Chapter Eleven
Zai Monster's POV
"Gumising ka na!" Sabi ko at niyugyog sya para magising.
"Ano ba Zai..." inaantok ko pa nyang sabi.
Ang kulit naman nitong si Uto-uto. -_-
"Linggo ngayon..samahan mo ako uto-uto!"
"Mamaya na.."
The heck ~.~ at nagtalukbong pa ng kumot.
Dahil dun hinila ko yung kumot kaso nagtaklob naman ng unan. Shet naman oh!
"Di kapa babangon? Hahalikan kita dyan." Pananakot ko sa kanya.
"Ge lang..inaantok pa ako Zai..."
Hinahamon talaga ako ng babaeng ito -_-.
Akala ba nya di ko kayang gawin?
Inalis ko yung unan sa ulo nya at ginawa na ang aking plano >:).
'Wag mong sabihing...h-hindi basta bagay yun..." sabi nya kasabay ang panlalaki ng kanyang mata.
"Ang kulit mo kasi eh. Sabi ko naman sayo hahalikan kita kapag di ka pa bumangon dyan." Pang-aasar ko sa kanya.
Pero kahit mukhang gusgusin at di man lang nag-aayos ng itura ang babaeng ito...di naman pala dry ang mga labi nya kundi malambot at mapula.
Teka.. ano ba yang pinag-iisip ko.
Tuloy-tuloy nalang ako sa pang-aasar kay Uto-uto ng biglang umepal si Reus.
"Ang ingay -_-" sabi nya at umalis na kaagad.
Kung di ko alam...palagi syang dumadaan dito tuwing umaga para tingnan si Uto-uto.
Kahit anong gawin nya di na mababalik yung dati. Hindi naman si Uto-uto si M--
"Ikaw kasi..yan nagalit si Reus. Masungit pa naman yon -,-". Nakinig ko namang sabi ni Uto-uto.
"'Wag mong pansinin yon. Tumayo ka na dyan at magbihis. Sasamahan mo pa ako."
Ang daming tanong ni Uto-uto kaya sinabi kong date yun at umalis na sa kwarto nya. Bahala sya kung ano ang gusto nyang isipin. Hahaha.
***
Kristen’s POV
DATE?!
Ano bang meron kay Zai?
Pero date daw sabi nya. Ano bang ginagawa sa date? Kumakain sa labas? Naggagala sa park? Kapit kamay sa paglalakad? Sweet sa isa’t isa?
Teka iba na yata ang iniisip ko ah >w< Graaabbee!!! Di ko dapat masyadong pine-personal ito.
Baka magpapasama lang sya sa tabi tabi.
Kesa mabaliw ako sa kakaisip ng mga bagay na dapat ay di ko naman iniisip at bakit ko ba iniisip dahil wala namang kwenta yung iniisip ko na parang nakalimutan ko na nga kung ano ba iyon na kakaisip ko palang kanina…waaaaahhh!!
Tama na nga! ><
Pagkakatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako.
“Nagpaganda ka talaga ha? hahaha”
Nang-aasar na naman to -_-.
“Di ako nagpaganda.”
Nakita ko naman si Reus na nasa sala at naglalaro sa tab nya.
Nakakain na kaya sya ng agahan?
“Reus kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.
“Sa tingin mo? -_- ” ang sungit talaga.
“Bakit sya lang tinatanong mo?”
Napatingin naman ako kay Zai dahil sa tanong nya.
“Ha?”
“Sa tingin mo ako nakakain na rin? At tsaka si Reus lang ba ang tao rito?”
Aba bigla nalang nagwalk out. Ang hilig talaga nitong magwalk out. May topak na naman..hays :|
Nagluto nalang ako ng bacon at kanin para kay Reus. Pagkatapos ay umalis na ako.
“Nasan na kaya si Zai?”
Nasa may garden kasi ako ngayon. Wala naman sya sa may gate o kaya sa garahe.
Di kaya iniwan na nya ako? Nagbihis pa naman ako tapos mang-iiwan lang sya? -_-
“Uto-uto!”
Sigaw sa akin ni Zai. Naroon sya sa may swing. May dalawang duyan na magkatabi kasi sa garden nila.
Pero imbis na nakaupo sya sa swing…dun sya nakaupo sa tapat nito.
“Oh bakit dyan ka nakaupo?” tanong ko.
“Kasi gutom na ako.” Sabi nya at ngumuso.
Ge..anong relate ng pag-upo nya roon sa pagiging gutom nya.
“Oh…” at inabutan ko sya ng tatlong layer ng tasty na may bacon.
“Di ba gutom ka na? oh..” tuloy ko pa.
Kinuha naman nya yung sandwich at nilantakan na. Gutom talaga sya.. sabagay 10 am na kasi.
“San nga pala tayo pupunta?” tanong ko ulit sa kanya.
“Ay oo nga!”
Bilis bilis nyang inubos yung sandwich at hinatak na ako papunta sa motor nya.
“Isuot mo to.” Sabi nya.
“Teka! Baka matuluyan na tayo nyan ha? Mag-jeep nalang tayo” sabi ko.
Kasi naman naaalala ko yung hinatid nya ako sa coffee shop. Feeling ko na trauma ako.
“Wala ng oras. Baka di na tayo umabot.” Halatang halata na nagmamadali sya.
Buti nalang medyo mahabang bistida ang nasuot ko.
Saan kaya talaga kami pupunta at ganyan ang pagmamadali nya?
BINABASA MO ANG
Babysitting Monsters (ON-HOLD)
Teen FictionWHOOOO! Kilig at kulitan!! Basahin nyo nalang wahahaha xD