Chapater 24
Matapos ang klase ko ay dumeretso na ako kila Ivan. Nandito naman kami ngayon ni Ivan sa kwarto niya, nakaupo habang nakatitig sa mga librong nakalapag sa harapan ko. Oo magrereview kami ngayon. Nakatingin lang siya saakin habang nakapag cross arm na halaang alatang naiinis siya, hindi man lang siya nagsasalita, nakatingin lang siya saakin.
"Are you happy now?"
Inangat ko naman ang ako ulo ko para tignan siya, ganun parin siya nakapag cross arm. Nakakainis naman kase!
"E hindi ko rin naman ito gusto e."
Sagot ko naman sa kanya at sinumulan buklatin yung mga librong nasa harapan ko. Aba kung ayaw niya edi wag! Hindi naman ako namimilit e.
"Edi sana nung una palang tumanggi kana."
"Tumanggi naman ako e, bakit may nangyari ba? Wala naman diba? Pinipilit parin nila na itutor mo ako."
Huminga naman siya ng malalim. Oo, tumangi naman ako kila Tita na hindi nalang ako magpapatutor kay Ivan, e kaso mapalit sila Tita, kaya hindi kinaya ng powers ko yung pagtanggi. Nakita ko namang kinuha ni Ivan yung isang libro at binuklat ito.
"Ano bang hindi mo maintindihan dito?"
Hindi ako sumagot at nanatiling nakaupo. Dahan dahan ay kinukuha ko yung mga gamit ko at nagsisimulang iligpit ito. Mas gusto ko pang magreview mag-isa, kase sa araw araw na ganito, aawayin niya ako. Kung ayaw niya naman, okay lang e. Ako nalang ang magrereview mag-isa. Kaya ko naman.
"Ayos lang naman saakin kung ayaw mo, ayaw ko rin naman kase na araw araw magiging ganito ang sitwasyon nating dalawa. Kung napipilitan ka lang itigil na natin ito. Sige na aalis na ako."
Tumayo naman ako at aakmang lalabas na sa kwarto niya pero bigla ako natigilan sa sinabi niya.
"Sinong nagsabing ayaw ko?" Tapos tumingin naman siya saakin. "May narinig ka bang sinabi kong ayaw ko? Wala diba, tinanong lang kita ng isang tanong, masay ka ba ngayon? sinagot mo ako ng hindi konektado sa tanong ko ang sagot mo hindi mo ito ginusto, dahil sa nakakapikon ang sagot mo" Tapos nagsmirk naman siya "Sinagot narin kita ng nakakapikon. So equal naman tayo doon diba? Bumalik ka sa pagkakaupo kung ayaw mong bumagsak. Upo na dali."
Ano ako dito? Aso niya? Aawayin niya tapos bigla niyang babawiin? Aba! Anong akala niya sa sarili niya BOSS KO SIYA?! Isa pa, ayan nanaman yung kapag siya ang nagsasalita napapatikom ang bibig ko, oo na siya na yung laging tama! Hindi ko kase alam ano ang isasagot ko sa kanya, yung mga sinsabi niya kase, para bang tanong na walang sagot. Pero nakakainis parin siya, hindi niya manlang iniisip yung nararamdaman ko.
Hindi parin ako umuupo. Hinhintay kong magsorry siya saakin.Tinitignan ko lang siya habang binabasa yung libro na nass harapan niya
"Hindi ka pa ba uupo? Ayah."
Nakatingin lang ako sa kanya, kalmado lang ang boses niya. Huminga naman siya ng malalim at tumingin saakin.
"Okay, sorry na. Umupo kana."
Sasabihin niya rin naman pala e. Naupo naman ako agad. Huminga naman siya ng malalim, maya maya pa ay nagsimula na siyang magsalita ng magsalita, itinuro niya naman saakin lahat lahat ng hindi ko alam. Halos lahat na ay itinuro niya saakin, yung iba hindi ko na maalala, haler! sa sobrang dami, kaya ko kaya alalahanin lahat? Robot lang e no? Naintindihan ko naman kahit papaano yung iba, ang galing niyang tumuro, para siyang teacher. Maya maya pa, natapos narin siyang turuan ako.
*Kriiiiing*
Sabay naman kaming napatingin sa cellphone ni Ivan ng tumunog ito. Agad niya naman sinagot.
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Fiksi RemajaOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )