Alaala

14 0 0
                                    


Hi  I'm Happy Eireen C. Montero, call center agent sa gabi, anak sa mga magulang ko, kapatid sa mga kapatid ko at tita sa nag-iisa kong pamangking napakacute.  Simpleng babae, I'm 25 years old nakatira sa secret hehehe.  I've been a call center agent for 5 years now.  Boring ang buhay ko trabaho, bahay, tulog, kain, internet repeat.  Ang pangarap ko, simple lang, ayokong yumaman, ayoko ng magarang bahay, ayoko ng magagarag sasakyan, ayoko ng gwapong jowa, in short ayoko ng mga fancy na bagay.  Simple  lang ang gusto ko, maging masaya.  Gusto ko makatapos yung bunso namin, gusto kong maayos na bahay para sa mga magulang ko, gusto ko maibigay ko lahat ng gusto nila.  Madalas kong sinasabi na makatapos lang yung kapatid ko kahit di na ko magkajowa gora lang.  Kung tatanungin nyo ko kung gusto kong tumandang dalaga, NO ayoko, ayokong tumanda mag-isa, pero sabi nga sanayan lang.  Sanay na ko, single ako for 6 years now, bakit? di ko din alam, charing, may hinihintay ako.  


Sasabihin nanaman nilang tanga ko, and yes I'am I'm waiting for him for 5 years now, bakit? simple lang, mahal ko sya ng sobra sobra.  Tanga? ilang beses  ko ng narinig yan, aware na aware ako sa kung anong pwedeng mangyari, na baka wala na pala kong hinihintay, na baka mag-isa nalang akong nagmamahal, na baka maiwan akong mag-isa.  Well wala naman akong pakielam, charot syempre meron, binobola ko lang sarili ko na wala pero meron talaga.  Sa totoo lang nakakatakot na bukas pagising ko ako nalang mag-isa, baka mahal mo na  sya.  Wala naman akong magagawa diba? Sino ba ko?  Ako lang naman yung babaeng sinabihan mo na mahal na mahal mo, yung babaeng sabi mo pakakasalan mo, yung babaeng sabi mo di mo kayang mawala.  Pero asan ka ba? Ikaw nga  tong nawala.


Ngayon palang gusto ko ng humingi ng pasensya, di ko na kase  alam kung kaya ko pa, na makita kang masaya sa piling ng iba.  Mahal kita pero masakit na.  Mahal kita pero sobra na ata. Itigil ko na kaya?


Sino bang niloko ko, kahit naman anong mangyare maghihiintay parin naman ako.  OO takot akong mag-isa, pero mas takot akong may kasama nga ako pero hindi naman ikaw.  Hanggang saan kaya ang katangahan ni Happy?  Hindi ko alam, I guess we will never knw our limits until we reach it.  Siguro sobrang layo pa ng limitasyon ko kase mahal na mahal pa kita Howard Reyes.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Istorya ng Broken HeartedWhere stories live. Discover now