Tala
Ikay ang hirap abutin
Malayo ka sa akin
Kahit anong aking gawin
Di ka pa rin kayang sungkitinBakit ba kasi ang taas mo?
Ang layo mo tuloy sa gaya ko
Malamang sa malamang ayaw mo sa kin
Letche, ang hirap mong abutinAndami mong tagahanga
Isa lang ako sa kanila
Sikat na sikat ka
Samantalang ako walaGusti kitang kausapin
Ngunit ito'y kay hirap gawin
Gusto kitang lapitan
Ngunit ayoko nang makipagsiksikanNapakarami nang mga salita ko
Salitang nais sabihin say
Salitang pilit kong itinatago
Salitang di kayang banggitin sa harap moSana balang araw
Maging pantay na tayo
Nang akin nang maisigaw
Nararamdaman ko para sayo mahal ko
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala