Just Make Believe

28K 261 0
                                    

CHAPTER ONE

GUSTO ng itapon lahat ni Atasha ang mga paperworks na nasa harap niya. Malapit na ang deadline niyon pero wala pa rin siyang natatapos. Every end of the month ay dapat maipadala nila sa main office nila sa Cubao ang lahat ng reports. Limang araw na lang ang nalalabi bago ang pasahan. Baka mawalan na siya tuluyan ng trabaho kapag hindi pa niya iyon tinapos sa araw na iyon.
Dalawang taon na siya sa trabahong iyon bilang Supervisor sa isang kilalang sports boutique. Hindi pa niya inaasahan na tatanggapin siya noon dahil kumpara sa kanya na fresh graduate, ang mga kasama niyang nag-apply ay mas may karanasan na sa pagtatrabaho. Isang buwan rin siyang sumailalim sa training bago siya ginawang regular. So far, nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Kahit na nga minsan ay nakakaramdam rin siya ng pagod.
Abala siya sa kanyang ginagawa nang bigla na lamang mag-ring ang cellphone niya. Nitong nakaraang linggo lang ay nakatanggap siya ng tawag galing sa mga magulang niya na nasa Dubai. Noon pa man ay gusto na ng mga ito na sumunod siya roon, pero lagi ay matigas ang pagtanggi niya. Hindi niya kayang iwanan ang buhay na kinasanayan na niya. At isa pa, kahit kailan ay hindi niya talaga naging ambisyon ang pagpunta sa ibang bansa para pagsilbihan ang hindi niya naman kalahi.
But her parents were persistent this time. Kung anu-anong pam-ba-blackmail ang ginawa ng mga ito sa kanya. Nasali pa ang deathbed ng mga ito na alam naman niyang matagal pang mangyayari dahil mas malakas pa ang mga ito sa kalabaw. Pero ang pinakagrabe sa lahat ay ang huling sinabi ng mama niya. Binigyan siya nito ng ultimatum hanggang bukas para magdesisyon. Pupunta siya ng Dubai para tuluyang manirahan doon o ipapakaladkad daw siya nito sa anak ng amiga nito. Ganoon na lamang ang pagdadabog niya nang malaman niyang ipinagkanulo pala siya nito sa anak ng kaibigan nito noong highschool. Hindi niya akalain na kung kailan pa siya tumanda ay doon pa siya pupuwersahin ng mga magulang. Kaya ngayon ay parang dinaanan ng whirlwind ang utak niya.
She was already old enough to decide for herself, yet so young to get married. Alam na niyang ang pinupunto ng mga magulang niya. They wanted her to settle down. Masyadog nag-aalala ang mga ito na maiwan siyang mag-isa, hindi lang sa Pilipinas kundi sa mundong ibabaw mismo. They were so overprotective of her, not knowing they're already making decisions that she should do for herself. She would bet with all her debts that her parents were getting frustrated every time she'd refuse their offer living with them. What could she do? Hindi niya kayang iwan ang kinalakihan niya pati na ang mga taong kasama niyang lumaki. Kahit ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito, hindi rin naman niya kayang pagbigyan ang gusto ng mga ito. She was so not ready for a commitment. Marami pa siyang pangarap na gustong abutin. Ni hindi nga niya alam kahit nickname man lang ng lalaking iyon. All she knew was he came from a good family, as her mother told her. The rest was a mystery that she's not willing to solve.
"Sha, okay ka lang?" tanong ng cashier niyang si Lilith. Katulong niya ito ngayon sa paggawa ng monthly report. Hindi rin nagkakalayo ang edad nilang dalawa kaya hindi niya ito hinahayaang tawagin siyang "Ma'am".
