Hinahanap-hanap
Ang iyong mapupungay na mata
Kasabay ng pagkislap nito
Ang iyong labing mapupula
Na meron ang isang katulad moNais ko nang makita ka
Sa malapitan at mahagkan ka
Ako sayo'y nangungulila
Sa mga matatamis mong salitaHinahanap-hanap ko na
Iyong saya na ako ang dahilan
Ang iyong pagngiti
Na sa akin nakalaanHinahanap-hanap ko na rin
Pagpapakilig mo sa akin
Ang iyong minsang pagsulyap
Nagdadala sa akin sa alapaapNais ko nang mahawakan ang iyong kamay
At hindi na ito bitiwan habangbuhay
Nais kong ibalik ang oras kung saan
Kung saan pareho pa tayo ng nararamdamanNangungulila na talaga ako sayo
Hinahanap-hanap ko na isang katulad mo
Bawat ginawa natin noon
Nais kong maulit ngayon
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala