Pag-ibig

5 0 0
                                    


Pag-ibig?
Ano nga ba ang unang pumapasok sa isip niyo pag naririnig niyo ang salitang pag-ibig?
Diba ito'y pagmamahal? Pero ang tanong; Umibig na nga ba kayo? Naranasan niyo na bang umibig? Kayo? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig?

Siguro lahat naman tayo ay nakaranas na ng ganitong pakiramdam dahil lahat tayo ay nagmamahal.
Hindi natin maipagkakaila na pagtayo ay natamaan ng ganitong pakiramdam ay maraming nagbabago sa atin.
Nagiging masaya tayo at punong-puno ng sigla ang bawat araw natin.
Nagdudulo't ito ng iba't ibang emosyon.

Ngunit alam nman nating lahat na ang pagmamahal ay kakambal na nito ang sakit.
Di tayo matatawag na nagmamahal kung hindi tayo masasaktan.
Hindi lang puro saya ang naidudulot nito sa atin dahil dumadating sa puntong may mga pagsubok na nagiging balakid upang makaranas tayo ng sakit.
Dahil sa balakid na ito ay paulit-ulit tayong nasasaktan at sinusubukang maging matatag dahil nga nagmamahal tayo.

Minsan pag tayo ay nagmamahal halos lahat ginagawa natin upang maging matatag at maging masaya ang ating relasyon.
Iniiwasan rin nating masira ng ibang tao ang itinatag nating relasyon na walang makakasira nino man kung talagang itinadhana tayo ni Kupido.
Relasyon kung saan nangarap tayong bumuo ng masasayang ala ala.
Mga alaalang magpapaalala sa matamis nating pag-iibigan.
At umaasa tayong balang araw, ito'y mas lalo pa nating mapayabong at mapatatag pagdating ng panahon.

Pag-iibigang masasalamin  ang saya't ngiti
Pag-iibigang akala mo'y wala ng katapusan.
Ngunit aminin man natin o hindi minsan katumbas ng ligaya't saya na binibigay natin ay siya namang sobrang sakit ang ating mararamdaman. At lahat nga nito ay bahagi lamang ng pagmamahal. Ang bawat tamis na ngiti, katumbas ay pait.

Ang kailangan lang nating gawing sa ganitong sitwasyon ay maging matatag at bigyang halaga ang ating pinagsamahan. Dahil lahat ng pagsubok na dumadating ay may katapusan.
Paniguradong malalampasan natin ito kung  tayo hindi susuko.
Ngunit, payo ko lamang sa inyo. Huwag na huwag kayong papaapekto sa mga pinagsasabi ng ibang tao. Magtiwala lamang kayo sa isa't isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon