Dedicated to: BarbieBeca_14
I dedicate this to you, dahil nagpost ka pa talaga sa wall ko para sa part 2 nung Dear Mr. Paper. Ahihi, natutuwa lang ako XD ^^
**********************************************
Hey Ms. Writer (Dear Mr. Paper Sequel)
April2014 (c)KaiRynafrvr
"Sana makilala kita."
Kasalukuyan kong dinu-drawing si Sabrina habang paulit-ulit na tumatakbo ang mga salitang 'yon sa isipan ko.
Vincent Cruz nga pala. Vince ang tawag ng lahat sakin. At ako si Mr. Paper.
Ilang buwan narin ang nakalipas simula nang nagsulatan kami ni Sabrina/Ms. Writer. Siya ang babaeng tinutukoy ko sa huling sulat ko sa kanya. Siya rin ang babaeng ilang taon nang namamalagi sa puso ko at wala akong balak paalisin siya rito.
Napailing na lang ako sa taglay kong kacornyhan. Well sa term ni Jaycee, kabaklaan.
"Hoy Vince! May sasabihin ako." Kapapasok palang ni Jaycee sa classroom namin.
"Ano yon?" Umupo siya sa tabi ng upuan ko.
"Balak kong ligawan si Sabrina." Nagulat ako sa sinabi niya.
"May bago ka namang pagtri-tripan." Pinilit kong sumagot ng walang buhay, kunwari wala akong pakialam. Kahit ang totoo, gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. Bakit? Torpe ko kasi.
"Haha, nakakasawa na kasi si Pamela. Interested ako ngayon kay Sabrina. Ganda pala nun!"
Napakunot noo ako sa narinig pero hindi nalang ako nagreact. Maganda talaga si Sabrina, matagal na.
"Bahala ka."
Kaibigan ko si Jaycee kaya open kaming dalawa lalo na sa buhay pagibig. Alam niya na nagsusulatan kaming dalawa ni Sabrina. Kilala niyang ito si Ms. Writer pero hindi niya naman iyon iniintindi.
Maloko si Jaycee kaya lapitin ng maraming babae. Masaya siya kasama. Ako naman ang kabaliktaran niya. Pero kahit kailan, hindi kami nag-away. Kapag tropa, tropa talaga. Hindi pwedeng magtalunan.
Sa totoo niyan, alam kong si Jaycee ang crush ni Sabrina. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa mokong na 'to? Siya ang definition ngayon ng mga babae sa gwapo, chinito.
Katulad nga ng sabi ni Sabrina, si Jaycee ang isang tipo ng lalaking magnet sa mga babae.
"Oy. Nakikinig ka ba sakin?" Tinapik niya yung braso ko.
"Ha? Bakit?"
Tinignan ko si Jaycee at napagtanto kong wala nga talaga akong laban sa kanya.
"Lam mo pre, malaki ang pasasalamat ko sayo." Sabi niya saka ako niyakap.
O sinong mas bakla samin?
"Nababaliw ka ba?" Natatawa kong sabi.
"Eh kasi naman, kung hindi mo tinapon yung baller ko sa basurahan, edi hindi ko sana mapapansin si Sabrina."
Para akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Narealize kong ang tanga ko. Kung hindi ko tinapon yung baller niya, edi sana hindi niya mapapansin si Sabrina?
"Ay pre! Diba siya si Ms. Writer?" Tinanguan ko na lang siya.
"Type mo ba siya?" Tanong niya.
'Hindi. Mahal ko siya.' Napatawa ako sa naisip ko ko.
"Makatawa ka naman diyan. Ayos rin naman si Sabrina. Pero dahil di mo siya type, akin nalang ha?"
BINABASA MO ANG
Hey Ms. Writer (Dear Mr. Paper Sequel)
Teen FictionThe other side story of Dear Mr. Paper. Let's meet who's Mr. Paper?