Papel (One Shot)

1.7K 46 18
                                    

"Happy Aniversary!" Matagal ko ring hinihintay ang araw na 'to, sana nga lang ay magustuhan ni Lea ang sorpresa ko para sa kanya. Matagal-tagal na rin simula nung naging kami nitong babaeng nasa harapan ko ngayon— sa isang lamesang ilaw lang ng kandila ang lumiliwanag, kasabay ang isang napagandang music ng restaurant kung saan ko siya dinala. Hindi ko nga mailarawan kung gaano ako kasaya na umabot kami ng 5 years. Alam mo yung pakiramdam, na yung pinapangarap mong tao sa tanang buhay mo ay sinagot ka sa isang matamis niyang Oo. Ang sarap balik-balikan ang mga alaalang sabay naming binuo.

 

"Babe, masaya ka ba?"

 

Tinanong ko siya.Hindi ko alam kung anong problema, pero tahimik pa rin siya. Hindi kumikibo. Hindi sumasagot.

 

"Babe?..." Nagtataka ako kung bakit ang nakapinta sa kanyang mga mata ay kalungkutan, gayo'y anniversary naman namin. Dapat masaya siya. Dapat masaya kami. Pero di ko alam kung anong nangyayari sa kanya, sa amin, sa mga oras na 'to— natatanging ang music lang sa restaurant ang tanging naririnig ko at hindi ang boses niya. "Babe, ba't di ka nagsasalita? May problema ba? Sabihin mo naman oh, alam mo namang 'pag malungkot ka, malungkot din ako." Hinawakan ko ang kanyang braso at pinipigilan ko lang ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

 

"Maghiwalay na tayo Bryan!" Inalis niya ang kamay ko na nakawak sa braso niya. At nagsisimula na akong mangamba.

 

"Ha?!! Pero bakit?!!"

 

"Buntis ako Bryan, at di ko gustong masira ang kinabukasan mo nang dahil lang sa akin." Umiyak siya. Yumuko siya. Tinakpan niya ang kanyang mukha sa kanyang dalawang kamay. Naririnig ko ang bawat hikbi niya. Nalulungkot ako. Naiiyak.

 

"Ano ka ba?" Lumapit ako sa pwesto kung saan siya nakaupo, sa gilid niya. At hinimas ko yung likod niya ng kanang kamay ko. "Kasalanan natin yang dalawa Lea, kaya dapat tayo ang mananagot diyan. Wag mong solohon ang problema Lea, nandito lang naman ako palagi sa tabi mo."

 

"Pero Bry..." Hindi pa man niya matapos ang sasabihin niya, nagsalita na ako. Baka kasi natatakot lang siya na hindi ko pananagutan ang nasa sinapupunan niya. Baka akala niya katulad lang ako ng ex-boyfriend ng bestfriend niya na iniwanan na lang matapos mabuntis. Baka ganun lang, ayaw niyang magmakaawa sa akin. Baka itatakwil siya ng pamilya niya. "Sshhh! Pananagutan ko yang bata sa sinapupunan mo. Pananagutan kita." Sabay hawak sa kanyang mukha, at pinusan ko ang kanyang mga luha.

 

Ang mga tao sa restaurant ay nagtitinginan na sa aming dalawa. Pero ang nasa isip ko, bahala na sila. Problema namin 'tong dalawa. 

 

"Pero Bryan, hindi sa'yo ang batang 'to!" Tumayo siya. Nagulat na lang ako sa kanyang sinabi. Kumirot ang puso ko. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari.

 

"Ha?!! Kanino?!!" Napasigaw ako sa kanya. Napapansin ko ang mga tao na nagbubulungan. Pinag-uusapan kami. Nakatingin na silang lahat sa amin. 

 

"Basta mahabang istorya." Yan lang ang tanging sagot niya. Tatlong salitang lalong nagpagalit sa akin.

 

"Ba't mo naga..." 

 

"Sige sampalin mo ako. Okay lang naman sa'kin eh. Sige na sampalin mo na ako." Kinuha niya ang kamay ko at pinipilit na sampalin ko raw siya.

Papel (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon