Star's POV
Steven called me last night. He told me everything. He told me about Mandy's condition. Acute myleoid leukemia. Parang dinurog ang puso ko sa nalaman ko. Ipinapaliwanag pa ni Steven ang lahat pero parang wala na akong narinig na iba. Ang tanging tumatak sa utak ko ay ang sakit niyaat kung gaano katagal na lang namin siya makakasama. Five years. Mandy has only not more than five years to live.
Sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang paulit-ulit na pinigaan ng kalamansi ang puso ko. Bakit? Bakit kailangang kay Mandy mangyari ito? Bakit ang bestfriend ko pa? Bakit po kung sino pang mabait, siya pa po ang sinusubok ninyo? Napakadami kong tanong. Napakadami kong bakit. Gusto kong magalit kay Lord. Gusto ko siyang makausap. Magmamakaawa at makikiusap ako na sana panaginip lang ang lahat ng ito.
Nakatulog ako nang umiiyak. Paggising ko ay hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Tumunog ang cellphone ko at isang mensahe mula kay Steven ang aking natanggap.
"Star, kailan ka dadalaw dito? Hinahanap ka na ni Mandy. Baka bukas pa kasi kami makalabas dito sa ospital."
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si Mandy sa ganoong kalagayan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nagkita kami. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkausap kami. Ito ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Pinatay ko na din ang cellphone ko. Ayokong kausapin si Steven. Ayoko siyang kausapin dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Siguro naman ay matatanggap ko. Pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya ngayon.
Nakatulog na naman ako sa pag-iyak. Nagising ako nang may narinig na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Anak, may bisita ka."
"Nandito sa baba si CJ."**********
CJ's POV
Hindi ko macontact si Star buong araw. Hindi siya sumasagot sa mga text messages ko. Hindi din ma-contact ang number niya kapag tinatawagan ko ito. Akala ko ay napahimbing lang ang tulog niya. Pero hapon na ay wala pa din akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Labis akong nag-alala. Napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila upang kamustahin siya. Ano bang nangyari sa'yo, Star?
Pinatuloy ako ng mama niya at pinaupo sa sofa. Sabi ng mama niya ay buong araw daw na hindi bumaba si Star sa kwarto. Hindi pa daw ito nakain. Ayaw daw magpaistorbo. Ayaw daw ng kausap. Gusto daw mapag-isa. Lalo naman akong nag-alala. Ano kayang problema ni Star?
Lumundag naman ang puso ko sa saya nang makita siyang pababa ng hagdan. Akala ko kasi ay hindi niya ako haharapin. Mugto ang mga mata niya. Halatang galing siya sa pag-iyak. Pagang paga ang mga ito at mukhang magdamag at maghapon itong umiyak. Tumayo ako sa pagkakaupo habang papalapit siya sakin. Hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari.
Bigla niya akong niyakap. Ang higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Nagsimula na din siyang umiyak. Tinapik tapik ko ang likuran niya.
"Sige lang, Star. Iiyak mo. Iiyak mo hanggang maubos lahat ng sakit na nararamdaman mo." I comforted her.
Tanging iyak lamang ang naisagot sa akin ni Star. Ramdam ko na may matindi siyang pinagdadaanan. Nang mahimasmasan ay ikinuha ko siya ng tubig at pinainom. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata at hinawakan ang mga kamay nya.
"Ok ka na?" I asked her looking directly to her eyes. Umiling sya.
"Pwede mo bang i-share sa akin ang problema mo? Handa akong makinig." I asked her.

BINABASA MO ANG
Behind the Clouds (Published under Viva Books)
Teen FictionFriendship, love and everything in between. Can death separate two hearts that are destined to be together?