Alamat ng Pamaypay

453 2 0
                                    


  Noong unag panahon ay may
isang bayan na may masasa-
ganang bukirin na kung tawa-
gin nila'y Apayaw. Sa bayang ito ay may pinaniniwalaan silang diwata na kung saan ay nangangalaga sa kanilang masasaganang bukirin. Ang binatang diwatang ito ay nagngangalang Apay. Si Apay ay isang makisig,mapag-alaga,napakagwapo at higit sa
lahat ay napakabait na diwata.
At sa bayan din iyun matatag-
puan ang napakaganda at napakabait na batang babae na nagngangalang Maya. Si
Maya ay nag-iisang anak ng mag-asawang magsasaka at manlalabing sina Mang Ando at Aling Manda. Ang magulang ni Maya ay may malawak na bukirin at sakahan na kung saan siya at ang kanyang mga kaibigan ay malayang nakaka-paglaro sa tabi ng kanilang bukirin. Kahit sa murang edad na walung taong gulang tumutulong din siya sa mga gawain ng  kanyang magulang mapabahay man o mapabukid.

   Isang araw naisipan ni Maya at ang kanyang mga kaibigan na maglaro ng bahaybahayan sa tabi ng kanilang bukirin. Nagtagal ng ilang oras ang kanilang paglalaro, ng mapag-
tanto ng kanyang mga kaibigan na umuwi sa kanika-
nilang kabahayan. Subalit siya ay nagpa-iwan at napagpasya-
han na maglakad-lakad at magmasidmasid na muna sa kanilang bukirin. Sa kanyang ilang-oras na paglalakad at pagmamasidmasid ay naisipan niyang magpahinga na muna bago umuwi sa kanilang tahanan....
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay napagtanto na niyang umuwi at nababaha-
lang baka siya ay mapagalitan
ng kanyang magulang,ngunit bago paman niya maihakbang ang kanyang kanang paa ay naramdaman niyang may parang nagmamasid  sa kanya mula sa likod. Huminga muna
siya  ng malalim bago lumingon sa kanyang likuran,subalit ng
lingunin niya ito ay wala namang kataotao kaya napag-
isip-isip niyang baka guni-guni
niya lamang ito. At nang bumaling siya sa kanyang harapan ay siya'y nagulat at napasigaw ng "ahhhhhhh!!" bago siya tuluyang nahimatay.

  Nagising si Maya ng maram-
daman niyang may parang hangin ang dumadampi sa kanyang buhok. Pagmulat ng kanyang mata ay bahagya siyang nagulat dahil sa pagkakita sa estranghirong binatang nakita niya bago paman siya mahimatay. Napansin ng binatang diwata ang bahagyang pagkagulat ng batang babae kaya sinabihan niya ito ng "Maya huwag kang matakot dahil hindi kita sasaktan" Nangonot ang dalawang kilay ni Maya at natanong na "sino ka?", sinagot naman ito ng binatang diwata ng "Ang pangalan ko ay Apay at isa akong diwata na tagapangalaga ng mga pananim at mga bukirin ng bayang ito". Tumaas ang kaliwang kilay ni Maya ng sahihin nito na isa itong diwata  at sinabing " Diwata? baka naalimpungatan ka lang siguro kuya kaya mo nasasabi ang mga bagay na iyan", ang batang babae ay halatang nagpipigil ng tawa pagsambit niya ng katagang iyon sa binatang diwata. Sinabi naman
ng binata na "Hindi ako nagbibro Maya isa talaga  akong diwata", sinagot naman ito ni Maya ng "kung totoo kangang diwata ipakita mo nga ang iyong kakayahan sapamamagitan ng butil ng palay na ito". Sinunod naman ng binata ang sinabi nito at nakita din ni Maya kung paano unti-unting nagkaroon ng dahon ang butil ng palay na nasa kanyang kamay kaya napatunayan niyang totoo ngang diwata ito. Muli niya itong tinanong kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan at sinagot naman nito ang kangang tanong ng
"lagi kitang nakikita dito sa tuwing ika'y pumupunta o di kaya'y dumadalaw dito kasama ang iyong magulang,  at sa tuwing ika'y naglalaro kasama ang iyong mga kaibigan sa tabi ng bukiring ito at nalaman ko ang iyong pangalan sa tuwing tinatawag ka nila". Pagkatapos ng unang pagkakakilanlan  at pag-uusap
nilang iyun ay naging kaibigan ni Maya ang binatang diwata. Kalaunan umuwi si Maya ng may saya sa kanyang mukha at ngiti sa kanyang labi dahil siya ay nagkaroon ng diwatang kaibigan. Magmula ng maging kaibigan ni Maya ang binatang diwata ay araw-araw na siyang pumupunta sa kanilang bikirin para makipaglaro at makipag-usap dito. Hanggang sa lumipas ang labing isang taon at tuluyan na ngang naging dalaga si Maya. Siya ay naging kaakit-akit na binibini dahil sa kanyang taglay na ganda at tangkad. Marami narin ang nagtangkang manligaw sa dalaga ngunit man sa mga ito ay di nakamtan ang matamis ngang oo. Patuloy parin ang pagtulong niya sa bukirin at patuloy din ang pagdalaw ng diwatang binata sa tuwing siya lamang ang naiiwang mag-isa sa kanilang bukirin. Hindi alintana ng diwatang binta ang katandaan nito sa kanya dahil kahit na lumipas ang labing-isang taon ay taglay parin nito ang kakisigan at kagwapohan nito. Tinutulongan din siya ng diwata sa mga gawain niya sa bukirin, hanggang sa tuluyan nangang nahulog ang loob nila sa isat-isa.

Alamat ng PamaypayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon