Nakabibinging palakpakan ang naririnig niya mula sa kabilang panig. Niyayakap siya ng kanyang ina habang itoý patuloy na umiiyak. Luhaan ito samantalang siya ay tila nawala sa kanyang sarili. Makukulong siya nang humigit walong taon pataas. Bente-uno anyos pa lamang siya ay sa kulungan na siya mabubulok.
Makaraan ang isang taong:
“Jaren Villamor? Laya ka na! Hinihintay ka ni Atty. Viola sa visitor’s area”, wika ng isang pulis.
Isang matandang lalaki ang nakita niyang nakaupo. Nasisiguro niyang ito ang lawyer na tinutukoy ng pulis dahil sa suot at dala nitong attaché case. Inilahad ng matanda ang kanyang kamay ngunit di niya ito inabot sa halip ay naupo siya at mataman itong tinitigan.
“Alam kong nagtataka ka kung bakit sa loob ng isang taon ay nakalaya ka na agad.”
“Lahat ng bagay sa mundong ito ay may kapalit ginoo at natitiyak kong iyon ang pakay mo”, pahayag niya.
“Hindi ko na pahahabain pa ang usaping ito, ginawa ko ang lahat kahit pa baliktarin ang batas makalaya ka lamang. Isang pagbabayad utang na loob ito.”
“Utang na loob? Hindi kita kilala at wala akong natatandaang ginawa para sayo.”
“Sa akin wala pero sa anak ko meron. Kung natatandaan mo, ang niligtas mong bata na muntik nang malunod sa ilog mahigit isang taon na ang nakakaraan ay anak ko.”
Nagbalik sa kanya ang mga alaala. Nagpunta siya sa ilog upang manghuli ng isda para maging hapunan nila nang marinig niya ang isang malakas na saklolo mula sa dulong bahagi ng talon.
“Kung totoong nagbabayad kayo ng utang na loob, bakit ngayon n’yo lang ginawa ang bagay na ito? Hindi ba’t matagal-tagal nang panahon na rin ýon?” Di niya napigilang itanong.
Bahagyang nagtungo ng ulo ang matanda. Huminga ng malalim na tila may mabigat na dinadala sa dibdib.
“My son is dying, gusto ka niyang makita kahit sa huling pagkakataon. Matapos ang aksidente lihim pa ring nagtutungo ang aking anak para makita ka at pasalamatan. Kamakailan lang natuklasan niya na nakakulong ka. Hiniling niya para sa kanyang nalalapit na kaarawan ang makita kang malaya,sa ganoong paraan makapagpasalamat daw siya sa iyo dahil nabigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon para mabuhay”, tila may bikig sa lalamunang pahayag ni Atty Viola.
Katatapos lang ng misa para sa pagpanaw ni Gabriel. Utang na loob niya sa bata ang pagkakalaya niya at pagkakaroon ng bagong katauhan. Halos isang buwan din niya inalagaan ito at labis ang pagmamahal na binigay niya sa bata kaya’t parang naulit ang sakit na naramdaman niya noong pumanaw ang kanyang ama.
“Ren, let’s go”, maikling tawag ni Atty Viola.
Chapter 1
Sa Nakaraang isang taon..