>ang MAGKAKAIBIGAN ay binubuo ng mga taong nagsasama para damayan ang isa't isa sa saya o sa problema. mga taong nagtitiwala sa isat isa, mag kakaiba man ngunit nagkakasundo sa iisang bagay, ang magsaya at tumawa
>ngunit hanggang saan mo kilala ang kaibigan mo? kaya mo bang ipagkatiwala ang buhay mo sa kaibigan mo.
>eh paano kung ang itinuturing mong kaibigan ang magwawakas ng iyong buhay? kaya mo bang lumaban sa kaaway na di mo inaasahan? kaya mo bang tukuyin ang kaaway na di mo makilala. mag hihintay ka nalang ba kung "SINONG SUSUNOD?"
original story of mr. soul~~~~~
do not copy any thing w/o the consent of writer because this is an intelectual property of the writer, and copying any part of the story can classify as CRIME!!! and subjected to a penalty.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
chapter 1-A : Sino siya?
> tumatakbo ako ng mabilis papuntang escolta kung saan unang itinayo ang university na pinapasukan ko. doon kung naisip na magtago dahil madami duong pasikot sikot at mapagtataguan dahil sa ngayon ay hinahabol ako ng isang taong naka itim na jacket na may hood, mukang di sya mabait at isa pa nakakatakot ito dahil may hawak itong patalim. jusko anu ba itong nang yayari na ito wala naman akong ginawang masama sa kapwa ko.... nang nakarating ako sa gusali agad akong naghanap ng mapagtataguan upang humingi ng tulong gamit ang cellphone ko. dali-dali akong kumuntak. nangangatog na ang mga binti at braso, sobra din ang panginginig ng mga kamay ko daig pa ang pasmadong kargador ....pero.....
/////CRICK!!////// may narinig akong tunug na parang naapakang mga bato at basura.
NAKU!! nasundan ako!, dali dali akong nagkubli sa ilalim ng mga mesang nakatengga sa may dulo ng pasilyo malayo sa entrance ng gusali. natataranta na ako di ko na alam kung anu ang gagawin ko... gabing gabi na, 11pm pasado na wala man na akong mahingan ng tulong.
madilim sa loob ng gusali kasi inabandona ito 1 taon na ang nakakalipas kaya madilim at madumi ang loob ng gusaling ito. tanging ilaw mula sa mga poste sa kalsada ang nagbibigay liwanag sa gusaling îto.
maya maya may naaninag akong anino mula sa entrance ng gusali. sya na yon kasi sa anino pa lamang ay halatang halatang may hawak itong kutsilyo. nakatayo sya duon at palinga linga pa. nung oras nayun nagdadasal na ako habang kumukontak ng tulong mula sa phone ko.. ingat na ingat ako sa mga galaw ko dahil isang maling galaw ko lang ay makakagawa ito ng ingay at matuntun nya ako. pinagpapawisan na ako ng todo todo kasi iniisa isa na nya ang bawat ilalim ng mga mesa. nag isip ako ng paraan,
naisip kong linlangin sya. kumuha ako ng isang pirasong bato at binato sa may entrance para akalaing lumabas na ako. at ganun nga, pag bato ko ay lumingon naman sya sa may entrance ng gusali at papaalis na sana sya pero biglang......
HELLO??.. sa taranta ko at gulat bigla kong napindot ang loudspeaker ng c.p ko kaya naman nag ingay ito. nakita nya ako kaya dahil dun ay wala na akong nagawa kundi ang tumili habang tumatakbo papaakyat ng gusali. agad naman akong hinabol ng masamang tao na iyon.....
~hello hello marjorie anung nang yayari sayo? asan ka at bakit ka sumisigaw,,
~ hello hello? nasa escolta ako sa dating gusali ng UDM,, hinahabol ako ng taong may patalim tulungan mo ako ahhhhhhhhhhhh!!.
~ teka lang papunta na ako kasama ang mga pulis, magtago ka!
~ gaga! makakapagtago pa ba ako sa lagay na ito? girl papatayin ako neto ahhhhhh!! dalian mo... huhu ayan na!.
BINABASA MO ANG
re-band: sino susunod?
Mystery / Thrillersuspense ang theme so asahan ang matalinghagang pangyayari