Chapter 26: loveyou

1.8K 75 7
                                    

DENDEN'S POV:

    DINAMA ko ang halik na 'yon kahit saglit lang. Pinilit kong isa-isip na hindi panaginip ang lahat. That kiss was the sweetest of all the sweetest things happened to me. Ang tagal kong pinangarap at inasam ang sandaling 'yon.

    When I prepared to write my vow last night, those were all from the bottom of my heart. No perfect moment where I can confess my true feelings towards her, kundi sa kasal lang naming dalawa.

     I cried because I couldn't contain my happiness the way she recites her vow. Alam mo 'yung nagtatalo ang isip ko na baka sinasakyan lang ako ni Ly at ginaya na mag-vow din siya o totoo rin sa kanya ang mga namutawi sa labi niya? Kung anuman ang totoo, napasaya ako ni Alyssa. Sa isang banda, dama kong totoo dahil hindi nagsisinungaling ang mga mata.

      Alyssa loves me too? Mixed emotions. Walang tigil ang kabog  ng dibdib ko at tila naging jelly-ace ang mga tuhod at muscles ko. Sana…. Sana totoo ang lahat.

   Niyakap ako ni Ly matapos ang mabilis na halik na 'yon. Hindi na sumama ang judge sa reception dahil may iba pa raw appointment. Ang witness namin na sina Mae at Sheree ay nakasama pa namin saglit sa pagkain. Inip na inip na akong masolo si Alyssa.

      After naming kumain ay dumeretso na kami sa hotel kung saan magstay kami overnight. Wala kaming kibuan pagpasok ng hotel. Iisang kama lang at ito ang unang gabing matutulog kami bilang mag-asawa at siya bilang Alyssa Valdez-Lazaro. Kinakbahan ako sa totoo lang.bParang pareho kaming nangangapa.

    Binuksan ko na ang maleta ko at kumuha ng casual na short at maluwag na t-shirt. Inoobserbahan ko lang si Ly kung ano naman ang gagawin niya. Hindi siya kumikilos.
Nakatitig lang siya sa akin at 'yung titig na puwede akong kiligin.

    "What?" Tanong ko sabay ngiti. Nahawa kasi ako sa pag-ngiti niya.

     "Hindi ka pa ba mag-bibihis?"
     "Magbibihis."
    "Eh bakit nakatayo ka pa dyan? Naiinlove ka na naman sa akin ano?"
     "Ha? Asa ka pa Lazaro," sagot niya. Ewan ko kung mean niya 'yon.

     "At baket? Hindi ba totoo 'yung mga sinabi mo kanina? Halata ka na Valdez. Este, Lazaro ka na rin pala."

    Lumapit sa akin si Ly. "Hindi nga Den. Ikaw? Totoo rin ba lahat ng sinabi mo kanina?"

    "Hmmm…. Partly."
    "Partly?"
    "Ewan! Hindi ko na maalala kung ano 'yung mga sinabi ko eh. Gusto ko na lang matapos. Ang alam ko lang, inamin kong ikaw ang crush ko sa slambook at ako ang sinasabihan mo ng Iloveyou sa mga mga nakasulat sa papel na nakita ko. 'Yun lang."

    "Ano'ng naramdaman mo?"
    "Hmmm.. Kung ano rin ang nararamdaman mo ngayon? Natuwa?"
    "Aaah… okay."

      Tumalikod sa akin si Ly. "O sige na magpahinga na muna tayo. Paki-baba naman muna Den  'yung zipper sa likod ko oh. Ikaw kasi pumili nito ang hirap isara."

      Hinawakan ko ang zipper sa taas at sinimulang ibaba. "Huwag ka munang huminga Ly, dami mo kasing kinain kanina. Takaw mo. Ambilis mong tumaba."

   "Hindi ah! Kaysa naman ikaw, patpatin ka, hahahah!"

      Natawa rin ako. Sa kakakulitan namin at asaran ay bigla kong nahatak ang zipper pag-galaw niya kaya nalock.

    "Aray!" napasigaw siya. "Den ang sakit, may naipit yatang balat!"
    "Ay oo nga! Saglit lang, huwag ka kasing gumalaw. Stomach in kasi muna, ang khulheeet!"

     Unti-unti kong naibaba ang zipper at nakita kong may naipit nga. Hinaplos ko ang likod niyang namula dahil sa naipit.

   "I'm sorry," paumanhin ko. Humarap siya sa akin at nagulat ako sa reaksiyon niya. Nakangiti siya. Bukas lang ang zipper niya sa likod pero nasa katawan pa rin naman niya 'yung damit.

