Sino Ako?

232 2 0
                                    

Sa bawat oras, araw, at panahong lumipas
punung puno ito ng katanungan.
Katanungang may pagdududa, hinanakit at kaguluhan.

Sino nga ba ako?
Ano ba ang halaga ko?
Bakit ako nabubuhay?

Hindi malaman ang kasagutan. Gulung gulo!
Gulung gulo ang utak ko na tila ba'y apektado na...

Pati buong pagkatao ko.

Dumarating pa sa puntong walang wala na!
Wala na akong pagtitiwala...
Pagtitiwala sa sarili kong hindi ko naman kasi kilala.

Mabait, matalino, magaling, maganda, maraming talento..
Mga kumentong may kasama pang

"Ikaw na!"
"Yakang yaka mo yan"
at "Ikaw pa ba?!"

Mga sagot sa tanong na "sino nga ba ako?"
Mga sagot na galing sa mga tao sa paligid ko.

Masarap sa pandinig, oo.
Ngunit ang hindi ko maintindihan,
ni isa sa mga papuring yaon ay wala akong mapaniwalaan!
Lalo na sa oras ng problema!
Sa oras na ako'y iniwan!
Sa oras na pakiramdam ko ba'y...

Hindi naman ako mahalaga,
Hindi naman dapat bigyang importansya...

Nabuhay akong nakikita ng mga tao na nakangiti, masaya..
Akala mo'y perpekto't walang problema.
Ngunit may mali!

MALING MALI!

Dahil sa loob ng malamaskarang ngiti..
Isang pusong punung puno ng pighati..
Kalungkutan..
At pag mamaliit sa sarili.

Pusong isang pitik mo lang ng mga salitang ayaw marinig..
Dadaloy ang luha sa mga matang di mapagkunwari.

Sa hinaba haba ng panahon,
maskara'y laging nakasuot.
Sa hinaba haba ng panahon,
luha'y palihim na bumubuhos.

Pakiusap.

Ayoko na!

Pagbabago'y nais makamit!
Sapagkat napagtantong walang mararating..
Ang gantong klase ng puso't isip..

Kaya't dumating ang araw,
natagpuan ang sarili..

Nakaluhod, umiiyak

Mapagkumbabang inamin ang lahat ng pagkakamali.

"TAMA NA.." Ika Niya.

Ito'y mula sa Kanya na nagparamdam sa akin kung gaano nga ba ko kahalaga.
Sa Kanya na nagpaalala sakin sa kung sino nga ba ako.

Siya nga pala...

Siya ang Diyos na lumikha sakin, sayo, satin..
At sa buong mundo.

"Anak.. tamana..

Tamana ang pagmamaliit mo sa sarili mo!

Tamana ang kabigatang dala dala mo!

Tamana ang mga negatibong iniisip mo!

Tama na ang mga kaguluhan at pagdududa!

DAHIL ANAK,
MAHAL KITA.

At ang tanging hiling ko lamang, ika'y lumapit sa akin
Ibigay ang 'yong tiwala.
Ibigay ang katiting mong oras.
Ipagkatiwala ang buhay mo at ang puso mo..

Dahil ikaw ay pinahahalagahan ko.

Anak, wag na wag kang susuko.
Ako'y may magandang plano sa iyo.

Basta't anak..
magtiwala ka.
Hindi lang Sakin, kundi sa sarili mo.

Kaya mo.
Kasama mo ako.
Ang tiwala ko'y nasayo..

Kita'y nilikha, hindi upang maliitin at pagdudahan ang sarili.
Nilikha kita upang ika'y mahalin, magtagumpay, mapagpala,
at saki'y manatili."

Lubos ang pasasalamat ko sa mensaheng aking narinig!
Buhay ko'y tunay ngang nagbago!
Nagkaroon ng saysay!

Kagalaka'y tila ba naguumapaw sa puso kong nauhaw noon sa kasagutan..

Kasagutan sa tanong na "sino nga ba ako?"

Ngunit ngayo'y alam ko na..

Sino ako?

AKO AY ANAK NG DIYOS.

----------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----------------------------------------------------------------

To God Be The Glory!

Philippians 4:13
Jeremiah 29:11
Joshua 1:9
John 3:16

"SINO AKO?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon