JAKE’s POV
Ang saya ko ngayon kase sinagot na ako ni Aisha. Siguro 3rd year kami noon nung umpisa ko siyang ligawan. Kaso ang alam ko nun kaka-break pa lang nila ng boyfriend niya kaya ang hirap diskartehan tsaka sobrang sungit AT mapili sa lalaki. Pero tingnan mo nga naman pag sinu-swerte ka. Ako na ang boyfriend niya ngayon. Nabaliwala yung 2 taon kong paghihintay nung sagutin niya ako kanina.
Yun nga lang hindi kami nagkapareho ng University na pinapasukan. Gusto kase ng magulang niya yung malapit lang daw dun sa bahay nila yung school niya. Pero ayos lang, mabibisita ko pa rin naman siya sa bahay nila. At kung may pagkakataon pwede rin kami lumabas tuwing weekends. And one more thing, may tiwala naman kami sa isa’t-isa.
“Bebe? Naalala mo pa ba nun nung una tayong nagkakilala?” Tanong ni Aisha habang naka-lingkis sa braso ko.
Oo nga pala no! Bigla kong naalala yung mga panahon na bago pa lang kami nagkakakilanlan. Nakakatawa pa nga yun eh. Highschool graduation kasi namin nun tapos nasa stage si Aisha. Binibigyan siya ng award then kumaway siya sa may gawi kung saan ako nakaupo. Kinawayan ko naman. Kala ko kase ako eh. Yun pala yung mga kaibigan niya na nasa likod ko.
Inasar tuloy ako ng mga tropa ko. Eh medyo nainis ako sa mga panunukso nila kaya nasabi ko na lang na “Di pre. Mapapasagot ko yan hintayin niyo lang.”
“Oo naman. ‘Di ko makakalimutan yun.” Sagot ko sa kanya na medyo natatawa pa ako.
“HAHAH assuming ka kase.” Sabi ni Aisha pagkatapos kurutin yung ilong ko.
----------------------------------------------
“Eh sino daw yung kasama mo kanina?” Tanong ni Aisha na halatang nagdududa.
“Ah yun? Kaklase ko yun. Pumunta kase kami sa mall may binili lang.” Sagot ko sa kanya ng maayos.
“Kung hindi pa magtetext sa akin yung kaibigan mo ‘di ko pa malalaman.” Sabi niya sa akin tapos nagwalk out.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Maayos naman kami sa mga unang buwan na magkasama kami pero ngayon iba na yung ugali. Ang hilig pa magwalk out. Kahit minsan hindi niya pinapakinggan yung gusto kong sabihin o ipaliwanag. Ayaw ko sanang isipin pero talagang may attitude siya. SOBRANG selosa pa. Pati mga katropa ko na kilala siya, napapansin na yung ugali niya. Sa una lang daw mabait. Pero dahil nga mahal ko siya, hindi na lang ako nakikinig sa mga katropa ko.
-----------------------------
Lumipas ang anim na buwan, paulit ulit lang ang mga nangyayari. Puro na lang kami away at bati. Tapos ako lagi yung sumusuyo sa kanya. Kahit siya may kasalanan, Sige! Ako pa din ang parang may kasalanan. Hay nako naguguluhan na talaga ako. Hindi ko nga alam kung mahal ko pa ba siya eh.
“Excuse me!” Sabi nung babaeng nasa harapan ko na sumira sa pagiisip ko.
“Bakit?” Sagot ko sa kanya na may pagka masungit. Kainis kase naantala yung iniisip ko.
“HUH? Ikaw pa may gana magsungit eh ikaw itong nakaharang sa daanan.” Sabi niya habang nakataas pa ang isang kilay. Pero maganda siya ha.
“Ah-Eh So-Sorry!” Napayuko na lang ako nung namalayan kong nakaharang pala ako sa pinto ng library.
“Hmmp!!” Pagsusungit ni ate. Sabay pasok sa library.
Ang taray naman nun. Dagdag pa sa problema ko. Pero bakit ko nga ba isasama yun sa problema ko. Ay ewan ko! Kung saan saan na tuloy napunta yung iniisip ko.