      Hindi ko na lang pinahalata na nag-init ako ng kaunti ng tumambad sa mata ko ang likod niya. Hindi naman siya fully naked dahil nakabra naman siya pero mayro'n sa kaibuturan ko na para akong nag-nasang paulanan ng halik ang buo niyang likuran. Wala namang masama, may karapatan ako dahil asawa ko na siya. O shemay, masyado na niya akong naaapektuhan.

     "Sorry?" Ulit ni Ly.
    "Oo nga, sorry na po."
    "Di ko matatanggap ang sorry mo."
    "Ha? Ang OA mo naman!"
    "May parusa."
    "Hmmm…. Ano'ng parusa ba gusto mong ibigay? Basta hindi masakit okay lang."
     "Hindi masakit."
   
     "Ano?" Tanong ko although may idea na ako kung ano. Ngumuso siya at natawa ako. She moved closer to me at hinawakan ang magkabila kong beywang. Ramdam ko ang init ng kamay niya papunta sa katawan ko. Ito na naman 'yung feeling na nanlalambot ako at tila may apoy ang palad niya na unti-unting kumakalat sa kabuuan ko. Nakukuryente ako.

     "O ano? Bakit puwedeng sampayan ng hanger 'yung nguso mo Ly, hahaha!"
    "Parusa."
    "Ano nga?"
    "Kiss."
    "Kiss?"
     "Yup my dear wify. A kiss from my bride, masama ba?"
    "Bakit kiss? Nagkiss na tayo kanina sa wedding ah. Ulit-ulet?"
    "Daldal mo pa rin Denden ano? Kikiss mo ba ako o ako kikiss sa 'yo?"

    Hinapit akong lalo ni Alyssa papunta sa kanya. Malapit na malapit na ang mukha namin sa isa't-isa. Dahil sa yapos niya ang beywang ko ay napahawak na rin ang braso ko sa magkabila niyang balikat.

    "Ah eh…. Nahihiya ako. Kaya nga smack lang binigay ko kanina eh."
    "Bakit ka nahihiya? Inalok mo ako ng kasal, pumayag ako. Kiss lang nahihiya ka? Sige na babe, wala naman ng audience eh."
    "Hahhahaa! Hindi ba puwedeng sabay na lang?"
    "Na?"
    "Sabay. I mean, sabay na lang tayong humalik sa isa't-isa. Para lang tayong mga tanga ano?"
    "First kiss  mo ba 'yon?"
    "Ahhhmm… Oo. Ikaw ang first kiss ko. Kiss na may feelings?"

     I don’t want to spoil this moment. Minsan lang magmaswet si Alyssa kaya gusto kong samantalahin. Ayoko ng maungkat pa ang mga past namin with mYco and Laura. Basta ang mahalaga ay ang ngayon, kaming dalawa.

     Hindi na sumagot si Alyssa. Unti-unting nilapit niya ang labi niya sa labi ko at malugod ko iyong tinanggap. Nakakalunod. Gumalaw ang labi niya, sumusuyo, naglalambing. Gumanti ako hanggang naramdaman ko na lang na iginigiya niya ako papalapit sa kama. Inihiga niya ako at pumatong sya sa akin.

    Tinukod niya ang dalawa niyang siko para suportahan ang bigat niya. Ly started to plant tiny kisses on my face. Sa noo, sa pisngi, sa ilong, sa pisngi ulit at babalik sa mga labi ko.Unti-unting napukaw ang pananabik ko sa maiinit niyang halik.
Kinabig ko ang batok niya at lakas loob na hinalikan ko siya ng mariin. Kusang tumaas ang intesidad ng halikan namin. From gentle kiss, to passionate to french kisses.

    Huminto ako sa paghalik dahil parang hinihingal na ako at nauubusan na ng hangin ang baga ko. I opened up my eyes and it was heaven seeing her smiling at me so sweetly, lovingly.

     "What?" natatawa kong tanong.
     "Ang sarap."
     "Ng kiss ko?"
    "Lahat Den, lahat masarap."
     "Hahahah!! Tumayo ka na nga. Magbihis na tayo at magligpit. Baka kung saan pa tayo umabot nito."

     "Puwede naman, asawa mo na ako."

    Inangat ni Alyssa ang katawan niya at bumaba ng kama. She stretched her arms upward and shouted … "I'm all yours Mrs. Lazaro!!! Yours alone!"

   "Hahahah! Baliw! Tumigil ka na nga! Mahuhubad na 'yang dress mo at sa puwesto mong 'yan puwede ka ng pumalit do'n sa  estatwa sa UP."

    Mabilis din ako bumaba ng kama at sinugod ko si Alyssa ng yakap. She hugged me back and planted a kiss on my head.

    "I love you Den…"
    "I love you, too…"

********************

Shan...
Aug. 9, 2017

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon