-------
mag-aanim na buwan na simula ng una kitang makita
same time
same place
lagi kang nakatingin sa langit tapos bigla bigla na lang iiyak ka at titingin sa baba at hahagulgol
ewan ko ba kung bakit ka umiiyak. minsan naisip ko na baka may nagyaring masama, o baka naman bumagsak ka sa board exam, o di kaya nabuntis ka at di ka pinanagutan nung boyfriend mo,o siguro iniwan ka ng mahal mo.
minsan naisipan kong lapitan ka at tanungin kung bakit ka umiiyak kaso parang may pumipigil sa akin o di naman kaya eh wrong timing aalis ka na. nakapagtataka lang at parang nakita na kita dati sa isang lugar,puro puti lang at tayong dalawa lang ang nadoon. siguro ay panaginip ko lang iyon o imahinasyon.
-------
isang araw naisipan kong lapitan ka upang makilala na kita ngunit parang ayaw yata ng tadhana na makalapit ako sayo kasi ang dami mong kasama nung araw na iyon, lahat kayo ay malungkot na para bang nanghihinayang kayo, na para bang may nawala o nangiwan sa inyo.
nung paalis na yung mga kasama mo nagpaiwan ka sabi mo di ka muna uuwi kaya nag kalakas ako ng loob upang lapitan ka.. pagkalapit ko sa'yo ay narinig kong nagsasalita ka
"uyy, kamusta ka na?" sabay singhot at punas ng luha mo dun ko lang namalayan na umiiyak ka nanaman
"siguro okay ka lang jan noh?,walang problema, masaya" lumapit pa ako lalo at nakita kong nakayuko ka nanaman at nagpapahid ng luha.magsasalita sana ako nung nagsalita ka ulit
"alam mo ang daya mo* sniff* di mo manlang ako hinintay na magising,di ka man lang nagpaalam iniwan mo na lang ako bigla bigla ng walang pasabi nakakainis ka *sniff*nagulat naman daw ako sa sinabi niya,ako di nagpaalam sa kanya?? magkakilala ba kami??
"pero kahit ganon okay lang.alam kong di mo rin ginusto yung pag-alis mo ng walang paalam,kasalan ko rin naman kung bakit nawala ka eh..*sniff* alam mo miss na miss na kita,miss ka na namin *sniff* ang hirap paniwalaan na isang taon na pala.. akalain mo yun isang taon *sniff* di ka man lang nagparamdam o di kaya eh nagpakita,pero okay lang tanggap ko na, tanggap ko na na hindi ka na babalik at hindi na kailan mang babalik pa. nung una ang hirap tanggapin pero unti -unti ay nakakaya ko na ring tanggapin" gulong-gulo na ako sa mga pinagsasabi mo pero nagkikinig pa rin ako
"mahal kita, mahal na mahal na mahal kita candy ko" pagkatapos mong sabihin 'yon ay tumayo ka na at umalis. ang daya naman ni hindi nga ako nakapagsalita tapos umalis ka na. aalis na sana ako ng may nakakuha ng atensyon ko??
"Huh??" yumuko ako upang makita ko iyong puting tabla sa may damuhan
RIP
in loving memory of
Christian Francis C. Villafuerte
Born April 19, 19** Died August 06, 20**
"Ch-christan V-villafu-erte??" mautal-utal kong binigkas ang pangalang kailan ma'y hinding hndi ko makakalimutan.. "Pangalan ko 'to ahh"
*Flashback*
papunta kami nun sa probinsya nami, para bisitahin yung lolo at lola ko
"Candy malayo pa ba??" tanong sa akin ng Girlfriend ko,candy nga pala tawag niya sa akin. ewan ko nga kung bakit yun pa ang napili niyang endearment ehh
" Malayo pa baby"
"uhhm, pagod ka na ba??"
"medyo"
"gusto mo ako na mag-drive?" tinanggal niya yung seatbelt niya, magwawalong oras na kasi akong nagda-drive
"wag na baby,ako na"
"sigurado ka?"
"opo mahal ko" ngumiti naman siya sa akin
"oh ba't ka nakangiti?"
"ang gwapo mo kasi" sabay pisil niya sa cheeks ko
"aray baby bitaw na ,ang shakit" sabi ko sa kanya,ayun masunuring girlfriend naman siya at binitawan niya na yung mukha ko
"hmm i love you candy" bigla niyang sabi
" and i love you too babe" hinalikan niya ako sa may pisnge ko habang nagda-drive ako, di ko makita yung daan kasi natatakpan ng buhok ni yung mata ko
"ahh ehh baby ,teka lng hah di ko makita yung daan" sabi ko
"ayy sorry" tapos umupo na siya ng maayos
pagharap ko sa daan may bus na papunta sa direksyon namin. napakapit sa akin si Nica at halata mong natatakot siya ang lamig ng kamay eh. Salamat sa Diyos at nailagan ko ang bus na iyon,ngunit pagkabig ko sa steering wheel papuntang kanan eh na out of control ako pinipilit kong apakan yung break pero di siya gumagana.. wala na mahuhulog na ata kami sa bangin.tinanggal ko yung seatbelt ko at yinakap ng mahigpit si Nica na kasalukuyang umiiyak at nanginginig na sa takot
"shh nandito lang ako,i love you" yan ang huli kong nasabi bago nagpagulong gulong yung sasakyan namin sa bangin.
*End of Flashback*
naalala ko na ang nangyari, yung babaeng lagi kong nakikita dito ay ang girlfriend ko at itong lugar na lagi niyang pinupuntahan ay isang sementeryo.
Masakit mang isipin na hindi na kami ulit magkikita. Pero anong malay natin, sa kabilang buhay baka kami pa rin para sa isa't-isa.
----------
hope you liked it mehehehe ^_^v
Copyright 2014
xosyxo
BINABASA MO ANG
The Last "I love You"(One Shot)
Teen Fictionits hard to know that it would be "His Last I love you"