"Okay lang. Medyo marami lang akong iniisip," pinilit niyang ngumiti dito. Standard operating procedure na na hindi puwedeng dalhin ang personal na problema sa kanilang trabaho. Hindi niya kayang suwayin iyon, kahit na nga ba siya ang may mataas na posisyon sa store na iyon. At itinuring na rin niyang kaibigan ang dalaga.
"Pag-usapan na lang natin 'yan mamayang lunch break," nakakaunawang wika nito.
Tumango siya. "Thanks, Lith," aniya rito.
PAGKASAPIT ng lunch break ay ikunuwento ni Atasha kay Lilith ang mga napag-usapan nila ng kanyang ina. Kahit ito ay hindi makapaniwala sa gagawin ng mama niya para lamang masunod ang kagustuhan nito. Kahit yata sino na ka-edad niya ay maghuhurumentado rin sa sitwasyon niya ngayon. It's just not right. Wala naman silang dugong intsik para magpauso ang mga magulang niya ng arranged marriage. Gusto na niyang magtatag ng himagsikan laban sa mga ito. It was so frustrating.
"Grabe naman ang mama mo," hindi pa rin makapaniwalang saad ni Lilith pagkatapos niyang ikuwento rito ang lahat.
She rolled her eyes. "Sinabi mo pa. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, eh. Isa pa, kung aalis ako kailangan ko pang maghintay ng isang buwan para makahanap ng papalit sa'kin," namomroblemang wika niya dito. Nakailang balik na rin kasi siya sa Dubai kaya hindi na problema sa kanya ang mga papers niya. Anumang oras na gustuhin niya ay puwede siyang umalis. At mukhang naisip nga iyon ng mga magulang niya dahil ngayon nga ay minamadali na siya ng mga ito.
"Paano kung sabihin mong may asawa ka na? Pretend marriage, you know," pagkuwa'y suhestiyon sa kanya ng kaibigan.
Dagli siyang napalingon dito. That's an idea, but an outrageous one. Kahit siya ay hindi man lang pumasok sa utak niya na magpanggap na may asawa. And she was sure as hell that her parents would figure out the truth sooner or later. Hindi pa man din siya magaling sa pagpapanggap. At ang pinaka-importanteng issue sa lahat, saan siya maghahanap ng magiging asawa niya?
"Hindi ganoon kasimple 'yon. Paniguradong hahanapan rin nila ako ng asawa," turan niya.
"Try asking your friends. Malay mo pumayag sila. Gusto mo hanapan kita?" nakangising tanong nito. Inirapan niya ito. Mula nang maging malapit sila sa isa't isa ay hindi na siya nito tinigilan sa pagrereto sa mga kakilala nito. Pinagbigyan niya ito minsan, pero nang mapansing hindi sila magki-click ng lalaki ay itinigil na kaagad niya ang pakikipagkita rito. Hindi na muling nasundan iyon. Everytime Lilith would set up a date for her, lagi na niyang idinadahilan na busy siya. Relationship and men. They're not really for her, she thought.
"Paano kung hanapan kami ng marriage certificate, aber?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Marami niyan sa Quiapo, Sha," consistent pa rin ang pagsagot nito. Kung tutuusin, puwede nga ang suggestion nito. Pero saan naman siya hahanap ng lalaki na magpapanggap na asawa niya? Kapag sumagot ito na nahahanap rin iyon sa Quiapo, bukas na bukas din ay pupunta siya doon. But seriously, malamang ay malaki ang gagastusin niya kung mag-ha-hire siya ng lalaki para lang gawin iyon. At wala talaga siyang balak na mamulot lang ng kung sinu-sino sa tabi. Ayaw nga niya ng inirereto sa kanya ng mga magulang niya dahil hindi niya iyon kilala. Tapos ngayon, papasok siya sa isang sitwasyon na estranghero pa rin ang pakikisamahan niya? No way.
"Huwag na. Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan, Lith. Pero salamat na rin," sabi niya.
Makakahanap pa naman siguro siya ng paraan bago ang palugit na ibinigay ng mama niya sa kanya.
