Chapter 26: Labyrinth of Beasts
Freya's Point of View
Ingay ng paligid ang sumalubong sa amin sa oras na lumabas kami sa lugar na iyon. Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, ang dalawang challenge na pinagdaanan ko.
Kagaya namin, nakalabas na rin ang ibang members ng bawat Parcel na sumuong sa first game. Pangiti-ngiti ang iba at ang iba naman ay nagyakapan dahil sa tagumpay ng kanilang Parcel. Hindi rin naman nawala ang iba na may pagkabahala sa maaring naging resulta ng first game lalo na ang nakuhang points.
“Congratulations guys!” bati sa amin ni Sabine sa oras na nakalapit na kami sa kanila. Kasama na rin niya ang another fifteen members ng Parcel. “I know you did a good job.”
Ngumiti ako kay Sabine, saka ko hinanap sa paligid si Ada. Hindi ko pa kasi siya nakikita sa kumpulan ng team Magma.
“Hindi ako sigurado,” malungkot na tugon ng babaeng kasama ko kanina sa laro. “Pasensya na guys, baka ako pa'ng maging dahilan ng pagbaba ng score natin.”
“Ano ka ba best, 'wag mo ngang sabihin 'yan,” hinawakan ng babae ang kanang braso ng kaibigan niya.
“Hindi eh, hindi ko kasi nasagutan nang tama ang tanong na binigay ni Cleopatra sa'kin,” kumunot ang noo ko sa binanggit niyang pangalan. 'Yong babae ba sa laro na nagbibigay ng tanong ang tinutukoy niya? Malamang! “Sobra lang naman talaga kasi akong na-tense, sorry talaga.”
“It's okay,” Sabine gave her a calming smile. “Alam kong ginawa n'yo ang best n'yo para sa Parcel natin.” Yumuko na lamang ang babae at parang down parin ito.
Somehow, naiintindihan ko ang babae. Mahirap naman talaga sa dibdib na ikaw ang maging dahilan ng pagkatalo ng team. And I was shocked for having that sympathy.
My heart skipped a beat as my eyes saw what it wanted to see — Ada. Hindi ko maiwasang ngumiti habang tinitignan siyang naglalakad palapit sa Parcel of Magma. Sinalubong sila ni Drake na bearer ng Magma Stone at siya ring team leader nila. Hindi parin nawala ang pagiging mahiyain ni Ada. Ilang segundo lang ay nakalabas na rin ang bawat members ng bawat Parcel.
“Good job everyone!” biglang natahimik ang lahat sa pagsasalita ni ma'am sa harap. “Ngayon ay ipapakita na namin ang points na nakuha n'yo sa first game.”
Tumingala kaming lahat dahil may lumitaw na parang screen ng laptop sa itaas, rectangular shape. Masyado itong malaki, at sa itaas na parte nito ay nakalinya ang bawat pangalan ng Parcel, horizontally.
| Magma | Crystal | Aqua |
| Weather | Earth | Wind |
Sa ibaba ng bawat pangalan ng parcel ay may image ng square at sa loob ng square ay may naka-encode na number, 00.
May tensyon sa paligid habang ang lahat ay nakatingala sa parang screen, naghihintay sa resulta. Nagsimulang lumitaw ang iba't-ibang numbers na kulay pula sa loob ng square. Na akaalain mong may raffle, habang sinasabayan naman ito ng tunog ng parang nagtatype sa keyboard.
It took a sound of confirmation for everyone to see the tally of points in each parcel. Nangunguna sa ingay at sigaw ang Parcel of Magma, nagtatalon sa saya. Kinain ng saya ang paligid.
“Not bad,” nakatingala parin ako sa itaas noong sinabi iyon ni Sabine at tinititigan ang score na naka-encode sa ibaba ng Parcel Name namin. “Thank you.”
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasiaAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___