NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@4:14AMTAHIMIK ANG BUONG kabahayan maging ang itaas ng bahay ng ganitong oras at kami lang tatlo nina Ferdi at Leo ang nagbibigay buhay ngayon sa bahay. Mabilis ang ginagawang pagtitipa ni Ferdi sa isang laptop habang panay naman ang ismid ni Leo kapag natatalo siya sa larong nilalaro niya sa kaniyang phone. Ako? Nanunuod lang sa kanila habang paunti-unting hinihigop ang gatas na malamig na sa aking mug. Naiwan ko sa itaas ang phone ko at tinatamad na akong umakyat pa para kunin 'yon. Unfortunately, mukhang mahimbing ang tulog ng iba pa naming mga ka-grupo. Mabuti. Hindi nila alam na may ginagawa kaming pangha-hack sa isang disturbing site.
Sandali akong tinapunan ng tingin ni Leo bago niya uli ituon ang mga mata niya sa kaniyang phone. "Okay na ba paa mo?" tanong niya. Pumuno ang boses niya sa buong sala. Nakuha namin ang atensyon ni Ferdi na kanina pang walang imik at nakatuon lang ang pansin sa ginagawa.
Ngumiti ako, "Oo, hindi na masakit. Naiilakad ko na ng maayos." sabi ko.
"Napansin ko nga kanina." sabi niya, "May kapatid ka ba?"
Agad na lumapad ang ngiti ko nang maalala si Basty. Nakikita ko ngayon sa isip ko na mahimbing na ang tulog niya sa amin. "Oo, si Basty. Ten na siya, siya ang bunso." sagot ko.
"Ako, wala akong kapatid." sabi naman ni Leo. Tumaas ang dalawa kong kilay sa nakuhang impormasyon sa kaniya. Base sa mukha niya, mukhang malungot siya na nag-iisa siya. Napatingin ako kay Ferdi nang mapansing napatigil siya sa ginagawa; isinandal niya ang likuran niya sa couch at bumuntong hininga ng malalim.
"Ako rin. It's sad and good at the same time. Pero, nangingibabaw ang lungkot."
"Me too. It sucks. Kapag umuuwi ka ng bahay, wala ka manlang makikitang ibang mukha kung 'di mga magulang mo. Sila lang. Walang kapatid, walang kahit na ano." Ibinaba ni Leo ang phone niya sa kaniyang lap at tiningnan kaming dalawa ni Ferdi na kasama niya. Hindi ako makahagilap ng tamang isasagot sa sinabi nila. Ito ang unang beses na may magopen up sa akin na lalaki at dalawa pa sila ngayon. I can sense the sadness on their faces. And more on their voices too.
Ngumiti ako ng tipid sa kanila, "Well, reality sucks after all." sabi ko na lamang na hindi ko inaasahang ikakatawa nila ng malakas. Mabuti na 'yun, na napatawa ko sila. Na-break ko na ang record na may napatawa na akong ibang lalaki bukod kay Basty at Papa. Nice Nerry.
"By the way, how's the hackin' progress?" Umalis si Leo sa inuupuan niyang single couch at umupo sa space sa gitna namin ni Ferdi. Naamoy ko ang natural niyang bango; amoy lalaki. Pero in a nice smell of way. Yumuko siya ng bahagya at tiningnan ang ginagawang code ni Ferdi sa isang browser. Ewan, hindi ko alam ang ginagawa niya kahit pa IT din ako.
"We're 11% on 100 hacking percent progress." sagot naman ni Ferdi na nakatapat na ulit sa isa sa mga laptop. Itim ang dalawang laptop at pareho ang tatak ng mga ito. Pero mas upgraded ang model nung ginagamit ni Ferdi. Rinig ko ang mga malilit na fan sa loob ng mga ito para iwas overheat. Nakalapag ang mahahaba nilang wire papunta sa saksakan nito sa likod ng couch nina Alvin at Rich. Naalala ko silang dalawa; mabuti nalang at hindi sila ang nagsama sa isang kwarto.