MAAGA pa lang ay gising na si Atasha kahit mamaya pa namang alas onse ang pasok niya. Nakagawian na niyang mag-jogging tuwing umaga sa barangay nila. Nakakaisang balik na siya nang maramdamang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Napaungol siya nang makita ang pangalan ng kanyang ina. Bakit nga ba niya nakalimutan ang deadline niya? Sa dami ng trabahong ginawa niya kahapon ay hindi na siya nagkaroon pa ng panahon para mag-isip. Pagkarating palang niya sa kanyang bahay kagabi ay plakda na kaagad siya. She was too exhausted to think of a solution in her problem.
Napapabuntong-hininga siya. "Hello, Ma," patamad na sagot niya. Mukhang wala na talaga siyang choice. Hindi rin naman siya titigilan ng mama niya kahit na tumanggi siya. They could always make ways. Even if it's the most absurd way no one would ever dare to take.
"Good morning, baby!" masayang bati nito sa kanya. Alam na kasi nito na talo na siya. "Have you decided already?"
Parang gusto niyang magpapadyak! Tinatanong pa siya nito kung nakapagdesisyon na ba siya, eh, hindi man lang siya nito binigyan ng pagpipilian. Talo pa niya ang isang bata kung maghigpit ang mga ito sa kanya.
"Yeah. I've decided to..." naputol ang sasabihin niya nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaki. Busy ito sa pagkalkal ng lupa sa bakuran nito. His body was glistening of sweat; his hair was a little messy also. She couldn't stop her eyes from roaming around his body. Kitang-kita kung paano maggalawan ang mga muscles nito kapag nagbubungkal ito ng lupa. Yummy!
"Atasha Belle!" malakas na sigaw ng mama niya sa kabilang linya.
"O, 'Ma?" wala pa rin sa huwisyong sagot niya sa ina.
"You've decided to what?" parang nauubos na ang pasensiya nito. Hindi na kasing saya katulad ng kanina ang boses nito ngayon. Siguradong kung malapit lamang siya dito ay baka nakurot na siya nito sa singit.
"Ahm... I've decided to stay, Ma," sa wakas ay saad niya dito. Bahala na! Hindi talaga niya gustong umalis sa bayang iyon. She grew up there. Hindi man kasing-ganda ng siyudad ang San Carlos-somewhere in Negros-pero doon lamang siya nakakaramdam ng katahimikan. Naroon din ang lahat ng mga kapamilya niya. Kahit sangkaterbang mga pasaway ang mga pinsan niya ay masaya pa rin siyang kasama ang mga ito. And leaving that place meant, leaving them all behind. She just couldn't stand it.
"What did you say? Atasha Belle, sinabi ko na sa'yo ang gagawin namin ng Papa mo kapag ipinagpatuloy mo ang pagmamatigas. Bukas na bukas rin ay papupuntahin ko diyan si Angelo para sun-"
"I'm getting married, 'Ma," walang kagatol-gatol na wika niya sa ina. The idea just popped out in her head. Bigla niyang naisip ang suhestiyon ni Lilith sa kanya, at napagtanto niyang iyon na ang pinakamagandang paraan para maka-eskapo siya sa kanyang mga magulang. Mamaya na niya poproblemahin kung saan siya maghahanap ng magiging fiancé niya.
"What?! Nagbibiro ka lang, hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ina.
Oo, 'Ma, joke lang iyon. Gusto niya sanang sabihin dito pero hindi naman niya kayang bawiin ang mga sinabi.
"I'm afraid I'm not. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa inyo noong nakaraang tumawag kayo pero hindi niyo naman ako binigyan ng pagkakataon." Sana lang ay hindi siya tamaan ng kidlat sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya rito. Ayaw niyang magsinungaling sa mga magulang, but if it's the only way to make her stay. Fight na kung fight!
