NERRY CARANDANG
DAY ONE - TUESDAY
@3:21PMKUMUHA NG juice sina Cha at Rich sa kusina nang sabihan sila ni Ar na magtimpla para sa aming bisita at para narin sa'min. Sinong bisita? Wala nang iba pa kun'di ang landlord nitong bahay ng mga Clemente. Si Mang Manuel. 'Yun din kasi ang sinabi ni Mang Manuel na tawagin namin sa kaniya.
Kasalukuyan siyang nandoon sa loob ng laundry; mayroon siyang inaasikaso. Nang matapos kumuha ng snacks at grape juice sina Cha, inilapag nila ito rito isa pang table na kinuha nina Ferdi sa itaas ng bahay. Itinabi nila ito rito sa gitna ng lamesang pinapatungan nitong mga laptop ni Ferdi.
"Pre, okay naman ba ang mga laptop? 'Sensya na, ikaw na lahat ang nag-asikaso." sabi ni Ferdi kay Nico na nasa aking tabi. Gaya ng posisyon namin, pinaggigitnaan nila ako. Ewan ko ba, pero ito narin ang nakasanayan naming puwesto.
"My pleasure. Tumutulong lang ako." tipid na sagot ni Nico habang nagtitipa parin sa isang laptop ng aming documentary. Lumapit sa'kin si Nico at inilapit ang kaniyang mukha sa direksyon ni Ferdi. Nailayo ko ng madalian ang mukha ko dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. May sinabi siya kay Ferdi na hindi ko na narinig pa dahil sa kabusy-han kong pagpasdan ang mukha niya. Kitang kita ko ang maliit na taling ni Nico sa ibaba ng kaniyang mata at sa ilalim ng kaniyang labi. Bagay na bagay 'yon sa kaniya.
"Baka ako matunaw, tama na ang pagtitig."
Agad kong naiiwas ang paningin ko kay Nico nang magsalita siya. Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Sakto namang napadako ang mata ko sa direksyon ni Alvin sa kabilang couch. Magkakatabi sila ni Cha, Rich, siya, at si Leo. Dahil maliit lang naman ang espasyo ng sakop ng dalawang babae, nagkasya silang apat sa couch na 'yon. Si Ar nama'y nakaupo sa dati nitong puwesto sa aming harapan. Bakante ang puwesto ni Leo roon sa single couch dahil doon namin papaupuin si Mang Manuel mamaya.
"Iinterview-hin niyo ba si Manong?" tanong ni Rich sa amin. Kumuha siya ng crackling snack sa lamesa at bumalik din siya kaagad sa kaniyang puwesto sa tabi ni Alvin na kanina pang nagbi-video sa amin.
"Oo, tatanungin natin siya kung alam ba niya ang nangyari sa bahay na 'to noon. Kayo, puwede rin kayong magtanong ng gusto niyong itanong." sagot ni Ar. Kumuha ako ng baso sa lamesa at sinalinan 'yon ng grape juice.
"Kung papayag siyang ibi-video natin siya, mas maganda." sabi ni Alvin.
Inintay namin si Mang Manuel na matapos sa ginagawa niya rin sa may laundry. Ilang minuto ang lumipas at umupo narin siya sa bakanteng couch. Nagpasalamat siya sa'ming lahat.
Kayumanggi pero may itsura si Mang Manuel kahit may edad na. Base sa paglakad niya at sa kaniyang ambiance, mukhang galing siya sa isang may kayang pamilya. Hindi ko lang kung mayaman ba siya ngayon o noon. Nakasimpleng t-shirt lang si Mang manuel at nakapantalon pero ang lakas na ng dating niya. Para ngang bahay niya 'to eh, at hindi siya ang landlord.
"Landlord ba talaga siya?" bulong na tanong ni Ferdi sa aking tabi. Napansin niya rin siguro na kakaiba ang ambiance ni Mang Manuel. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Inilapag ko ang baso ko sa lamesa.
"Oo, siya ang landlord." bulong kong tugon sa kaniya. Tumahimik na kaming dalawa nang magsalita na si Ar.
"Good afternoon po, Sir.," panimula ng aming lider. Tipid lang na ngumiti si Mang Manuel kaya sandali kong nakita ang kaniyang maputing ngipin. Matikas din siyang umupo.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalneDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...