"Nice, nice. May progreso." sabi ni Leo. Humarap siya sa 'kin at pinakita ang phone niya na nakaopen ang isang racing game. Napatingin ako sa kaniya.
"Laruin mo nga 'yung level 72, Ner."
Napangisi ako nang kunin ko ang phone niya. Katulad 'to ng mga games sa control game room ni Basty. More on racing games ang nilalaro niya. Mukhang sisiw lang 'to sa 'kin. May pamagat na Racing Grace ang larong 'to at nasa mataas na level na nga si Leo. Inopen ko ang level na 'yon at nalaman kong hindi pala puwedeng magproceed sa sunod na level kapag hindi ka nanalo sa nakaraang level.
Kinuha ni Leo ang pinggan na nasa lap ko at inilagay iyon sa bakanteng space sa lamesa. Agad na nagsimula ang laro at nanuod kaagad siya. Napamura siya nang malampasan ko ang nasa unahan kong race car na may kulay na berde. "Damn! Pinagsabay mo 'yung dalawang pocket turbo. Nice." sabi ni Leo sa tabi ko nang makita niya ang ginawa ko. "Naglalaro ka ba niyan?!" excited niyang tanong. Tumango-tango lang ako.
"Ano pang mga racing ang alam mo?"
"Cool 'yung Danny Racing sa computer. Tapos mayro'n ding race na laro sa walkthrough, 'yung RACE 1 to 3 ng World of Games developer." excited kon sagot kay Leo. Namangha siya sa sinagot ko at pagkatapos ay binigkas niya ng paulit-ulit 'yung mga sinabi kong laro para matandaan niya.
"Hey, you too."
Saktong nanalo ako sa level 72 ng Racing Grace nang tawagin kaming dalawa ni Ferdi. Ibinigay ko ang phone pabalik kay Leo at hinarap namin si Ferdi.
"Bakit?" agad na tanong ni Leo.
Humalumbaba si Ferdi habang nakapatong sa kanan niyang tuhod ang kaniyang siko, "There's blockin me to hack •Rec." nanlulumong sabi ni Ferdi. Nakatingin siya sa laptop na nasa isa nang page na puro green ang screen. Maliliit ang mga words and numbers na nandodoon. Nanliliit pati ang dalawa kong mata.
"What's the problem?" tanong ni Ferdi.
"There's a shield called Rec Belt na hindi ko ma-access. Damn!" napahampas sa tuhod niya si Ferdi kaya medyo nagulat ako. Mukha siyang disappointed na disappointed dahil ro'n. Ewan, siguro, dahil hacker siya at kapag may humaharang sa kaniya para gawin ang gagawin niya, naiinis siya.
"Pero kaya mong gawan ng paraan?" Leo's voice is so calm and convincing. Talagang hindi mo mari-realize na si Leo itong nagsasalita ngayon at kasama namin. Napatingin sa amin si Ferdi at napasandal sa couch. Bumalik si Leo sa inuupuan niya kanina kaya naiwan kaming dalawa ni Ferdi rito sa aming sofa. Lumapit ang tingin sa 'ming dalawa ni Ferdi.
"You can?" ako naman ang nagtanong.
Ngumisi siya, "Yes, I can. Pero in one condition."
"Ano?" si Leo.
Hinarap ako ni Ferdi, "Igagawa mo ako na masarap na breakfast o mas mabuting ikaw nalang ang magluto ngayong araw."
Napaismid ako. Seryoso ba siya? Ganun nalang ba kasarap ang luto ko para sa kanila? Napafacepalm ako.
BINABASA MO ANG
Six Days of Horror
ParanormalDahil may subject na Paranormal 101 sina Nerry sa course niyang Information Tech, wala silang choice kung 'di gawin ang finals nilang Paranormal Activity. Nagkaroon ng limang groupings ang section nila at napasama si Nerry sa Group 5 kasama ang lide...