Ilang sandali ring natahimik ang kabilang linya bago niya narinig ang mas pursigidong boses ng Papa niya. "We want to meet him".
Bigla siyang kinabahan. It's very unusual for her dad to comment on something. Usually, ang mama niya lang talaga ang lagi niyang kausap sa mga ganoong bagay. Tahimik lang lagi ang ama niya. Kaya madalas, sila rin ng ina niya ang laging nagkakasagutan.
His father wanted to meet her pseudo- fiancé. Kumakabog ang dibdib niya habang naglulumikot ang isip niya sa isasagot rito. What to do now, Atasha Belle?
"'Pa... hindi naman kami makakapunta riyan. May trabaho rin kasi siya," pagdadahilan niya.
"Sinong siya?" tanong nito.
Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang 'fiance' kuno niya. Napatingin siya sa lalaking todo pa rin sa pagbubungkal sa 'di-kalayuan, tamang-tama naman na umangat rin ang tingin nito sa kanya. So gorgeous. Hindi kaya ito nade-dehydrate sa pagbibilad nito sa araw? He seemed like sweating profusely. Para itong si Edward Cullen kapag naaarawan, kuminang na parang diamante ang katawan nito. At kahit na basang-basa na ito ng pawis, hindi ito mukhang gusgusin o mabaho. He was still delectably sexy.
She shook her head inwardly. Sa katirikan pa talaga siya ng araw nagpantasya.
"Atasha Belle," pukaw sa kanya ng ama.
Humugot siya ng malalim na hininga bago binigyan ng peace sign ang binata na nanatiling nakatingin pa rin sa direksiyon niya.
Kumunot ang noo nito. "Ahm... His name is Andrew Mercado," kagat-labing sagot niya sa ama.
Muli niyang sinulyapan ang binata na ngayon ay nakabalik na sa ginagawa nito. He was dead serious with what he does. Kailan nga ba ito hindi naging seryoso? Lagot na talaga siya. Sa lahat ng puwedeng sambitin niyang pangalan ay isang dragon pa ang nagmamay-ari niyon.
She let out a sigh. Nararamdaman na niya ang katapusan ng maliligayang araw niya.
NAKAKUNOT ang noong tiningnan ni Andrew ang babae sa 'di kalayuan. Naka-jogging suit ito at parang may kinakausap sa cellphone nito. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit parang may pakiramdam siya na kasali siya sa usapang iyon. Aside from his gut feeling, panay rin ang sulyap ni Atasha sa kanya. Hindi naman masasabing nagnanasa ito sa kanya dahil sa bawat pagtatama ng kanilang paningin ay napapangiwi ito. Baka naman mukha na siyang marungis kaya ganoon na lang ang reaksiyon nito.
He shrugged his shoulders off. Normal na sa kanya na ganoon palagi ang impresyon ng mga tao. Marungis, magbubukid at kung anu-ano pa ang maisip ng mga ito.
He was a farmer. Graduate siya ng BSA o Bachelor of Science in Agriculture. Nang mamatay ang lolo niya ay sa kanya nito ipinamana ang malaking parte ng lupa sa likuran ng bahay nito na ginawa naman niyang farm. Umaga, tanghali at hapon, ang pagbubungkal na ng lupa ang gawain niya. Kung hindi naman siya nagbubungkal ng lupa, nagsu-supply naman siya ng mga gulay sa palengke.
Nabaling ang atensyon niya nang may dumaan sa harap niya.
"Hi, Drew," malambing na bati sa kanya ni Karla. Saglit na nagulat siya sa hitsura nito. Muntik na niyang matanong ito kung saan ang flag ceremony dahil sa suot nitong pulang spaghetti-strapped na pang-itaas, asul na maikling shorts with matching white tennis-shoes.Tugmang-tugma sa kulay ng watawat ng Pilipinas.
