A/N: Nasulat ko ang kwento na ito dahil sa joke na nabasa ko sa Facebook. XD sobrang inspiring no? Haha. Hope ma-enjoy niyo ang one shot ko. ;)
-
It's Chinese New Year. At dahil doon ay nandito ako ngayon sa Binondo para bumili ng tikoy. Pagkagaling sa opisina ay dito na ako dumeretso. Nakagawian na ng pamilya ko na kumain ng tikoy sa naturang okasyon kahit wala naman kaming dugong intsik. In fact it's my mom's request. So makakahindi ba ako?
Bumaba ako sa tapat nang tindahan ng tikoy na suki ko na, ang Mim Bao. Dito na ako bumibili dati pa. Nang matapos akong magbayad kay manong driver ng taxi ay pumunta na ako sa loob ng shop.
Dahil nga ngayon na mismo ang Chinese New Year ay expected ko nang makikipagsiksikan ako sa mga katulad long last minute buyer. Kung bakit naman kasi tinamad ako kahapon ehh.
Malaki ang shop ng Mim Bao. 2 palapag iyon na puro Chinese Delicacies ang tinitinda. Madami din itong branches at alam ko bukod doon ay may pagmamay-ari ding supermarket may-ari at pati na restaurant. Big time. Nabasa ko lang yan sa business section ng newspaper.
Pumunta na ako sa 2nd Floor kung saan mahahanap ang tikoy section. Nang makarating na ako sa estante na dati ko nang pinupuntahan ay wala doon ang mga tikoy.
Anak ng tikoy! Ubos na ba? Ganun na ba ako kahuli? Paano na ang Chinese New Year ng pamilya kong intsik na hilaw? Ohh no! Pagagalitan ako ni mama, kung sa ibang branch naman ako pupunta baka maabutan na ako ng closing. At hindi papayag ang nanay ko na sa ibang shop bumili. Iba kasi ang tikoy ng Mim Bao. In fact sa sarap ng tikoy nila in-demand iyon sa kanila all year round.
No it can't be! Naghanap ako ng staff na pwede mag assist sa akin, by hook or by crook kailangang may maiuwi akong tikoy!
Nagpalinga linga ako sa paligid. Lahat ng staff nila ay abala sa pag aassist ng mga katulad kong customer. Nang mahagip ng mata ko ang bulto ng isang matangkad na lalaki. Nakauniform din siya ng Mim Bao pero black ang sa kanya taliwas sa kulay ng mga staff na kulay banjolet (violet). Baka supervisor nila. No choice siya na lang tutal nagtatrabaho din naman siya dito.
Hindi na ako nag-atubili pa at nilapitan ko siya.
"Excuse me-"
Natagilan ako sa pagsasalita nang humarap siya sa akin. Parang nag play sa utak ko ang kanta ni Yeng Constantino na Chinito.
Ang gwapo naman ng nilalang na ito. Para siyang Greek god. Este Chinese god kasi singkit. Ehh si Buddha lang naman ang Chinese god 'diba? Mali erase! Ang hunk ng lalaki na ito. Malayo siyang matawag na Buddha. Ang puti niya. Tipong kahit ata pawisan ay mabango pa din. Siya yung tipo na parang walang karapatan maging mabaho at dugyot. Aside from his chinky eyes, pointed nose and pinkish lips ay matangkad ito. Ohh la la!
"Miss can I help you?" Nakangiti niyang sabi. Na nagpaputol ng madaldal kong utak sa pag-aanalyze sa kanya.
Ang manly ng voice emerghed!
"Ahh ehh t-ti t-ti..."
"Ang bastos naman nung babae!" Narinig kong sabi ng ginang sa kaliwa ko na agad kong ikinalingon. Tinakpan niya pa ang tainga ng batang kasama niya.
Pinamulahan naman ako ng mukha. I mentally kicked myself for acting beyond stupid. Daig ok pa ang teen ager na ngayon lang nagkacrush sa inasal ko.
"No what I mean is I can't find any tikoy. I really need to buy kung hindi ay baka hindi ako invited sa sariling selebrasyon ng pamilya ko para sa Chinese New Year. Wala na kasi dun sa dati kong pinupuntahan na section." Mahabang paliwanag ko.
Tila amuse na amuse naman siya sa akin. Nakangiti siya ng matamis nang magsalita.
"Ohh actually nalipat lang yung section ng tikoy. 2 section na kasi ang inokupa namin since alam namin na mas tataas ang demand ngayong holiday. Halika ituturo ko sa'yo." At iginiya niya ako sa 1st floor.
Nakita ko ang tikoy na inaasam-asam ko. Ang dami pala dito sa baba, hindi ko napansin kanina dahil dumeretso ako kaagad sa itaas.
Humarap ako kay kuyang pogi. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya.
"Yes! Invited na uli ako sa celebration namin mamaya. Thank youuuu!" Sabi ko pa at pinakawalan ko na siya sa pagkakayakap. Tila doon ko lang na realize ang ginawa ko.
"Naku pasensya ka na kuya! Na-excite lang ako ng sobra. Akala ko kasi talaga ubos na eh." Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos kaya naman yumuko na lang ako.
"Haha ok lang yan. Matutuwa ang parents ko dahil sa kwento mo. They will be happy na marinig na may isang pamilya ang masaya dahil sa tikoy nila." Nakangiti niyang sabi. Nagulat na naman ako.
"Err. Kayo ang may-ari nito?" Namimilog ang matang tanong ko.
"Yes, I'm Adam nga pala, and your name please?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman yun bigla.
"I'm Eve. E-este Pauline." And ayun, humagalpak siya ng tawa. Haaays. Kotang kota na ako sa kahihiyan sa araw na ito. Baka isipin niya aanga-anga talaga ako.
Dahil dun ay tinalikuran ko na siya, at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpili ng flavor ng tikoy. Mahirap na baka madagdagan pa sa score board ang kahihiyan ko.
Madaming flavor ang tikoy dito. Vanilla, chocolate, strawberry, ube, buko pandan, cheese at syempre ang classic flavor. Pinili ko ang classic, ube at chocolate. Yun kasi ang paborito namin sa bahay.
Deretso na ako sa counter para magbayad. Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Na-MTRCB pa ako nung ale, nakakahiya talaga.
Finally after 10 minutes it's my turn to pay. Nagbayad na ako at iniabot naman sa akin nung lalaking taga-ayos ng pinamili ang tikoy ko. Pero nagulat ako nang 10 kahon ang iniabot sa akin.
"Naku kuya mali. 3 kahon lang ang binili ko. Baka po bayaran niyo yan, naku kuya mag-ingat ka. Sayang naman ang kaltas sa sasahurin mo." Protesta ko.
Laking gulat ko nang ibalik pa sa akin ng cashier ang perang ibinayad ko. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya na ako.
"Ma'am sabi po ni sir siya na daw po ang bahala sa mga yan. At kung gusto niyo pa daw dagdagan ng tikoy o kahit daw po ubusin niyo na ang paninda sa shop basta po pumayag kayong makipagdate sa kanya." Nakangiting announce nitong kilig na kilig pa na naging dahilan para magtilian ang mga customer. Mapa bagets at forgets kinikilig!
Hinanap ng mata ko ang pasaway niyang amo at nakita ko naman siya agad. Nakangiti siya habang nakatayo sa gilid, halos ilang hakbang lang mula sa akin.
At napangiti din ako. Dahil alam ko naman ang isasagot ko.
* The end
Sana nagustuhan niyo. Super Throwback ng Chinese New Year to. Blame it on the tikoy joke sa FB. :D
.