Gusto o mahal?
Hindi ko alam…
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko;
Basta ang alam ko, lagi ko siyang hinahanap,
Makita ko lang siya napakasaya ko na,
At sa tuwing nginingitian niya ako
Pakiramdam ko unti-unting natutunaw ang puso ko!
Minsan sinubukan kong iwasan ang mga tingin niya,
Subalit sadyang napakahirap gawin;
Para bang may kung anong tumutulak sakin
Upang muli siyang tingnan;
At kapag hindi ko naman siya makita,
Pakiramdam ko may kulang talaga sa araw ko;
Tanging ang matamis niyang ngiti ang
kumokompleto sa araw ko…
Gusto o mahal?
Sa tingin ko mahal ko na siya…
Ah! Hindi ko nga pala siya pwedeng mahalin!
Napakalayo namin sa isa’t-isa,
Hindi kami magkatulad,
Magkaiba ang mundo na aming ginagalawan,
Nakakahiya kapag nalaman ng ibang may pagtingin ako sa kanya,
Baka isipin nilang nasisiraan na ako ng bait;
Subalit hindi ko na mawaglit sa aking isipan ang kanyang mukha…
Lagi ko siyang naiisip,
Lagi kong naaalala ang mga ngiti niya,
At ang boses niya…
Tila paulit-ulit kong naririnig sa mga taenga ko;
Anong gagawin ko?
Hindi ko siya dapat mahalin,
Hindi dapat!
Isa itong malaking pagkakamali!
Katangahan! Kahibangan!
Subalit…
Ah! Bahala na nga!
Hindi naman ito krimen na ikabibilanggo ko
Kapag may nilabag akong batas …
Kaya mali na kung mali,
Tanga na kung tanga,
Baliw na kung baliw,
Eh, sa mahal ko siya, kasalanan ko ba?
Bakit? May batas ba ang pag-ibig?
BINABASA MO ANG
"MAY BATAS BA ANG PAG-IBIG?"
PoetryPara sa mga nagmamahalan na hinuhusgahan ng buong mundo... Para to sa inyo... 💖