, wala pa rin.

Nilabas ko na ang phone ko para sana itext si Raze nang magsimula na naman ang hiyawan nang mga classmates ko.

"Ayieeeeeeeeeee, ang sweet nila!" Classmate 1

Napalingon ako kay Raze, kasama niya si Zeo at sabay silang pumasok nang classroom.

Naiirita ako sa ngiti nang lalaking yun, kung makangiti siya parang wala nang bukas.

"Isasabit ko na lang dito yung bag mo, makinig ka sa teacher ah" Zeo

Siya nagbubuhat nang bag ni Raze? Para naman siyang alipin sa ginagawa niya.

Saka mukha namang magaan yung bag ni Raze, Bakit pa niya binuhat?

"Goodmorning class! Today gagawa tayo nang group activity, one group should be compose of three persons, so kayo nang bahala kung sino gusto niyong maging kagroup, maggroup muna kayo then saka ko ibibigay ang instructions para sa activity" Prof.

Tinignan ko si Raze, nakatingin din siya sakin.

Psh. Pati ba naman pagtanong kung pwede ko siyang maging kagrupo, hindi ko matanong.

"Raze! Tayo na lang magkagrupo, kailangan mo nang matalinong groupmate para makakuha nang mataas na grade" Zeo

Tumango naman si Raze at nginitian siya.

Saka kung gusto niya nang matalinong kagrupo, confident ako na mas matalino ako sa lalaking yun.

"Ako din. Kasama ako sa grupo niyo" Ako

Sinamaan ako nang tingin ni Zeo.

Hindi ba niya narinig na ang bawat group dapat magconsist nang three members.

"Pano si Selene? Di ba dapat sumama ka sa girlfriend mo?" Zeo

Tinignan ko si Selene, wala pa rin siyang kagrupo.

Mukhang walang gustong makipagrupo sa kanya.

"Since 37 kayo sa classroom, may isang group na magcoconsist of four members" Mr. Reyes

Nang marinig ko yun, hinatak ko si Selene papunta sa grupo namin. Sinubmit ko agad kay Sir Reyes ang pangalan namin para wala nang ibang grupo na magtangkang kumuha nang pang-apat na member.

"Since business management ang subject natin, magsusubmit kayo sakin nang proposal, magisip kayo nang pwede niyong gawin para kumita without any capital money, gagamitin niyo yung idea niyo to earn atleast one thousand Pesos, yan na din yung project niyo sa subject ko, bawal ang grupo na may parehas na idea." Mr. Reyes

Nagpunta kaming apat sa gilid nang classroom para magbrainstorm.

Katabi ko si Selene then kaharap namin si Zeo at Raze.

Forty Six Days To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon