Lukut na lukot ang mukha ni Mayu habang pasalampak na nakaupo sa sofa. Kaharap ang lalaking may suot na tig-limang-kilong salamin sa magkabila nitong mata. Hawak nito ang ilang patong ng malinis na papel at mukhang may binabasa mula roon. Lalong sumimangot ang dalaga. Nangangati na ang dalawa niyang paa na tumakbo palabas ng lugar na iyon. Patuloy parin sa pagbabasa ang kaharap niya. Eksaherado siyang bumuga ng hangin. Doon lang siya tila pinansin ng kaharap.
“ Yes Mayu?” ni hindi man lang siya nito nilingon. Para sa kanya kabastusan ‘yon. Hindi naman sa mabait din siyang tao. Kaya lang kasi…
“Uuwi na’ko,” sagot lang niya bago damputin ang gamit niyang kanina pa nagmamakaawa sa mesa. Aabutin na lang niya ang seradura ng pinto nang magsalita uli and kausap niya.
“No, nag-uusap pa tayo.” Ngumisi siya dito at padaskol na bumalik sa sofa.
“Uy, nag-uusap pala tayo dito. Akala ko kasi ay nagmomonologue lang ako, alam mo yun parang kausap ko lang si mother nature. Alam mong nandiyan pero wala nga lang response.” Tumango-tango lang ito. Lalo siyang nagngitngit.
“Ano ba! Mag-uusap ba tayo o babayaran mo ako habang naka-upo ako dito sa opisina mo,” pikon na singhal niya. Kaya niyang itolerate ang ingay ng mundo, ang ayaw niya ay yung may kaharap siya at alam niyang dapat ay nag-uusap sila pero natuyuan na siya ng laway at dugo ay hindi pa rin nagsasalita ang kasama niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ng kausap umano niya.
“Eleven cups of coffee, not bad,” umiling-iling lang ito habang tila may hinahanap pa sa papel na mga hawak.
“Gusto mo ring i-try,” padaskol niyang sagot bago umismid. Kitang-kita niya kung paano pinipigilan ng kausap ang pagtawa bago tumingin sa kanya. Aah, such an angelic face. Sana hindi na lang ito magsalita para hindi nakakasawang tumitig sa mukha nito.
“Gusto lang kitang paalalahanan, seven floors itong ospital natin. Kung talagang feel mong makipagkumperensiya kay San Pedro bakit ‘di mo na lang ako daanan dito sa opisina at ako na ang bahalang magtulak sa’yo. Magpapakamatay ka na nga, mang-aabala ka pa ng iba.”
“I’m not trying to die, baka ikaw gusto mong mauna.” Umalingawngaw ang malutong na halakhak nito. Lalo siyang napikon, lumapit ito sa kanya at pinisil ang magkabila niyang tainga.
“You’re really funny. No wonder everybody loves you,” magaling itong mambola. Ngumiti na rin siya, dito sila nagkakasundo-kapag nagsimula na itong purihin siya.
“Of course, bata pa kasi ako, maganda, maalindog, at kahali-halina,” muli siyang sumimangot bago ito nilingon. “E ikaw, amoy tinapa!”
“What!” doon tila nawala sa composure and kausap, hindi maipinta ang mukha nito. “How the hell will I smell like a smoked fish? Naliligo ako araw-araw hindi gaya mo na puro pagpapakamatay ang inaatupag.”
“Hindi ako nagpapakamatay, nagkakape lang ako!” katuwiran niya.
“Eleven cups?...in almost three hours, nagkakape ka lang. C’mon, you can do more than fool me Mayu.”
“Hindi nga sabi ako nagpapakamatay e! Nagkakape ako dahil nag-iisip ako, kailangan ko yun para ma-stimulate ang mga natutulog kong brains cells at para hindi rin ako antukin habang nag-iisip ako.”
Umiling lang ang kausap niya, dinampot uli nito ang papel na binabasa bago isinilid sa drawer ng mesa nito. Muli ito naupong parang hari sa trono at yumuko upang magbasa ng iba na namang set ng papel.
“Go home Mayu and get some sleep. Please don’t make the old man worry. He’s waiting for you at the lobby.” Nagulat siya sa huling sinabi nito, lolo niya and tinutukoy nitong old man. Naalala niyang siya ang paborito nitong apo, primarily because she’s a girl pero minsan gusto niyang i-indulge na dahil itinuturing siyang prinsesa ng kanyang lolo kaya lahat ng kapritso niya ay nasusunod. Hindi na siya nakipagbangayan pa at dinampot and gamit niya niya bago lumabas ng kuwartong iyon.