Tinanguan na lamang niya ito nang mapansin na parang hinihintay nitong batiin rin niya ito. He's not fond of girls like her. Hindi siya ang tipo ng lalaki na mahilig sa mga liberated na mga babae. He wanted his girl to be a lady-like and a little bit of dependent. Lahat naman siguro ng lalaki ay gustong mag-ala-Superman sa mata ng mga babae, especially sa babaeng mahal ng mga ito.
Then he raised his gaze again to the woman who was now walking away from him.
Iyan ba ang mga tipo mong babae, Drew?
Nah. Atasha Belle was an exception.
HINDI alam ni Atasha kung paano niya nasagot ang lahat ng tanong ng mga magulang niya kanina tungkol kay Drew nang hindi natatamaan ng kidlat. She barely knew the guy. Kaibigan ito ng pinsan niyang si Jester mula pa noong college ang mga ito. Lagi rin itong pumupunta sa bahay ng huli, at kapag nang-aabot naman sila ay tango lang at matipid na ngiti ang ibinibigay nito sa kanya. Hindi ito palaimik at kung magsalita man ay palaging seryoso. Nagtataka nga sila minsan kung paano ito naging kaibigan ni Jester na ubod naman ng kulit.
Pero nitong nakaraang linggo ay napansin niya na bigla itong naging masungit sa kanya. Kapag nakikita siya nito ay nakakunot lagi ang noo nito na akala mo ay may nagawa siyang kasalanan.
Mayroon naman talaga, sawat ng isang bahagi ng isip niya.
Hindi ko naman kasalanan 'yon, sagot naman ng isa.
Hindi naman niya kasi alam na maririnig nito ang mga litanya niya tungkol sa mga produkto nito. Ito kasi ang nagsu-supply ng mga gulay sa palengke nila.
Napag-utusan siya ng araw na iyon ni Tita Vernie -nanay ni Lace na pinsan niya- na mamalengke. Papalabas na siya ng palengke nang may madaanan siyang repolyo. Sa lahat ng mga gulay ay iyon talaga ang paborito niya. Huminto siya at nagtanong sa tindera kung magkano ang gulay.
"Singkwenta ang kilo", anito.
"Ang mahal naman yata, Ate. Wala na bang tawad 'yan? Forty na lang," ungot niya dito pero ayaw talaga nitong pumayag kahit anong pilit niya.
"Ang mahal mahal naman niyan. Mukhang hindi na rin naman 'yan sariwa. Tuyo na nga ang dahon niyan, o! Siguro minadali lang ang pagkuha niyan para maibenta," pangongonsensiya niya sa tindera. Baka kasi kapag idinaan niya sa ganoon ay ibinigay nito sa kanya ang gulay sa mas mababang presyo. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi ito umimik. Pakiramdam niya rin ay natahimik ang paligid pagkatapos niyang sabihin ang litanya niya. Binalingan niya ang tindera na nakamasid lamang sa kanya. Hindi. Hindi siya ang tinitingnan nito kundi ang kung sino man na nasa likod niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya at parang gusto niyang magtago nang makita ang madilim na anyo ni Drew.
Wala itong sinabi sa kanya nang araw na iyon. Basta na lamang itong tumalikod, pero alam niyang galit ito sa kanya. Tapos ngayon ay isinali pa niya ito sa kanyang magulong mundo. Hindi na siya magugulat kung bigla na lang siyang sakalin ni Drew oras na malaman nito ang ginawa niya. Masyado pa namang mabilis kumalat ang balita sa barangay nila, kaya bago pa nito malaman ang bagay na iyon mula sa iba ay uunahan na niya ang mga ito. She decided to go and talk to him.
Ganyan nga, Atasha, magpakatatag ka. Sasabihin mo lang naman sa kanya na mag-aasawa na ito in two months' time at gusto na itong makilala ng parents mo sa pag-uwi ng mga ito.

What could possibly go wrong? Napangiwi na lamang siya sa sariling tanong

Just Make Believe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon