Kabanata 12 - Cueva del Amor
Ciudad de Santa Clara de Asis
10 de Mayo de 1890~~~~~~~~~~~~~~~
"Binibini?"
Hindi pa rin maalis ang tingin ko dun sa babaeng tagasilbi ng pamilya ni Crisostomo, anong ginagawa niya dito?
"Binibini?"
Sinusundan niya ba kaming dalawa ni Crisostomo? Stalker ko ba siya? Kasi kung nasaan kaming dalawa ni Crisostomo eh halos nandun din siya, baka mamaya may masamang balakin na pala siya sa'kin tapos hindi ko lang pala alam.
Ay ano ba naman tong pinag-iisip ko? Bakit ba ang nega ko? Pssh! Tumigil ka nga Cath baka mamaya masiraan ka lang ng ulo kakaisip sa babae na yun.
Nakakapagtaka......bakit kaya siya umiiyak habang nakatingin sa'ming dalawa ni Crisostomo, imposible namang mamalikmata ako kasi kitang kita ko na umiiyak siya eh.
"Binibining Catherina!"
"Ay kalabaw!" Gulat kong sigaw at napatakip naman ako ng bibig ko kasi napatingin yung ibang mga kumakain dito "Ano ba Crisostomo? Bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko sa kanya at napakunot noo pa ako at napalingon siya sa labasan.
Nanlaki yung mata ko ng makita kong wala na yung babaeng tagasilbi ng pamilya nila Crisostomo, hala? Saan nagpunta yun? Nalingat lang ako sandali tapos pagtingin ko nawala na siya na parang bula? Ano yun multo?
Hindi kaya multo na siya?
Ay ano ka ba naman Cath? Imposible yun! Nagsisilbi yun sa pamilya Santibañez eh.
"Mukhang may tinitignan ka sa labasan Binibini? Sino ba yun?" Tanong niya sa'kin at napatingin ako sa kanya.
"Ah w-wala Ginoo may namukhaan lang ako isang babae, akala ko kakilala ko hindi pala" palusot ko sa kanya at nalingon ulit siya sa labas, Aba chismoso pala tong Crisostomo na to?
"W-wala namang babae ah? Mukhang namamalikmata ka lang yata Binibini" wika niya at napailing iling pa ako, imposible namamalik mata ako!? Ang linaw ng nakita ko eh at 20/20 pa yung vision ng mata ko, kaya nakasisiguro ako na nakita ko siya.
"Imposible nandun lang yung babae kanin--- Urgh! Nevermind!" Wika ko at napasimangot ako sabay pangalungbaba ng dalawang kamay at nakita kong natawa si Crisostomo kaya tinaasan ko siya ng kilay "Anong tinatawa tawa mo dyan?"pagtataray ko at napailing iling lang siya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficción históricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...