CHAPTER 20

1.4M 30K 9.8K
                                    

Just want to say hi to Sharon Rose Siaotong, Rhea Siaotong, Dinah Siaotong and Mae Lovely Petipet.


CHAPTER 20

HINDI ALAM ni Gladz kung bakit walang lumalabas na luha sa mga mata niya kahit parang may pumipira-piraso na sa puso niya. Nakatitig lang siya sa kawalan habang wala sa sariling naglalakad at paulit-ulit na nagri-replay sa isip niya ang nalaman ngayon-ngayon lang.

She felt so numb. She can't feel anything other than her heart being torn into pieces.

Ini-expect na niya na masasaktan siya dahil kay Pierce pero hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganito ka sakit. Siguro dahil umasa na siya na baka iba ito sa mga lalaking naging boyfriend niya. Naninikip ang dibdib niya na para bang inaapak-apakan iyon at tinutusok ng libo-libong karayum.

"Gladz! Gladz!"

Wala sa sarili lumingon siya ng marinig na tinatawag ang pangalan niya.

When she saw that it was Beckett, she tried to smile but failed. "H-hey...i-ikaw pala..."

Kaagad na hinawakan siya sa magkabilang balikat ni Beckett ng makalapit sa kaniya. "Ayos ka lang ba? Ano nararamdaman mo ngayon? Are you in pain? Are you okay?" Sunod-sunod nitong tanung sa kaniya. "Talk to me, Gladz—"

"I think... I'm in pain." Pabulong niyang sabi saka tumitig sa mga mata ng binata. "Pero bakit kaya hindi ako umiiyak samantalang parang may wumawasak sa puso ko habang nagsasalita ako ngayon. Parang may pumipilipit sa puso ko sa sobrang sakit pero bakit hindi ako umiiyak—"

"Because your brain can't still process what just happened or the brain doesn't want to process it." Sagot ni Beckett saka lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "It happens sometimes... You were shocked. Sino ba naman ang hindi magugulat kung malaman mo na may asawa na ang lalaking mahal mo. And I'm so sorry that I didn't tell you that he's married. Pero binalaan naman kita di'ba? Hindi ko lang talaga masabi na may asawa na siya dahil hindi naman ako dapat ang magsabi no'n sayo kundi siya. Pero kasalanan ko pa rin 'to. I'm so sorry. I should have told you."

A tear falls from her eyes, followed by another and then another until her cheeks becomes wet and damp.

Habang tumutulo ang mga luha niya, para siyang baliw na mahinang tumatawa. Ang tanga-tanga niya. Bakit ba hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng isip niya noon? Bakit ba hinayaan niya ang puso niyang mahalin ang binata? Bakit ba pinili niyang paniwalaan ang puso niya kahit pa nga natatakot siyang magtiwala at magmahal ulit?

"Ang tanga-tanga ko." Wika niya habang unti-unting humihikbi. "Ang bobo-bobo ko. I should've known that this will happen. Pero umasa pa rin ako na baka may magbago, na baka siya na ang binigay ng diyos na magpapasaya sakin, pero nagkamali na naman ako. And my mistake now cost my heart and I'm in so much pain because I'm dumb enough to swayed by his sweetness and thoughtfulness." Kumuyom ang kamay niya saka pinagsusuntok niya ang hita niya para doon ilabas ang galit na lumulukon sa buo niyang pagkatao. "Ayoko na. Ayoko na... Tama na! Ayoko na sa sakit na 'to! Ayoko na! Bakit ba palagi nalang 'tong nangyayari sakin? Nagmamahal lang naman ako! Wala namang masama sa ginagawa ko, diba? Hindi naman ako masamang tao pero bakit kung saktan nila ako para bang may ginawa akong masama sa kanila. All I did was love him...what's so wrong with that that I have to feel this excruciating pain?"

"Gladz..." Lumambot ang mukha ni Beckett habang tinitingnan siya at inaalo. "Don't cry...please, don't." Pakiusap nito sa kaniya habang tinutuyo ang luha na umaagos sa pisngi niya.

"My tears finally fell." Mahina niyang sambit saka puno ng pait na ngumiti.

"Gladz—"

"The pain in my heart is killing me, Beckett." Pabulong niyang sabi. "Pakiramdam ko para akong pinapatay ng paulit-ulit habang paulit-ulit ring naglalaro sa isip ko ang nalaman ko kanina." Dahan-dahan siyang bumagsak at napaupo sa semento saka unti-unti siyang napahagulhol habang yakap ang sarili. "He's married, Beckett. H-he's married...he's married... He's married..." She was chanting mindlessly while hear tears falls heavily. "He's married. He fooled me good. He's married. He's married. He's married."

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon